Chapter 10

1.7K 14 8
                                    

Dalawang araw na rin ang lumipas bago ako nakabalik sa klase. Pinaalam na ni Vanjoss sa aming mga guro ang dahilan ng aking pagliban kaya naman ay binigyan nila ako ng palugit upang makapagpasa ng mga gawaing napag-iwanan. Mabuti nalang at gumaling ako kaagad mula sa lagnat, thanks to Vanjoss. He even let Gloria know about how I've been, kaya sa ikalawang araw ng aking pagkakaroon ng lagnat ay naalagaan nila ako ng kaniyang ina sa bahay.

'By that reason, I can't help it but feel a lot of cosmic feelings that only me and my papers know about.'

I stopped from writing equations at lihim na napangiti habang lihim ring nakatigin kay Vanjoss sa gilid ng aking mga mata.

'Grabe, siniseryoso nga niya ang pag-aaral pa ng wikang Ingles.'

He was looking dead straight ahead on his readings.

'That look... he's so interesting.'

Kaagad naman akong nag-alis sa kaniya ng tingin nang napansin ko ang pagkilos din ng kaniyang mga mata. I'm glad he didn't catch me stealing a glimpse of him again.

'If he'd sue me, I'm more than sure I'll rot in jail.'

Ngunit, alam ko rin sa sarili kong may bagay pang bumabagabag sa akin.

"Kahit ba ang pagsasalita mo ng 'mahal kita' ay dinadaan mo rin sa pagsusulat?"

It really keeps me leaving myself in wonders.

'That question...'

Sa sandaling ito, ang alam ko'y kailangan kong malaman kung bakit niya iyon naitanong.

'Was it because he read this diary?'

My heart is beating in uncertainty.

'Or was it because, he often sees me writing.'

Kinakabahan ako.

'Ngunit hindi naman niya alam na ang sinusulat ko ay isang talaarawan? Or did he?'

Napapikit ako ng mga mata sabay buga ng hangin, at sa huli ay palihim na naman akong nagnakaw sa kaniya ng tingin.

'This guy...' I'm pertaining to him.

'He looked innocent, but full of mystery. Ang daming bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kaniya.'

Natigilan ako nang namataan ang aking naisulat sa aking calculation sheet. Later did I realize I wasn't studying mathematics at all, but the unsolvable equation of falling in love as I was already writing his name at the bottom right of the paper.

'Vanjoss, why are you so hard to read?'

"Oi, Joy! Okay ka na ba?" Kaagad kong tinakpan ang nakasulat n'yang pangalan nang biglang sumulpot sa harap ko si Gloria.

"Oo, Gloria. Salamat talaga sa inyo ni inang Belinda." I smiled at her. Naging pangalawang nanay ko na ang kaniyang ina at siya ay parang kapatid ko na.

"Hala, nag-aaral ka pala sa matematika? Nakakamangha ka naman," sabi niya nang namataan ang mga isinulat kong kalkulasyon.

I laughed awkwardly, "Uh, oo. Kailangan kasi."

"Tumatagalid na rin ako sa scholarship," dagdag ko pa.

Malungkot naman siyang nagbaba ng tingin.

"Naku, kung maari nga rin sana ay tutulungan din kita upang manatili pa rito. Kaso sapat lang din ang sweldo nina mama at papa upang ako'y makapasok sa paaralang ito."

"Naku, Gloria, 'wag na uy. Nakakahiya, 'wag mo na akong alalahanin."

"Mabuti nalang talaga masipag ka Joy kaya nananatili ka pa rito. Eh ako? Ewan ko nalang. Mangangamote nalang ako siguro o 'di kaya'y mag-asawa ng isang mayamang prince charming." She then hugged herself as if she's dancing with her dream guy ngunit napawi naman kaagad nang pag-ikot niya ay si Filimon ang bumungad sa kaniya. "Kung makapanira nga naman ng moment o."

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon