Diary Ng Nerd #2

562 14 3
                                    

Dear Diary,

Alam mo ba diary, ang sarap ng almusal ko kanina. Sinubukan ko kasing isawsaw yung tinapay sa suka! Grabe ang sarap talaga. May new recipe ako! Hihihi. Pagtapos kong kumain diary, nagbihis na ako at pumasok sa school. Nung nasa school na ako, tsaka ko lang naalala na hindi nanaman pala ako nakapag toothbrush at naligo. Nagmamadali kasi ako e. Anyways. Alam mo ba diary, hindi ako nalate kanina. Hehe. Tapos pagpasok ko sa room, as usual nakatingin nanaman sila sakin. Nasilaw nanaman ata sila sa beauty ko? Hihihi.


"Nangangamoy suka at putok!"



Sabi nung kaklasi ko diary. Hindi ko nalang sya pinansin. Alam ko hindi naman ako yung nangangamoy putok e. Kasi nag deodorant naman ako nung isang linggo. Inggit lang siya kasi SHUTI AKO! (it means maganda) Kahit naka salamin ako, makapal ang kilay, malaki ang ngipin, e ako parin ang pinaka maganda. Diba diary? Sabi kasi ni nanay e. Hihihi.



Nung breaktime namin diary, naisipan kong kumain sa cafeteria. Ang landi landi ko pa nga maglakad e. Hihi. Tapos alam mo ba diary, aba! bigla akong hinarangan nung nagbabantay na guard dun!


"No pets allowed"



Anong tingin nya sakin? Mukhang asong kalye na napadaan sa cafeteria?! Shuta! Aba syempre keribels ko 'to! Alam mo ba ang ginawa ko diary? Edi tinakot ko siya. Sabi ko, "Pag di moko pinapasok sige gagasahin kita" Ayun kaagad naman syang umalis sa dinadaanan ko. Hihi



Tapos diary, nandito rin sa Cafeteria si Dennis na asawa ko. este pinagnanasahan ko. Joke, ang inspirasyon ko. Ayan! Hm. Soulmate talaga kami no diary? Kung saan kasi ako nandun din siya. Hihi. Tapos diary, matagal lang akong nakatitig kay dennis. Ang gwapo niya. Pero teka, parang may hinihintay siya. Lalapit na ba ang pinakamagandang si Betty? Tatayo na sana ako diary, e kaso naunahan na ako e! May lumapit na babae sakanya.



"I'm sorry babe if i'm late"


Sabi niya sa fafa dennis ko diary! Shit ang pangit lang nya! Numipis lang ng konte ang kilay niya sakin at pumuti lang ang ngipin nya ng konti sakin e! Pero pangit parin. Sabi ni nanay ako parin ang pinaka maganda. Nagmana daw ako sakanya. Hihi.


Biglang niyakap ni Dennis yung mukhang clown sa sobrang kapal ng make up! Diba sabi nila mas maganda pag simple? Pero bakit diary? Bakit hindi ako pansin ni dennis? Ang sakit sakit talaga. Kasi ang tagal ko na siyang mahal pero kahit kelan hindi niya napansin ang ganda ko. </3



Ano ba yan diary, nagdrama ako. Tutulog na ako ha? Bukas nalang ulit kita susulatan.

Ps.

Broken hearted,

Betty </3

________________

Diary ng Nerd [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora