Chapter 16

1.7K 14 4
                                    

The weather was in its usual cold and dry stir, but for this start of the month, it's getting colder. Kakagising ko lang at balot pa ng makapal na kumot.

"Grabe, ang lamig naman!" I was shivering really bad.

I raised my body out of bed at binuksan nang bahagya ang bintana, enough for me to see how's outside. It was fogging, an almost zero visibility.

"Kung wala sigurong pasok ngayon, eh, hindi ko na sana kakailanganin pang maligo," reklamo ko, ngunit sa huli nama'y nagpasya nang maghanda.

'Ano nga ba naman ang ibang magagawa sa isang buhay-estudyante?' Nakakatamad itong panahong 'to. Ayaw pa naman ng mga guro na ma-late ang mga estudyante without valid excuse. Eh kapag naman sila ang na-late, valid lahat ng excuse. Kalokohan!

Saglit akong natigilan nang namataan ko ang isang nakatuping jacket sa ibabaw ng aking mesa. It was Vanjoss' jacket, and it's been a month since I wasn't able to return it to him.

We, fourth years, have been really swamped recently lalo na't ilang buwan nalang ay magtatapos na kami sa hayskul. Exams, performances, removals, and enjoying local holidays were our activity lineup this past month.

Ang sabi pa ng aming mga guro'y mauuna kaming matapos bago pa ang unang linggo ng Pebrero sa susunod na taon, upang magkapagsimula na rin kaming mag-ensayo para sa aming pagtatapos, lalo na ang mga mapapasali sa listahan ng mga nangunguna sa klase.

"Naalala pa kaya ito ni Vanjoss?" Lumapit ako sa jacket at ito'y aking hinawakan.

The blanket that covers me against the freezing ambiance fell on the floor.

"The day you put this on me was the day saying I love you even just in my paper fantasies became different."

'Kailangan ko na itong ibalik habang may pagkakataon pa'ko. Tsaka isa pa, hindi man siguradong aalis nga siya, kailangan ko pa rin itong isauli.'

Today's the first day of December 1972. The streets were covered by the kissing stratus, and the azureless sky gave a grayscaled atmosphere. Several carriages were on standby, and my fellow walking students were on their thick jackets. Some of us were having our umbrellas, while some did not.

Hindi pa nagtagal ay nasa paaralan na ako, at dala-dala ko pa rin papasok ng gusali ang isang bag na ginawa ko gamit ang papel upang mapaglagyan ng isasauli kong jacket.

Bago pa ako pumasok sa aming silid-aralan ay inayos ko na ang suot kong scarf.

"Oi, Joy! Magandang umaga!" Ang matamis na pagbati kaagad ni Gloria ang sumalubong sa akin.

"Oi, Gloria, good morning. Nauna ka pala ngayong araw sa akin." Ginantihan ko rin naman siya ng ngiti.

Marami-rami na rin pala kami sa loob ng classroom.

"Ah oo, sino ba naman kasing hindi magigising sa lamig ng panahon?"

"Ang akala ko kasi'y malambing pa ang iyong tulog ngayong umaga," pagbibiro ko.

"Gusto ko nga sana eh, kaso nga kinukulit na rin ako ni mama na pumasok. Ayaw na niya talaga akong lumiban matapos noong makita niya ang aking mga marka para sa ikatlong markahan nitong nakaraan. Kaya dapat daw ngayong huling markahan na ay kailangan kong galingan upang grumadweyt kesa maging parbol sa bahay kapag nagkataon," mahaba naman niyang litanya.

Bago ko nilagay ang aking mga gamit sa aking upuan ay saglit akong napatingin sa bakanteng upuan ni Vanjoss. Mukhang hindi pa siya nakakarating.

'Tama, ilalagay ko nalang ito sa kaniyang upuan habang wala pa siya, para hindi naman masyadong nakakahiya.'

But my own mind opposed me.

'Mamaya nalang siguro kapag narito na siya. Tama, I have to take the times to be with him while I still have.'

THE LUNCH BREAK started after our morning dismissal. Sa wakas, may pagkakataon na rin akong makausap si Vanjoss at personal na maibalik sa kaniya ang jacket niya. Wala kasi akong pagkakataon kanina sapagkat masyado naman siyang nakatuon sa aming mga klase. Yung totoo, gaya ng dati, hanggang nakaw-tingin lang ulit ako sa kaniya.

"Filimon, nakita mo ba kung saan nagtungo si Vanjoss?" Nagtanong na ako sa aking katabi sa upuan.

"Nakita kong lumabas kasama 'yong guro, may pinapagawa na naman ata."

"Salamat Filimon ha." Kaagad ko nang iniwan ang nakapalumbabang si Filimon, habang dala-dala ang nakabalot na jacket ni Vanjoss.

'Malamang nasa opisina na naman iyon ng mga guro.' Somehow, I felt excited while walking through the cold corridors.

'He's been really busy lately, pero pagkakataon ko na itong makausap siya.'

"Ikaw ang nangunguna ngayon sa inyong batch, Mr. Salcedo, at ang layo ng agwat niyo sa pumapangalawa sa'yo..."

Natigilan ako nang hindi ko sadyang marinig ang boses na iyon ng aming guro dito sa labas ng pasilyo.

"Nakakamangha rin ang improvements mo sa asignaturang Ingles."

I smiled upon hearing that, I felt fluttered for playing the part.

I decided to step back a little and hid myself before the door.

"Salamat po sir. That's a compliment, but I couldn't do it kung hindi po ako tinulungan ni Joy. I owe it a lot to her especially in her belief in me."

That made my heart skip a beat.

'Why is he like this? He would always know how to give proper credits, but this time, I think he went too far... too far that it makes my heart fly over cloud nine.' Nakakatuwa si Vanjoss, at nakakatuwa siyang mahalin.

"Kung sakaling ikaw ang magiging batch Valedictorian, tatanggapin mo ba ang alok sa'yo ng isang banyagang unibersidad? Aalis ka ba ng bansa?"

There... I was automatically coated in thrills.

'That question... it's something that determines how difficult would these feelings of mine gomy one-sided feelings.'

Vanjoss was still not answering; I was preparing my heart.

Kinakabahan ako; a part of me wants to hear him answer, and a part of me doesn't want to.

'In moments when we have the chance to hear the truth, should we run away or stay and listen until we learn to accept it?' I hugged the wrapped jacket tightly, my hands trembling as if they were beginning to weaken.

"I'll accept it sir."

There...

"Aalis po ako ng bansa."

Like a flying paper that was able to reach cloud nine, I fell, when such cloud turned out to be a storm.

I gasped, but my cold-sweated hand blocked it to imprison me in my silence.

"That's great then. We'll be looking forward to it. Sigurado kaming matutuwa ang ina mo rito." Narinig ko pang pinuri at pinalakpakan siya ng ibang mga guro sa aking tahimik na pagtangis.

Like a torn page of a book's wings, I felt alone.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon