Chapter 24

1.7K 14 12
                                    

"Oi, guys, maaga pala akong uuwi ngayong hapon. Pasensiya na kayo kung mauna na ako ha, maaga kasi akong pinapauwi ng mga magulang ko ngayong araw. Kahit papaano'y nawalisan ko na naman 'yong mga lantang dahon." That was Gloria.

"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi. Maraming salamat!" Pagkaway naman ni Vanjoss sa umaalis na Gloria.

"Ey, patapos na nga ang klase hindi mo pa rin tanda ang pangalan ko?!" pahabol na reklamo ni Gloria.

"Sorry na." Awkward namang napangiti si Vanjoss.

"O, naalala ko, kailangan ko rin pala munang tulungan si mama sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita namin ngayong gabi. Tapos na nga rin pala ako sa pagdidilig ha."

"O sige pare, mag-iingat ka." Si Vanjoss naman ay walang kaide-ideya.

'Those liars. Plano talaga nila kaming iwan dalawa upang makapag-usap kami nang maayos.'

"Ako lang ba? Parang may kakaiba sa mga nangyayari ngayon ah?" Nakita ko pa siyang napakamot sa kaniyang ulo.

'I'm sorry, Vanjoss. I asked them to help me actually, and they told me sila na ang bahala, but I did not expect their 'kind of help' would turn out like this.'

I can't help it but feel tensed while I'm holding my grass shears.

Lumingon na ako kay Vanjoss, at tunay na nakakailang nang nagkataong sabay pa kaming nagkatinginan. Una akong umiwas ng tingin sa kaniya. Ako'y kinakabahan nang sobra at ang pintig ng aking puso ay napakalakas-lakas.

I could feel this awkward tension that's growing in between our distance.

I dared looking by the side of my eyes, and there I saw his hand fixing the soil of our cultured taro.

Napansin kong natigilan siya, at nang iginiya ko ang aking tingin sa kaniyang mukha ay napagtanto kong nakatingin na rin pala siya sa akin sa gilid ng kaniyang mga mata.

Nanginig ako bigla sa saglit naming titigan, bago kami parehong nag-iwas ng tingin.

'But how could he remain so calm despite having me by his side strangely stealing glimpses of him?'

Muli, naglakas loob akong magnakaw na naman sa kaniya ng tingin, but there I found he was already looking at me too. He moved his eyes away first, before I followed.

Right... this takes me back to those days.

'We've always been like this. Whenever we have an eye contact, we would always end up looking away indistinctively. Whenever one finds another staring at, the other one would look away first.'

"A-ano... mukhang napag-isahan nga tayo ng dalawang 'yon no, na maiwan dito upang tapusin ang ating pagtatanim?" I awkwardly said, trying to break the awkward silence.

"O-oo nga. Pero hayaan nalang natin sila. Kahit papaano'y ang laki naman ng naitulong nila bilang kagrupo natin." He stood up.

Napatingala siya sa mga lumalaki na naming puno ng tambis.

"Ang bilis ng panahon, no? Napalago na rin natin sa pananim ang harden na ito." He turned to me and smile.

Right... it takes me back on those old days when we all four had fun doing garden stuffs here, and the most awkward moment that happened between the two of us.

Vanjoss then took off his garden gloves, bent his body and lend one of his hands wide open towards me, giving me a cue of a helping hand to stand.

Naglipat ako ng tingin mula sa kaniyang kamay papunta sa nakangiti niyang mukha. I end up taking off my garden gloves too and accepted his hand with a smile, feeling every contact we made in this fading moment.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon