Diary Ng Nerd #19

227 10 1
                                    

Dear diary,

This is it diary!!! Screening na ng pageant. Ms. Jinha. Napag desyunan ko na, sasali nako. Kinakabahan na nga ako e.

Nandito kami ngayon sa room 73. Dito kasi yung screening ng pageant namin.

Grabe diary! Ang arte arte ng mga nag ja'judge kung sino ang mga karapat dapat na sasali. Medyo marami rami kaming mga babae dito. Halos magaganda. Hay, sana makuha ako.

Heto, ako na. Lumapit nako dun at hinawakan nung babae yung balakang ko at tinignan kung may shape ako. Taray!! Haha. Tinignan ko naman kung anong itsura nung babae, medyo natuwa naman.

"Ang sexy mo naman betty. Sige ngayon, tignan naman natin yung lakad mo"

Wow. So sexy pala ako? Hihi. Ang saya ko naman. Haha. Tsaka na ako nagrampa. Nanginginig mga paa ko dahil ang taas ng nga heels ko grabe! Di ako sanay. Parang matatapilok nako. Pero kaya ko 'to! Hindi ko ipapahiya ang mga sumusuporta sakin.

FIGHT! FIGHT!

Ayun, medyo maayos naman yung paglakad ko. Nag focus lang ako buti hindi ako natapilok.

At pagkatapos ng screening, ayun ang saya ko! Kasi nakuha ako.

Thankyou lord!

Pagbalik ko sa room namin kaagad ako pinagyayakap ng mga classmates ko.

Hindi sumali si Kristal dahil may pilay sya sa paa. Hindi naman din nya daw hilig ang nagpapageant kaya ako nalang ang representative ng section namin.

"Bes!!! I'm so proud of you!!" Tsaka ako pinagyayakap ni tiffany. Na touch naman ako. Ngayon ko lang naranasan ang ganito kasaya sa buong buhay ko.

Tapos silang lahat nag ingay dahil nga sa nakuha ako. Okay lang naman daw kay ms. Gopez dahil masaya rin daw sya para sakin. Kaya ayun, nagsaya lang kami ng subject na yun. Hindi kami nagklase.

Tumunog na yung bell. It means lunch na. Hay salamat makaka kain narin ako. Gutom na gutom nako e.

"Hello betty! Congrats! Galingan mo sa pageant huh?" nagulat naman ako sa lumapit. Nakaka iyak naman. Kasi proud na proud sakin si red.

"Thankyou red!! Oo sige gagalingan ko"

Tsaka naman ako napatingin sa kasama nyang lalake. Bute magkasama sila? Ay, oo nga pala magka team sila sa basketball. Siguro kakatapos lang nilang mag practice. Pawis na pawis e.

Hinihintay kong i congrats ako ni dennis pero nakatayo parin siya. Sya yung kasama ni red. Galit ba sya sakin? Blanko yung itsura nya e. Taena di ko mahulaan kung anong iniisip nya.

Madam auring help me!

"Tara red and dennis kaen na tayo? Mukhang pagod kayo e?"

"Tama ka nga betty. Gutom na gutom kami ni kuya ko e. Tara libre mo ah?" Sabi ni red.

"Oo naman syempre nakuha ako sa para sa pageant e"

"Busog ako" cold na sabi ni dennis. Napano sya? E mukhang matamlay nga sya e.

Ano kayang nangyayari na naman sa lalaking to? Hay. Kaya kami nalang kumain ni red. Bahala syang manigas sa gutom jan! Ang arte pa huh. Habang kumakain kami naka earphone lang si dennis at hinihintay lang kami matapos. Pakiramdam ko gutom na gutom sya e. Ewan ko bat sabi niyang busog sya. Ayaw ba nya akong kasabay kumain?

Ilang minuto lang natapos na din kami kumain at naghiwa hiwalay na kaming tatlo. Hindi kasi kami magkakaklase e.

Hanggang ngayon iniisip ko parin si walk out boy. Bakit kaya ganyan lagi mood nya? Di ko pa ata sya nakitang tumawa ah. Hanggang sa matapos ang lahat ng mga subjects namin, ni isa walang pumasok sa utak ko na diniscuss ng mga teachers namin. Papano ba naman, lumilipad utak ko ng dahil kay dennis. Siya kasi e. Ganyan mood nya. Hindi ko maintindihan kung anong mood ng mokong na yun.

Nandito ako ngayon sa library. Wala narin tao dito kaya dito nalang ako. Oppsss, hindi ako nagbabasa ng libro ngayon ah? Gumagawa ako ng project. Bukas na namin ito i papass. Hindi ko magagawa ngayon ito sa bahay dahil sinabi ko na kay nanay na natapos ko na ito nung minsan pa.

Hala, 7pm na ako natapos. 7:30 na magsasara ang school. Kaya nagmadali na akong lumabas. Nakakatakot naman diary. Kasi madilim na sa labas at wala na masyadong sasakyan kaya naglakad nalang ako papuntang kanto ng school. Dun kase may sakayan ng jeep. Pero medyo malayo layo yun. Pero titiisin ko nalang. Basta makauwi na ako.

Habang naglalakad ako may nadaanan akong nag iinuman. Shet diary. Nakakatakot sila.

Lumapit yung isang lalaki sakin.

"Heyy! Tara shumama ka shamin hahahaha" lasing na lasing na sya. Ang baho ng hininga nya amoy alak. Nakakadiri. Tsaka nya hinawakan ang braso ko.

"Bitawan moko panget ka!!!!" Tsaka ko pinipilit na alisin yung kamay nyang nakahawak sa braso ko. Pero malakas sya. Hindi ko sya kaya. Nasasaktan na ako sobrang higpit ng pagkakahawak nya sakin.

Tulungan nyoko nanay! T_T

Papalapit ng papalapit ang mukha nung lasing na lalaki sa mukha ko. Ano ba to, hahalikan nya ako?! Maawa ka naman oh!

Pumikit nalang ako dahil no choice na ako.

Pagkadilat ng mga mata ko nagulat ako sa nakita ko. Nakabulagta na yung lalaki. Kaya pala naramdaman ko na nawala na yung mahigpit na hawak sa braso ko. Nakatulog ba sya sa sobrang lasing?

Tsaka may lalaki sa harap ko na bigla akong hinila papasok sa kotse nya. Hindi ko siya makilala dahil naka cap at shades sya. Pero parang kilala ko siya diary e.

"Ikaw ba yung nagligtas sakin? Sino ka? Salamat huh!!!"

Habang nag dadrive sya kinakausap ko siya. Tsaka naman sya nagsalita.

"SA SUSUNOD WAG KA NG UMUWI NG GANUNG ORAS"

Parang kilala ko yung boses na yun ah? Tsaka nya inalis yung cap at shades nya. Oh my! Si dennis niligtas ako? Di ako makapaniwala. Taena baka nananaginip na naman ako. Ay hindi ako nananaginip kasi masakit talaga yung braso ko dahil dun sa panget na lalaki kanina.

Di ko namalayan nandito na pala kami sa harap ng bahay namin. Pagkababa ko bumaba din siya. Kaagad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.

"Dennis!! Maraming maraming salamat ha. Dahil sayo buhay pa ako ngayon.."

"Oo na. Pasok kana sa inyo. Walang anuman betty"

Tapos nag wave na ako sa kanya. Ang saya ko naman. Yung dating crush ko, ngayon niligtas ako hehe. Inggit ka no diary?

"Ikaw bata ka!! Gumanda ka lang nagpapa disoras ka na umuuwi ha?!"

Sabi ni nanay. Ay oo nga pala hindi agad ako nakauwi. Siguradong alalang alala si nanay. Ano kayang idadahilan ko?

Betty! Isip.. Isip.. Isip ka naman!

"Ahm, sorry nanay. Nakuha kasi ako sa pageant tapos nagpratice pa kami kaya late na akong umuwi. Sorry nay"

Kanina lang, konti nalang maging demonyo na si nanay dahil mukha sya kaninang pinagsamang dragon at leon. Tapos ngayon napalitan ng abot tenga ang ngiti niya tsaka nya ako niyakap.

"Betty! Dalaga kana talaga!! Congratulation anak! Proud na proud ako sayo!" Ganito pala ang pakiramdam kapag proud na proud sayo ang nanay mo. Wala ka nang hihilingin pa.

Tsaka na ako nagpaalam sa kanya na matutulog na ako. Busog naman ako e. Kaya hindi na ako kumain. Deretso na sa kwarto ko.

Ang saya ng araw na to kahit medyo may mga masamang nangyari no diary?

Ps.

Betty.

________

Author's note: Hello guys! Sorry if late update ha. Sobrang busy kasi talaga ako e. As in super! Hahaha. Sige babawi din ako. Medyo hinaba ko itong chapter na to. Ayos ba? :)

Vote and comment naman jan oh!!

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now