Diary Ng Nerd #13

252 4 3
                                    

Dear Diary,

"Musta na kayo ni Red?"

tanong sa akin ni dennis Diary! Magkasama kami ngayon. Nagtataka ka ba kung pano nangyari to? Ganito kasi ang nangyari kanina diary.

*I Fa'flashback ko ha diary!!

Nandito kami sa malapit sa hallway ni Red. As usual, tinuturuan ko siyang nagpapractice ng nestle wellness dance.

"Red, wait lang mag ccr lang ako huh"

Nagpaalam lang ako sa kanya na mag cr. Na iihi na kasi ako diary e.

Pagkalabas ko ng cr, biglang may humigit sakin diary! I rerape na ba si Magandang betty? Bye bye virginity hahaha

"Hoy! panget! bat ka tumatawa huh?!"

Oh! si dennis pala to. Hay nako. Puro na naman ako imagination. Akala ko i rerape na ako e. Tch.

"Ah wala wala. Bat mo ako dinala dito huh?!"

Nandito kasi kami sa likod ng school. May lumang playground dito. Wala man masyadong pumupuntang estudyante rito.

"Wala. gusto lang kitang makausap"

*Yan ang nangyari diary! Kaya nga kami nandito.

Balik ulit tayo dun sa kanina,

"Musta na kayo ni Red?" tanong ni dennis.

"Anong bang paki mo ha dennis?" tanong ko sa kanya. Bat nga ba nya tinatanong to? Nung una, kakaiba din ang tanong nya. Pati ba naman ngayon? Kaya nga ayaw ko syang kausapin e. Hayyy jusko diary. Masisira nyan ang beauty ko dahil sa stress e! Shemay.

"May paki ako. Kasi kapatid ko siya. Baka kasi sinasaktan kana nya na di ko alam"

Sa tingin ko, dahil sa sinabi niya na kapatid niya si Red, dapat maging concern sya kay Red diba? Bat mukhang sa akin sya nag aalala? Di ko na naiintindihan ang mga nangyayari. Ang slow pa naman ng utak ko.

"Hinding hindi ako sasaktan nun kahit na gangster siya. Ang bait nya nga e. Hindi kamukha mo na masunget!"

Sabi ko sa kanya. tsaka ako nag pout. Ang cute ko diba diary? Hehehehe.

Tsaka nya ako niyakap. My gaaaad! Bakit moko niyakap dennis? Hindi pa naman ako naligo ngayon. Bahala ka. Masisira din ilong mo nyan. Ang tangos pa naman.

"Betty sana malaman mo na mahalaga ka sakin"

Tsaka na sya umalis. Iniwan nya akong nakatulala dun. Alam nyo ba bakit ako natulala? Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi.. BAKIT KAYA HINDI NYA AKO NAAMOY?

JOKE! Syempre yung iniisip ko, ano daw sabi niya? Mahalaga daw? Paano? Bakit diary!? Ang dami kong tanong sayo no diary. Alam ko naman na hindi mo sasagutin mga tanong ko e.

Umalis na ako at bumalik sa lugar kung saan kami nagppractice ni Red. Nakita ko siyang pinag sisipa yung pader.

"Red!! Anong ginagawa mo huh?! Wala naman akong tinurong step na ganyan sayo e!!!"

Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko siya. Tsaka ko siya niyayang umupo sa bench. Galit na galit ang itsura niya. Tapos nakayuko siya.

"Napano ka Red?" tanong ko sa kanya. Matagal naman bago siya sumagot..

"Ano yung nakita ko betty?!! Kayo na ba ni Kuya?!!" Tsaka na sya humarap sakin. At hinawakan ang magkabilang balikat ko. Ang higpit higpit ng hawak nya. Ouch ang sakit..

"Huh?! Baliw ka naba?! Hinding hindi ko papatulan yung masunget na yun no!! Tsaka may taste ako!"

Hindi kami bagay ni dennis! Kasi panget lang sya! At ako mukhang diwata! DIWATA NG MGA MAITIM NA SINGIT. Chos!

"Totoo ba yan betty?! Bat ka nya niyakap?!" this time, lumungkot yung itsura ni red at nanghina na ang katawan nya. Hindi narin mahigpit ang hawak nya sa aking magkabilang braso.

"Ah ewan ko dun. Tara na nga umuwi na tayo! Wag ka ng mag isip ng kung ano ano okay?"

Tapos ay hinatid na nya ako pauwi.

Nagseselos ba si Red? Anong sa tingin mo diary? Hahaha HABA NG HAIR KO! NAG REJOICE KABA GIRL?.. SARREH!! HINDI NAMAN AKO NALILIGO E.

PS.

Betty <3

_______________

Diary ng Nerd [On-Going]Where stories live. Discover now