Chapter 21

1.7K 14 1
                                    

Dumating na ang araw ng aming year-end party. Nasa bahay lang ako at naglilinis para sa pag-uwi ni itay mamayang gabi. Nagpahinga muna ako saglit matapos linisin ang aming mga kwarto at ang sala. Nagtungo ako sa kusina upang pawiin ang uhaw.

"Ang dami ko pa palang linisin," nasabi ko sa aking sarili.

"Tao po? Tao po?"

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang narinig ang boses na iyon.

"Si Vanjoss?"

Kaaagad akong lumabas kahit wala pa sa wastong ayos, hindi dahil gusto ko siyang makita ngunit dahil nais ko lang talagang makasiguro. And there... siya nga.

"A-ano'ng ginagawa mo rito? Bakit wala ka sa party?" napabulalas ko namang tanong sa kaniya.

"Uh, naisip ko lang na ika'y dalawin. I mean, naisip naming ika'y dalawin." Natawa pa siya.

"Namin?"

"Uh, yes. Hindi lang ako nag-iisa." Then he pointed at two people who were also approaching.

"Oi, Joy!" It was Gloria at kasama rin niya si Filimon na tahimik lang ngunit nakangiting kumaway sa akin.

"HUEEEH?!" I jerked awkwardly dahil sa hiya. Lahat ba naman kasi sila naka-sputing.

"Sa'n ang inyong punta eh wala naman dito ang pagsasaya ng klase?!" naitanong ko pa.

Natawa lang sila sa akin, marahil sa naging reaksyon ko.

"Hindi kami sumipot."

"Ngunit pinadala pa rin namin ang aming mga pagkaing ambag."

"At mas naisin naming makasama ka." Sunod-sunod na sabi nina Vanjoss, Filimon, at ni Gloria.

Inakbayan ako ni Gloria, "Alam mo kasi, inday Joyanilda, simula noon pa man ay magkaklase na tayo, at napag-isip-isip na rin ako na kahit sa ikahuling year-end party mo sa high school ay makapagsaya ka naman, kaya... charan! Nandito kami upang samahan ka."

"In short, ayaw mo pumunta sa party, kaya ang party na mismo ang dinala namin da'yo!"

Hindi ko alam kung paano tumugon. Naiiyak ako dahil naantig nila ang aking puso.

"It's like an extended class year end party," nakangisi pang dagdag ni Vanjoss.

"You guys..." Hindi ko man nga lang magawang tapusin ang aking sasabihin, lalo na't silang lahat ay nakangiti nang napakatamis sa akin.

"Pero teka, ano itong mga dala n'yo?" nagtanong na ako dahil kapansin-pansin ang mga dala nilang mga tupperware at calderine.

Si Gloria na naman ang nagsalita, "Gaya ng sabi namin, extended year-end party ito, kaya may dala rin kaming mga pagkain na ating mapagsasaluhan."

"Alam naming hindi ka papayagan ng iyong itay na lumabas nang wala ang kaniyang pahintulot kaya sa halip na ika'y anyayahan naming gumala, ay kami na ang gagala rito sa bahay ninyo." Vanjoss was still smiling.

"Isa pa, ngayong bakasyon natin at sa pasko ay hindi naman tayo magkakapagsalo-salo sapagkat mahalagang mga araw ito upang makasama ang kani-kaniya nating pamilya, kaya isipin mo na ring isa itong munting pagsasalo-salo natin bilang magkakaibigan." It was Filimon.

Nanibago tuloy ako sa pagkahaba-haba niyang salita.

Sa huli, napagtanto ko nalang na napaiyak na ako.

"U-uy, ba't ka umiiyak d'yan? Hindi ka naman namin inaaway." That was Gloria. "Tara na nga uwi na tayo!"

"H-Hindi! Haha, naku, natuwa lang talaga ako, kaya ganito," kaagad ko namang tugon at pinunasan na ang aking luha.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon