Chapter 07

1.7K 14 3
                                    

Balik na naman ang klase. It was a fine Monday in a cold dewy morning when I arrived at school early. Maaga rin kasing nagising si itay kanina upang muling bumaba papunta sa siyudad ng Cagayan, at kailangan ko siyang lutuan at tulungan sa paghahanda.

Ngayon ay naglalakad na ako sa hallway kung saan nakikita ko na rin ang iilang mga kapwa kong mag-aaral na maagang dumating. Papunta na ako sa aming silid-aralan. Pagpasok ko ay nadatnan ko si Filimon na nakapalumbaba lamang sa kaniyang lamesa habang nakatanaw sa bintana. He turned to me upon recognizing my presence.

"Oi, ang aga-aga mo yata." I settled at my table.

"Bawal ba?"

I laughed awkwardly, 'Masungit nga talaga itong si Filimon.'

"Naku, pasensiya ka na. Tila wala ka ata sa magandang mood. Okay ka lang ba? Lumiban ka noong isang araw."

"'Di naman bago sa akin 'yan."

I laughed awkwardly again. "Oo nga naman."

I saw him stood up at sinukbit ang kaniyang bag.

"Hala, aalis ka na?" Nagtataka ako.

"Uh, oo. Nagpahinga lang ako rito. Pumunta ako rito upang 'di pumasok, kun'di kunin ang namarkahan kong sagutang papel sa naganap na pagsusulit."

'Mweh, don't tell me he sneaked through the faculty office again? Mweh, Filimon na Filimon talaga. Yeah, after all, we've been classmates since first year.'

"Liliban ka na naman? Oi, nasa ikahuling taon na tayo ng hayskul, wala ka pa rin bang balak tumigil d'yan sa bisyo mong pagliban?"

"Wala," sabi niya sabay tawa.

"Hala?"

"Neh, aalis na ako bago pa ako makita ng guro natin. Tsaka, Agosto na, usap-usapan na naman panigurado ang darating na Buwan ng Wika ngayong taon."

"HEH? That reminds me something though!" I jerked nang mapait.

"Tama, alam kong alam mo ang nasa isip ko, kaya good luck sa ating dalawa." Then he left.

'Naku naman... jusme, hindi maganda ang pakiramdam ko sa buwang ito.' I end up tilting my head in thoughts and in anxiety at napatingin sa kawalan.

'Sasalang pala kami ni Filimon sa Ginoo at Binibining Wika!'

HINDI PA NAGTAGAL ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko. Si Gloria ay nakikipagdaldalan na naman sa akin. Pangiti-ngiti lamang ako at nakikinig sa mga kwento niya.

"Magandang umaga." Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na iyon.

It was Vanjoss' before he sat down. Hindi ko na pala napansin ang pagpasok niya dahil nalibang na ako sa mga kwento ng aking kaibigan. Ginantihan ko rin siya ng ngiti at pagbati, "M-magandang umaga rin.'

'Wews, ba't ako nautal nang wala sa oras?'

Tuloy bumalik sa isip ko ang nangyari nitong nakaraan sa library. I jerked all of a sudden and hid my face nang muling naglaro sa isip ko ang mga sandaling magkahawak ang aming kamay at muntikang pagdikit ng aming mga labi.

"Hoy, Joyanilda, ano'ng nangyayari sa'yo, bigla ka nalang natameme riyan."

Mabuti nalang natauhan na ako nang dahil kay Gloria.

"H-ha? H-hindi." Then I smiled awkwardly.

"Aysus, bahala ka nga r'yan." Then she turned to Vanjoss.

'Napapansin kong napapadalas na akong nalilipasan ng pagtibok.' I held my chest.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon