[A/N: Hello guys! Sorry kung matagal bago ako nakapag update! Babawi nalang ako. Dadamihan ko ang chapter na to :) ]
Dear Diary,
Pageant na bukas diary! Kaya sana manalo ako. Ayokong mapahiya ang lahat ng mga sumusuporta saken.
"Matagal pa ba sya?"
Tanong ko kay red nandito kasi kami sa bahay nila. Nag aayos siya ng gamit nya. Dahil kakarating lang namin galing ng school. Pero dumeretso muna kami sa bahay nila red. Dahil gusto kong magpasorry kay Cheska. Ang kapatid niya sa labas. Gusto kong magpasorry pero kinakabahan ako na parang gusto ko ng umuwe. Ewan ko ang gulo ko. Hay -_-
"Darating na rin yun baby" tsaka sya ngumiti ng nakakaloko. Tinatakot nya ba ako? Psh! Sya nga mismo nagsabi na mabait kapatid nya eh.
*ding dong
Ayun! May nag door bell na. Sya na ba yun?! Sya na ba yun?!
"Ako na magbubukas" tsaka na tumayo si red.
Shit! Kaya ko to..
"Oh! Nandito pala to kuya?" Tsaka sya umupo sa sofa. Ang ganda pala niya sa malapitan. Ikaw kasi betty eh! Makapanglait ka akala mo di ka naging panget noon!
Nakatingin parin siya sakin. Wag mo nakong tignan please.. Matutunaw nako e..
"Ahm, cheska. Im sorry. Sorry talaga.." Tsaka sya ngumiti. Ano? Napatawad mo na ba ako ha?
"Hahaha! Ate naman. Wala yun no. Kasalanan ko naman e" Ate daw? Hm. Bakit sya pa yung may kasalanan?
"Bakit mo naman kasalanan?" Tanong ko. Tsaka sya uminom ng juice. Naglagay pala ng juice dito si red. Di ko na kasi namalayan sa sobrang kaba ko.
"Kasi sobrang sweet ko sa kanya. Hindi ko alam na nakatingin pala yung girlfriend nya! Sorry talaga ate. Hindi ko sinasadya" tsaka nya hinawakan kamay ko.. Hala? Akala ata nya girlfriend ko ang kuya nya. Psh!
"Ay,, bestfriend lang nya ako. Hehe. Ayaw ko lang talagang may lumalapit na babae sa kanya. Sorry"
"Oh? Kuya? Mag bestfriend lang kayo? OMG! You have a SUPER DUPER JEALOUS BESTFRIEND!" Namula ako dun ah. Nakakahiya naman.
Tsaka natawa si red. Adik talaga tong mokong nato!
"Ano palang name mo ate?"
"I'm betty pala. Betty nalang itawag mo sakin hehe"
"Wow. Such a nice name! Hmp, gusto ko ate eh. Anyways, goodbye kuya! Goodbye ate! May lakad pa kasi ako eh." Tsaka nya kami bineso ni red.
"KUYA RED! INGATAN MO SI ATE BETTY AH"
Sigaw ni cheska habang papalayo sya. Aish. Yung babaeng yun talaga. Kung ano ano sinasabe.
"Sige red una nako ha. Pupuntahan ko pa yung gumawa ng mga susuotin ko bukas sa pageant. See you tomorrow"
"Ayaw mong pahatid?"
"Wag na. Kaya ko na to. Goodbye"
"Sige sige. Ingat ka ha? Wag kanang magpa dis oras"
Tapos ay lumabas na ako. Naglakad nalang ako. Malapit lang naman yung pupuntahan ko dito.
Napadaan ako sa may eskinita. Parang may narinig ako ingay eh. May sumisigaw.
YOU ARE READING
Diary ng Nerd [On-Going]
Teen FictionMay magkakagusto parin kaya kay Nerd na si Betty La Fea? Basahin mo para malaman mo! Promise nakakatuwa to :) Diary ng Nerd [ On-Going ] Written by: LJNiiAbra