Dear Diary,
Kakatapos lang namin sumayaw ng wellness dance. Actually, nanalo ang school namin! Ang gagaling kasi namin e. Hihihihi
Ay sabi pala ni Red hihintayin ko siya. Nagpractice kasi siya ng basketball. May nalalapit na daw silang laban e.
Ang tagal naman niya! Kaya.. Pumunta muna ako sa 7eleven. Nagugutom na ako e. Nakakapagod kasi sumayaw. Nangangamoy na kili kili ko at yung kepkep ko. Napawisan din kasi sila diary e hahaha
Nakaupo lang ako dun sa loob diary habang umiinom ng gulp at kumakain ng hotdog sandwich.
"Duhhhhh! Bat may unggoy dito?!"
Napatingin ako sa nagsalitang babae. Sobrang nagulat ako. Hindi ako nagulat sa babae. Kundi kay dennis! Dahil kasama siya ni dennis. Girlfriend nya ba to diary? Tch.
Pagkatapos ko silang tignan ay iniwas ko na ang ang tingin ko. Wala naman akong laban sa kanya e. Maganda siya. Sobra. Hindi kamukha ko. Mukha akong sinumpa.
"Shut up Darlene! Let's go!"
Sigaw ni dennis tsaka nya hinigit yung babae nya palabas ng 7eleven. Darlene pala name nya huh?! Ang panget ng name. Mas maganda pa yung betty BWAHAHA
"Hey! Nanjan ka lang pala. Tara na?"
Nagulat naman ako sa nagsalita. Si red pala. "Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya.
"Ito kasi ang pinakamalapit na kainan dito sa school naten e. Kaya naisip ko na dito ka pumunta"
Ah. Kaya pala no diary? Bat di ko naisip yun? Hihi. Tsaka nakami sumakay ng kotse nya at umalis na..
Nandito nakami sa salon.
"Red anong gagawin natin dito? Akala ko bang lalabas tayo para kumaen?" Tanong ko habang kinakati ko ang ulo ko.
"Papaayos kita. Para mas lalo kang gumanda." Tsaka lang sya ngumiti.
"Ayusan nyo nato. Yung gaganda sya ng sobra" sabi niya dun sa babae. Tsaka na nya ako iniwan.
Halos dalawang oras akong inaayos. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko pagharap ko sa salamin! Mukha akong artista diary! Kamukhang kamukha ko si Bea Alonzo. As in!! Hahaha. Humanda na ang mga nanlalait sakin diary.
Napatingin naman ako sa papasok na lalaki. Si red yun. Parang nag slow motion ang paligid. Oh my gas!! Nagpagupit sya. Ang gwapo! Ang sarap ni fafa red!! Hihi
"Ikaw ba talaga yan betty? o.O" tanong niya. Hala di siya makapaniwala sa ganda ko hahaha
"Oo naman red. Sino paba? Haha tara na."
Sabi ko tsaka nakami umalis.
Nandito na ulit kame. Nasa mall na naman kame. Bibilhan nya daw ako ng mga dress at heels. Para daw mas gumanda pa ako.
Ang dami niyang pinamili. Hindi ako makapaniwala na sobrang yaman ng gangster na to.
Pagkatapos sa mall ay pumunta kami sa dentist. Pina alis nya ang mga lumang kadiring braces ko at pina cleaning nya ang mga ngipin ko. Sobrang puti na!! Ako na talaga ang nawawalang kakambal ni bea alonzo!! Inggit ka sa ganda ko no diary? Wahaha
Pagkatapos namin sa dentist, tsaka kami pumunta sa restaurant.
Nakaupo nakami at namimili na ng pagkain sa MENU. Tsaka ko napansin na nakatingin lahat ng mga tao samin. This time, tumitingin na sila dahil namamangha na sila at hindi na ako nilalait. Paano ko nasabe diary? Dahil may mga hawak silang cameras at pinipicturan kami.
"Ang ganda naman nung babae at ang gwapo ng lalaki!" Sabi nung bata
"Wow perfect relationship sila" sabi naman nung lalaki.
Napangiti nalang ako sa mga naririnig ko. First time lang ako pinuri ng ganito.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako sa bahay namin. Pero bago ako pumasok sa bahay ay niyakap ko muna siya. "Red, salamat sa lahat lahat ng nagawa mo sakin ngayong araw nato. Napasaya moko" tapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.
"Wala yun betty. Okay lang naman sakin yung itchura mo date e. Para sakin ikaw na pinaka maganda. Kaso lang, nilalait ka ng mga ibang tao. Hindi ko matiis baka ano pang magawa ko sakanila kaya pina ayos na kita. O diba edi mas nag improve ka? Ingat ka betty. See you tomorrow" then sumakay na sya sa kotse nya.
Ang bait talaga ni red no diary? Ang gwapo pa. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nya. Hihi
Ps.
Betty
_______
YOU ARE READING
Diary ng Nerd [On-Going]
Teen FictionMay magkakagusto parin kaya kay Nerd na si Betty La Fea? Basahin mo para malaman mo! Promise nakakatuwa to :) Diary ng Nerd [ On-Going ] Written by: LJNiiAbra