Diary ng Nerd #29

149 1 0
                                    

Dear Diary,

Sabado ngayon diary. Mabuti nalang wala kaming assignments, reports, or projects. Makakapagrelax ako.

Pero sa sitwasyon ko ngayon, ewan ko lang kung makakapag relax pa ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa ni red.

Speaking of that, bigla kong naalala si dennis. Magkikita pala kami mamayang 10am sa starbucks malapit sa school. Mukhang importante ang sasabihin nya. Ano kaya 'yun? Hindi ko alam kung pupunta pa ako dahil wala akong ganang tumayo man lang at kumain.

Tumayo na ako dahil napagdesisyunan ko na pupunta ako sa lakad namin ni dennis. Mas maganda ng mapakinggan ko ang sasabihin nya kaysa sa magmukmok ako rito.

"Inay, ayos lang po ba kayo?" tanong ko kay inay dahil kanina pa sya ubo ng ubo. Siguro napagod na sya sa sobrang pagtatrabaho dito sa bahay.

"Ayos lang ako, 'nak. Wag mo na akong intindihin." sabi niya. Muli pa siyang nagsalita. "Mukhang may lakad ka ngayon ah? Ayan yung almusal. Yan yung ulam natin kagabi. Pasensya kana kung di ako nakapagluto kaagad ngayon ha." saka ulit sya umubo.

"Ano ka ba naman inay, wala 'yun. Okay na po ito. Magpahinga lang po kayo jan ah? Dadaan na rin ako sa botika mamaya para ibili kita ng gamot." sabi ko tsaka ko sya tinabihan sa mahabang upuan kung saan sya nakaupo.

"Salamat betty, kaya nga mahal na mahal kita e. Kahit na mabaho yung panty mo." tsaka sya humalakhak.

"Inay naman e, okay na sana kaso dinamay mo pa 'tong panty ko. Hahaha." sabi ko. "Osha, magpahinga ka na sa kwarto mo nay. Kakain na ako dahil may lakad pa ako. Sleepwell nay. I love you." saka ko sya hinalikan sa pisngi at sinamahan na pumasok sa kanyang silid.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. 9:30am palang, kaya siguradong sasakto lang ako ng dating doon. Hindi naman ganoon kalayo yung pupuntahan ko. At mabuti nalang ay may naipon ako ngayong buwan, hindi ganun kalaki pero maibibili ko na ng gamot si inay.

Pagkadating ko sa starbucks, ay nakita kong naghihintay na si dennis.

"Ang aga mo ata?" tanong ko saka na umupo.

"Hindi naman, kakarating ko lang din. Akala ko hindi mo ako susupotin e." sabi niya.

"Dapat nga hindi e, pero mukhang importante ang sasabihin mo kaya pumunta na ako. Ano nga palang pag uusapan natin?"

"Wait, order muna tayo ng kape." sabi niya tsaka sya umorder ng dalawang mocha frappucino.

"Tungkol ito kay red." sabi niya.

"Dapat pala hindi na ako pumunta." tatayo na sana ako pero napatigil ako nung muli siyang nagsalita.

"At sa akin.." sabi niya na talagang ikinagulat ko.

Tungkol kay red at sa kanya? Napano sila? Hindi ko talaga maintindihan kaya dapat ko talagang marinig ang explanation nya.

Muli akong umupo at tinignan sya ng harap harapan.

"Makinig kang mabuti betty.." kinakabahan ako habang nagsasalita sya. "Yung sinabi sayo ni red na mahal na mahal ka nya, ang pakikipagclose nya sayo, ang pagiging sweet nya sayo, ang pagiging mabait nya sayo, lahat ng nagawa nya sayo kaya nainlove ka sakanya, IT'S FAKE."

Parang gusto ko ng mamatay sa narinig ko. Pero bakit parang totoo lahat? Ganun ba ako katanga at kabaliw sa kanya kaya hindi ko napansin 'yun? Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko. Papakinggan ko pa lahat ng sasabihin ni dennis.

"Pano mo nalaman yan?" tanong ko.

"Paano ko nalaman? Inutos ko sya." nagkasalubong na ang kilay ko sa sinabi niya.

Ang lakas ng loob nyang magalit dahil sinaktan ako ni red pero sya pala mismo ang nag utos! Walang hiya!

"Chill. Betty. Makinig ka." sabi niya at huminahon naman ako.

"Inutos ko sya. Pero iba ang ginawa nya. Ang ginawa nya ay lokohin ka. May balak pala syang iba kaya kaagad syang pumayag sa ini-uutos ko sa kanya." muli akong nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong ipagawa sa kanya?"

"Hm.." parang nahihiya sya sa sasabihin niya. "Sabi ko sa kanya makipag close sya sayo tapos ay ilakad nya ako. sayo.." sabi ni dennis na namumula. "Aaminin ko na sayo, mahal na mahal na kita noon pa. Noon pa, nung ika'y hindi kagandahan, pero para sa akin, ikaw ang pinaka maganda sa lahat."

"Pero bakit umasa ka kay red? Bat hindi ikaw mismo ang lumapit sakin? Alam mo bang matagal na kitang crush?" sabi ko.

"Kasi, natatakot ako. Natatakot ako baka i reject mo ako. Hindi ko pa nun alam na gusto mo ako."

"Pero bakit minumura mo ako kapag lagi akong nakatingin sayo noon?"

"Sorry pala sa lahat ng pinagsasabi ko sayo dati ah. Hindi totoo yun, ang totoo nga nyan, kumikilig pa ako habang titig na titig ka sakin. Torpe kasi ako, kaya nahihiya ako sayo. Dinadaan ko nalang sa mura. Kunwari'y galit ako sayo. Dahil nahihiya ako sa mga kaibigan ko dahil baka pagtawanan nila ako pag nilapitan kita." nangingilid na ang luha nya sa mata nya. Muli pa syang nagsalita. "Betty, sorry kung sobrang torpe ko noon. At ikinakahiya kita sa mga kaibigan ko. Ang lakas kasi nilang mang asar kaya nauuto nila ako. Pero isa lang ang maipapangako ko ngayon sayo, betty.." tumayo sya at lumuhod sa harapan ko. Kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa mga labi nya habang nakayuko.

"Ipapangako ko sayo na magsimula ngayon ay hindi na ako katulad ng dati na sobrang torpe. Ipapangako ko sayo na hindi na kita ikakahiya sa lahat ng tao sa paligid natin. Ipapangako ko sayo na ikaw lang ang babaing pinaka maganda sa paningin ko.. Ikaw lang ang babaing nagpatibok na puso ko noon pa lang, kaya betty, patawarin mo na ako at pati na rin si red. Ako na ang bahala sa kanya. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari. Uumpisahan natin ulit ang buhay mo.. NA KASAMA AKO.." may nilabas syang bouquet ng flowers at singsing. Ang dami ng tao sa starbucks ang tumitingin sa amin.

"Betty, manliligaw ako sayo." saka nya ipinasok sa daliri ko ang singsing na binigay nya. Hindi ko expect ang nangyari dahil si dennis to e. Akala ko inis na inis sa akin ang lalaking to. Naiiyak na ako sobra.

"Hindi ko hinihintay ang sagot mo dahil sa ayaw at sa gusto mo, ay manliligaw ako sayo. Tapos!" saka nya ako niyakap ng mahigpit.

"Thankyou dennis, salamat sa lahat ng ito. Sobrang na appreciate ko. Kahit na hindi mo na sabihin yan ay papayagan naman kitang manligaw e." sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Salamat betty. Mahal na mahal kita."

Ps.

Betty ❤

________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now