Chapter 01

1.8K 16 6
                                    

June, 1972

Nagising ako sa pagtilaok ng tandang na nasa bakuran ng aming bahay. Kaagad na akong bumangon at tinungo ang bintana bago ako hinalikan ng sumisikat na araw nang ang mga kurtina'y aking binuksan. Sa sumunod na sandali'y napangiti ako nang namataan ang aking talaarawan na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa nagtagal ay naghanda na ako para ngayong araw; it's an important day.S

Now, I'm back with my usual school routine. Naglalakad ako papunta sa paaralan habang suot ang aking jacket dahil sa lamig ng panahon. Sa aking paligid ay iilan ding mga estudyanteng nakakasabay ko sa paglalakad. Until, finally, I'm in front of the school's small entrance.

"Bagong taon na naman ng pasukan. Pagkatapos nito'y makakapasok na rin ako sa college," sabi ko sa aking pagngiti bago nagpatuloy at pumasok na papunta sa aming classroom. Nakita ko na rin sa wakas ang aking mga kaklase para sa academic year na ito. Pansin kong may mga bagong mukha at may mga mukha na rin akong hindi nakikita.

May kalawakan ang aming classroom at sa tingin ko'y may kapasidad na twenty hanggang thirty katao. Ang mga materyales nito'y karamiha'y gawa sa kahoy, kagaya na lamang ng sahig, pader, kisame, at mga bintana.

"Nakakalungkot naman, kaya pala pinag-isa na tayo mula sa dalawang klase sa baitang na ito sapagkat marami umano ang huminto na sa pag-aaral, lalo na sa kabilang seksyon ng nakaraang taon."
"Kaya nga, sayang naman." Iyon ang mga bagay na aking narinig sa aking pagpasok.

'Kaya pala.' Ako'y napabuntong-hininga.

'Ano pa nga ba ang aasahan kung hindi lahat ng pamilya'y may kakayahang sumuporta para sa pag-aaral ng isang anak na nangangarap? After all, hindi lahat ay may pribilehiyo.'

Umupo nalang ako sa bakanteng upuan na nasa tapat ng bintana bago napatingin sa labas kung saan makikita ang mga matatamlay na trumpet trees.

Ako'y napalumbaba at napasabing, "It seems they're on their season of dullness, at animo'y sumasabay pa sa malungkot na balitang nalaman ko ngayong araw."

Tama, nakakalungkot. Sa paaralang ito, tanging ang mga may kaya at konsistent na iskolar lang ang mga nakakapagpatuloy. Ang paaralang ito ang pinakatanyag na institusyong pang-sekondaryang edukasyon sa probinsya. Isa itong pribadong institusyon at marami ang nag-aasam na makapasok. Hindi man kalakihan ay sapat na ang mga pasilidad nitong makipagkompitensiya sa mga paaralang nasa siyudad.

"Oi, ang lalim naman ng iyong iniisip, but anyway, may nakaukupa na ba sa upuang ito?"

Natigilan ako sa paglalakbay-diwa dahil sa boses na iyon. Kaagad akong napalingon sa nagsalita, doo'y napangiti ako nang napagtanto kung sino ang may-ari ng boses.

"Gloria!" Ako'y napabulalas at siya'y niyakap.

Kaklase ko siya simula noong elementarya pa, at sa tagal ng panaho'y nahubog na ang aming relasyon bilang matalik na magkaibigan.

"Nangungulila ako sa'yo buong bakasyon!" aniya.

"Ey? Ilang buwan lang naman tayong hindi nagkikita!" sabi ko naman.

Natigilan ako sa pag-iingay, at ganoon din siya nang may pumasok sa aming silid-aralan. Muli, ang aking puso'y hindi mapakali.

It's him.

"Oi pare!"
"Kumusta?"
"Kumusta ka na?"
"Grabe, ang iyong kagwapuhan ay walang kupas!"
"Tol, tabi tayo ulit ha!"
"Uy, ako rin! Gusto ko rin makapangopya!"
"Hala, kami ang magkatabi. Hindi ba, Vanjoss?" And there an early commotion started, but it's a commotion of joy between friends.

Siya si Vanjoss Salcedo, ang pinakamatalino sa aming batch. Kilala siya sa paaralang ito, hindi lang dahil d'yan kun'di dahil na rin sa pagiging mabuti niya sa kapwa, mapa-estudyante man o hindi. Tsaka sa aming lahat dito, siya ang pinakamayaman sapagkat nagmumula siya sa isang prominenteng pamilya. Lagi siyang nasa unang seksyon, habang ako nama'y laging bagsak sa pangalawa. Kaya ni minsan ay hindi ako nabigyan ng pagkakataong maging kaklase siya. Ni minsan ay hindi rin kami nabigyan ng pagkakataong makapag-usap lalo na't sa bawat pagkakataong magkrus ang landas nami'y lagi namang nakatuon ang atensyon niya sa kaniyang aklat o pagsusulat ng kung ano-ano bang equations na nakakalula. Maliban nalang sa mga mumunti naming interaksyon sa ilalim ng namumulaklak na punong iyon. I've been knowing him, and it's already been years since then. As I could remember, it all started that day: the day I found myself writing him on my paper pages.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon