Diary ng Nerd #22 - Pick up lines

205 6 3
                                    

Dear Diary,

Sunday na diary! Boring sa bahay. Nandito lang ako sa kama ko nakatingin sa kisame.

Kaya nga ayaw kong dumating ang weekends e! Nakakaumay sa bahay.

"Betty!!!!" Sigaw ni nanay.

"Ano po nay?"

"May bisita ka"

"Sige po heto na po!!!"

Sino kaya yung bisita ko? Wala naman akong inimbita dito sa bahay e.

Tumayo na ako tsaka nag ayos ng buhok. Kahit oily face ako maganda naman. Tsaka na ako bumaba.

"Red?!"

Pagkababa ko nagulat ako kasi si gangster pala ang bisita ko.

"Buti bumisita ka?"

"Ahm, babawi sana ako betty e. Yayain kitang lumabas. Maligo kana"

"Lilibre moko?"

"Ofcourse yes! Di ako makakatulog kapag hindi ako nakabawi sayo"

"Sige sige bibilisan ko na! Hintayin mo nalang ako jan"

Basta pag libre, game ako jan! Hahaha.

Kaagad na akong naligo at nagbihis.

"San tayo punta?" Tanong ko kay red habang nagmamaneho siya.

"Basta"

Hm. Saan kaya ako dadalhin neto? Hay. Malayo kaya?

Ilang minuto lang nandito narin kami.

Napa nga nga at konti nalang tutulo na laway ko sa nakita ko!

Nandito kasi kami sa Veranda Garden Park. Nakapunta na ako dito. Pero dati pa yun. Pinasyal ako ni daddy dito nung bata pa ako. Nakakamiss tuloy.

Park ito na may magandang hardin. Ang kukulay ng mga bulaklak at ang gaganda ng mga puno. Maraming lumilipad na paru paro at may mga bata na naglalaro sa paligid. May mga pamilya na nagbobonding at may mga kumukuha ng letrato dahil sa ganda ng view dito! Ang ganda sobra. Para akong nasa fairytale!!

Nilapag namin yung dala naming kumot sa damo at dun kumain. Marami kaming dalang pagkain. Libre nya lahat. Hay, view palang ng lugar nakakabusog na.

"Masaya ka ba betty?"

"Oo red!! Sobrang saya!! Salamat :')"

"Wala yun. Gusto ko kasing bumawi sayo e. Musta pala yung lakad mo kahapon? Natuloy ba?"

Ano? Sasabihin ko ba sa kanya na nakasama ko si Dennis? Hay di ko alam gagawin ko.. Baka kasi magalit sya.. Ay magagalit ba?

"Huy betty! Kinakausap kita!"

"Ahayy sorry sorry. Ano nga ba ulit yun red?"

"Sabi ko musta na yung lakad mo kahapon? Natuloy ba?"

"Ahh yun ba? Kasi.."

"Kasi ano?"

"Kasi.. Ka-si.."

"Kasi ka ng kasi! Ano nga kasi yun?"

"Ahm wala namili lang ako ng damit. Ako lang mag isa hihi"

KASINUNGALINGAN BETTY!

"Ahh yun lang pala e."

"Hehe.."

Pinagpawisan tuloy ako.. Si red kasi e. Nagtatanong pa.

"May pickup lines ako sayo betty"

"Sige gusto ko yan." Sagot ko habang kumakain ng potato chips.

"Fuztizo ka ba?"

"Huh?! Baket?!"

"I can't smile without you eh :"> BOOMMM!! Hahaha" tsaka kami nagtawanan.

"Ang korni mo red!! Ako rin may pickup lines"

"Ano yun?"

"Yung panty ko parang MOVIE."

"Huh? Bakit naman betty?"

"NOW ON IT'S THIRD WEEK! BOOM!"

Tsaka kami nagtawanan ng malakas. Pinagtitinginan tuloy kame.

"Hindi naman pickup lines yun betty e hahahaha baka realtalk yun?"

"Uyyy hindi no! Pick up lines yun" kaasar naman tong si red. Pick up line kaya yun...

At hindi namin namalayan naubos na yung mga pagkain namin. Nadala kami ng pick up lines na yan ah! Hahaha.

"Tara selfie muna tayo red?"

"Sigesige"

Tapos ay nagselfie selfie kami. Tsaka kami tumayo at naghanap ng magagandang anggulo.

Pumwesto ako sa harap ng halaman na may mga paru parong lumilipad. Habang may hawak akong bulaklak.

"Picturan mo ako red!"

"Okay. 1.. 2.. 3.. CLICK!~"

"Ako naman ako naman" tapos nag planking sya sa damuhan hahaha! Natatawa tuloy ako.

"Oh tayong dalawa na naman betty"

"Sigesige"

"Pwedi ba kitang akbayan betty?"

Okay lang naman yun diba diary? Magkaibigan lang naman kami ni red e.

"Oo naman sige"

Click!

Grabe. Ang dami na ng mga nakuha na naming letrato! Ang gaganda. Hihi

"Oras na pala. Tara uwi na tayo red"

"Sige tara"

Tsaka na namin niligpit yung mga pinagkainan namin.

Hinatid na nya ako sa bahay.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong nya.

"Oo naman red. Salamat ng marami." Saka ko sya niyakap.

Tapos ay nag wave nakami sa isa't isa.

Akala ko magiging boring ang sunday ko diary! Ang saya no? Kasing saya nung saturday..

Ps.

Betty

___________ =)

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now