Diary ng Nerd #27

112 2 1
                                    

Dear Diary,

Nasaan kaya si Red? Ano kayang ginagawa nya no diary? Kumain na kaya sya? Maayos lang ba sya?

Kanina pa ako isip ng isip tungkol kay red at di mapakali habang nasa kama ko. Naghihintay ng text nya. Bat ba kasi palagi ko syang hinahanap? Siguro namiss ko na sya. Di ko na kasi sya gaano nakakasama. Huli ko syang nakasama nung pumunta ako sa kanila at nung nagpasorry ako kay cheska. Aish. Siguro busy na sya ngayon kaya di na nya ako natetext. Di pa naman nya ako na congrats nung nanalo ako sa Ms. Jinha! Pag nakita ko talaga sya mababatok sya sakin. Echos lang!

Pag gising ko hawak ko parin yung cellphone ko. Di ko na pala namalayan na nakatulog na ako kagabi! Tinignan ko kung may text nya. Pero ganun parin. Wala ni isa.

Math subject namin at wala na naman akong gana. Gutom na kasi ako. Di ako nag breakfast kanina dahil nagmamadali na ako. Muntik na naman akong ma-late dahil naghihintay parin ako ng text nya kanina katapos ko magbihis.

"Ang dami mo atang binili ngayon, bes?" tanong ni tiffany. Nasa foodcourt kami.

"Oo bes e. Gutom na gutom kasi ako." sabay subo sa siomai.

"Bes! Bes! Diba si--" kinakalabit ako ni tiffany habang kumakain ako. "Ano ba bes? Mamaya nalang yan kumakain pa ako e." sabi ko.

"Bes! Tumingin ka muna kasi sa tinuturo ko! Diba si Red yon!" sabay turo nya sa may likuran namin. Hindi na ako nagdalawang isip at kaagad na akong tumingin kung nasaan man si Red.

Nabitawan ko nalang yung hawak kong empanada habang nakatingin sa kanila. Si red may kasamang babae. At nakita kong naghahalikan sila. Hindi na siguro nyan sila magkapatid no?!

"Hoy san ka pupunta! Di mo pa naubos tong mga inorder mo oh!" sigaw ni tiffany dahil bigla akong naglakad palayo. Iniwan ko sya dun kaya hinabol nya ako.

"Bes! Wait for me!" di ko sya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad.

"Bes, ano ba!" tsaka hinawakan ni tiffany ang braso ko kaya napatigil ako. Tinignan ko sya ng mata sa mata, halatang alalang alala sya sakin. Bestfriend ko nga talaga sya.

Gusto kong sabihin sa kanya na sobrang nasaktan ako sa nakita ko. Bat ngayon pa! Ngayong mahal na mahal ko na si red! Minsan nalang nga ako magmahal tapos sinasaktan pa nila ako! Hindi na ba ako pwedeng magmahal?! Bakit ganito? Sana isa lang itong masamang panaginip at sana magising na ako! Kase hindi ko kaya! Mahal na mahal ko si red!

"Bes!!!! Hindi ba halata? Na nagseselos ako?" tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Nagseselos ako! Kasi mahal ko si red! At sabi nya mahal nya rin ako! My god! Bat napaniwala nya ako! Ang tanga tanga ko talaga!" humagulgol na ako sa iyak. Wala na akong pake sa mga tao. Marami ng tao ang mga nanonood. Hoy! Hindi to telenovela ururrr! "Bes, hindi ko na kaya. Huhuhu." tsaka ko niyakap si tiffany at inilabas ko lahat ng hinanakit sa dibdib ko kahit wala akong dibdib. Huhuhu.

Ps.


Betty :(

_________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now