Chapter 19

1.7K 14 3
                                    

Sa wakas ay natapos na rin ang klase. Ngunit bago pa man ako makauwi, bigla na lamang akong hinila ni Gloria papunta sa isang pribadong space. Marahan lamang iyon ngunit sapat na upang pumukaw ng diwa ko. 

Sinubukan ni Gloria na kausapin ako. Alam niyang may mali, dahil mula pa kaninang umaga'y tahimik akong nakayuko, tila nawawala sa sarili.

"Joy, okay ka lang ba?" tanong ni Gloria, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Napatingin ako sa kanya, ngunit agad ding iniwas ang mga mata ko. "Okay lang ako, Gloria. Huwag kang mag-alala."

Pero hindi siya nagpaawat. "Alam kong may problema ka. Hindi ko na matiis na hindi itanong. Sabi pa nga ni Filimon kanina eh bigyan ko raw muna kita ng space pero, nainip na ako. Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?"

Sa lamig ng panahon at manipis na ulap na bumabalot sa paligid, wala na akong nagawa kundi aminin ang nararamdaman ko. I heaved a sigh before I broke down in front of her. "Gloria, nalulungkot ako. Alam mo na siguro kung bakit."

Napatango siya, bakas sa kanyang mukha ang pagkaintindi. "Si Vanjoss, ano?"

Tumango ako, kahit pa ang sakit ay bumabalot sa puso ko. "Oo, aalis na siya. At pakiramdam ko, hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang mga susunod na araw. Not just that but, thinking about the impending end of highschool makes me anxious about what do I really want to do after that."

Niyakap ako ni Gloria. "Joy, naiintindihan kita. Mahirap talaga ang pakiramdam ng hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Pero tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Nandito kami para sa'yo, okay?"

She let out a sigh and continued, "At tungkol kay Vanjoss, alam ko na mahalaga siya sa'yo. After all, matalik natin siyang kaibigan. Masakit man isipin, pero baka ito na ang tamang panahon para mag-usap kayo nang tapat."

Naramdaman ko ang init ng kanyang mga salita, parang bahagyang gumaan ang bigat na dinadala ko. "Salamat, Gloria. Ang hirap lang kasi isipin na aalis na siya."

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Joy, minsan kailangan nating harapin ang sakit para makapagpatuloy. At hindi ibig sabihin no'n ay mawawala na siyang tuluyan sa buhay mo. Maaring magkakaroon lang kayo ng bagong yugto sa buhay niyo. Kaya huwag kang matakot magsabi ng nararamdaman mo. Malay mo, baka pareho lang din kayo ng nararamdaman? Kahit nga ako nalungkot din no'ng nalaman kong aalis na siya ng bansa sa oras na mag-qualify talaga siya. Kung nalulungkot tayo, paano na kaya siya na mismong aalis?"

Pakiwari ko'y inaakala ni Gloria na isang matalik na kaibigan pa rin ang tingin ko kay Vanjoss, ang hindi niya alam, isa akong dalagang nagiging biktima ng isang one-sided high school romantic saga.

Bago pa kami magkahiwalay, dumating si Vanjoss. Nakita niya kaming dalawa, at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Agad akong tinignan ni Gloria at pabulong na sinabihan. "Joy, kausapin mo siya. Sabihin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo. Huwag kang matakot."

I was surprised when she turned to Vanjoss and, with a smile, said, "Vanjoss, baka naman pwede mong samahan si Joy pauwi, masama pakiramdam eh. Mauuna na ako, naghihintay na sa'kin si mama sa labas eh."

'Napakasinungaling talaga 'tong babaeng 'to,' naisip ko nalang lalo't nakita ko siyang nakakalokong ngumisi sa akin. 

"Talaga?" Vanjoss replied, worry instantly painting his face. He approached me slowly, every step full of concern. I couldn't look him in the eye, but I could feel him standing close to me.

"Joy, hindi ka raw okay, totoo ba?" tanong niya, ang kanyang tinig puno ng malasakit.

Bago pa ako makasagot, inilapat ni Vanjoss ang likod ng kaniyang kamay sa noo ko, ang dampi nito'y nagbigay ng kakaibang init sa aking balat. Sa kanyang pag-aalala, halos malusaw ako sa kanyang titig.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon