Kaamulan Special: Chapter 0.2

756 14 2
                                    

     "Okay na, nakita mo, maari ko na ba itong hubarin?" Then I faced Gloria, si lolang tindera ay nakangiti pa rin sa akin. Nagigiliw na yata siyang tunay. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

     But in my moment of smiling, napatingin ako sa gawing pasukan ng bahay-bahayan ni lola nang may grupo ng kabataang napadaan roon at eksaktong saglit na huminto. Ito ang mga kamag-aral namin mula sa kabilang klase, sa pinakaunang seksyon.

     And at that time, halos mahiwalayan na ako ng kaluluwa nang namataan ko siya sa grupo nila.

     'That androgynous boy...'

     My heart was beating so fast, hindi ko alam kung dahil sa hiya ng pagsusukat ng isang gamit na hindi ko naman makukuha, o dahil sa kabang dala ng kakaiba niyang kisig. Ni hindi ko nga alam kung paano ko napanatili ang aking ngiti gayo'ng kinakabahan naman ako. As if my facial muscles had become stiff when I saw him.

     Ang akala ko'y makakahinga na ako nang maluwag nang makita kong dumiretso naman ang ilan sa kaniyang mga kasama ngunit lalo lang akong kinarerahan sa loob ng puso nang napatingin siya sa aking gawi at may kapansin-pansing mahinang pagpitlag.

     'O birheng santa Maria, ako'y ipanalangin mo...'

     Siya, ang nagrank 1 sa buong batch noong nakaraang academic year. Matunog ang kaniyang pangalan sa eskuwelahan hindi lang dahil sa katotohanang iyon kun'di dahil sa mukha niyang tila isang mukha ng babae. He's an androgynous boy who was mocked as gay, feminine or the likes because of how he looks, but to me... he's more than what he looks like, more than who he is.

     I met him during the first day of our first year, during the flag ceremony, minsang nahuli ako ng gising sa pinakaunang araw mismo ng pasukan. Siya kasi ang nakatapat ko sa pila ng mga estudyanteng baguhan sa paaralan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi ko nakuha ang makausap siya. 

     Madalas ko rin siyang nakikitang aktibong nakikipagtagisan sa kanilang klase noong mga panahong napapadaan ako sa kanilang silid-aralan kapag nagpapasama sa akin si Gloria na pumunta sa kantina o sa banyo kapag bakante namin. 

     Minsan din kaming nagkakasalubong sa Y intersection papunta ng paaralan, at madalas namang mauuna siya sa akin sa pagpasok at pag-uwi. Nagkakasalubong na rin kami nang madalas sa pasilyo ng paaralan ngunit ako'y hanggang nakaw lamang ng tingin sa kaniya, o 'di kaya'y umiiwas kapag siya naman ang tumingin sa akin.

     Yes, we will look at each other, but would always end up looking away, and whenever one finds another staring at, the other one would look away first. It's how we would always interact, perhaps because we have nothing to do with each other, other than being mere batchmates who co-exist in school.

     At those moments, I wasn't actually aware, until it came to the day I realized he's actually getting my attention. 

     "Vanjoss... Vanjoss Salcedo" as what his teachers, classmates, and our schoolmates call him. The one that I've been writing the papers about, the one I've been admiring in secret.

     "Joyanilda, walastik, ang ganda mo aking kaibigan. Maari ka nang sumunod sa yapak ni miss universe Gloria Diaz na kapangalan ko pa! O, 'di ba?" Doon na ako natauhan at bumaling kay Gloria. 

     Inismiran ko siya at sinagot ng, "Ngi, masyado akong mahiyain para sa mga bagay na iyan."

     Muli akong tumingin nang palihim sa kinaroroonan ni Vanjoss kanina, ngunit hindi ko na siya nakita pa roon. 

     Sa sandaling iyon ay hindi ko alam kung ako ba'y matutuwa dahil sa wakas ay mawawala na ang aking kaba, o ang malulungkot dahil wala na naman siya sa malapit at hindi ko siya makita. Sa huli, nagpasya nalang akong hubarin ang isinukat na panuelo.

     'Did our eyes really met just a while ago?' Hindi pa rin ako makapaniwala.

     'He was looking at me with those stares again. Those dead straight-ahead stares.'

      Sa huli ay namaalam na kami ni Gloria sa lolang tindera.

     "O mga inday, bumalik kayo dito mamaya ha kapag may nais n'yo na itong bilhin." Magiliw pang nakangiti sa amin si lola habang hawak ang tindang panuelo.

     "Naku, lola, tila malabo na ho yata sapagkat estudyante pa lamang kami't nagtitipid din ng perang aming kinita sa pagsa-sideline," magalang namang wika ni Gloria.

     "Ayos lang, puntahan n'yo nalang ako sa aking tunay na tindahan sa sentro kung nais n'yo na itong bilhin. Itatabi ko muna ito para sa inyo, natutuwa kasi ako sa inyong dalawa at sa lahat ng sumukat nito'y sa'yo lang talaga ito bumagay hija." Bumaling sa akin si lola sa huling sinabi. Hindi kasi ito isinukat ni Gloria at sa halip ay iba ang pinagdisketahan.

     'Yong totoo, nagustuhan ko naman talaga 'yong panuelo subalit wala nga talaga akong dalang pera at ayoko munang gumastos lalo na't mag-isa na lamang ngayon si itay na kumakayod, at ako nama'y limitado lamang ang mga napagpasukan naming mga sideline ni Gloria.

     Nagsisimula nang maging kahel ang araw sa hapong iyon. Pumunta kami ni Gloria sa ilan pang mga nagtitinda bilang paglilibang, hanggang sa kaniya na akong hinila papunta sa inihandang bilog na espasyo ng tanghalan nang nagbigay na ng senyales ng pagsisimula nito.

     "Gloria, hinay-hinay lang sa paghila o." Nagreklamo na ako sa kaniya ngunit hindi ako galit.

     "Eh, bawal magbagal at baka tayo pa'y maunahan ng pwesto sa harap." She's pertaining to the privileged type of viewing, 'yong nasa unahan ka ng ibang mga taong magkukumpulan sa panonood ng mga katutubong mananayaw.

     Hanggang sa nakapunta na nga kami ni Gloria sa malawak na bilog ngunit marami na ang mga manonood, kaya sa huli ay nabundol ko ang isang manonood din sa gitna ng mga tao.

     "Aw."/"Agay," pareho naming reklamo ng nasapol ko.

     "Sorry," wika ko kaagad at umayos ng tayo sa tulong ng taong aking nasapol. Hawak nito ang aking siko nang muntik akong matumba.

     "Ika'y ka lang ba, binibini?" the person asked and the moment I raised my head, I was flabbergasted on the inside.

     Thick jet-black hair, obsidian eyes, soft tadpole eyebrows, rosy cheeks, well-defined medium nose, rosy-pink lips, and light fair skin in close details, and thin built and shorter height in further details.

     It's him.

     Si Vanjoss, at magkalapit ang aming mga mukhang pinamamagitan ng kahel na araw sa hapong yaon.

     'To look away? Or to take this moment ecstatically?'

     At this rate, how do I elucidate my mind in choosing a reaction when I'm getting vacillated by my choices of response?

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon