Chapter 12

1.7K 14 2
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Lumalamig na naman ang panahon at lalo pang napapadalas na ang pagbuhos ng ulan sa hapon nitong nakaraan, kaya naman ay kapansin-pansin ang pagsasapaw o pagsusuot ng jacket ng mga tao rito sa munisipyo ng Malaybalay.

Ngayong araw ay ang pagdiriwang ng araw ng wika bilang paggunita sa isa sa mga mahalagang kasaysayan ng mga Filipino. Mabuti na lamang, nagkataong maganda ang panahon. Malamig ngunit kahit papaano'y may araw naman at hindi rin umuulan.

"Wohoooooo! Kaya n'yo yan girls!"
"Wooooo!"
"Laban lang!"

Those were the cheers of the crowd who are watching us at the moment.

Dahil nga hindi na ako ang kalahok para sa binibining wika, ay ako ang pumalit sa kaklase naming si Mariana Mariano na siya ring pumalit sa akin bilang kandidata ng nasabing patimpalak.

"Laban lang tayo, Gloria, at mga kasama!" I cheered Gloria and our teammates. Gloria's our team leader. Academics may not be her cup of tea, but she has the best physical attributes that make her ace any sports events.

We will be playing patintero: one of the Philippines' greatest leisure games.

"OKAY! Kaya natin ito guys!" Determinado namang sabi ni Gloria sa amin before we put our hands on top of each as a sign of camaraderie. We did practice a lot recently; days before this big school event.

Hindi pa nagtagal ay nagsimula na rin ang laro.

'Kaya ko 'to. Y'all should witness how I slay.'

In my mind, I was a great player, but then in reality...

I DON'T WANT TO TALK ABOUT IT!

The game ended, at wala akong mukhang maihaharap sa mga kasama ko. Natalo kami and I was the lousiest player. EVER.

'Grabe ayoko na!'

Pa'no ba naman kasi, 'di pa aabot ng sampung segundo ay nadapa na ako kaya nahuli kaagad!

'Nakakainis na nakakahiya! Ang dami pa namang mga kamag-aral ang nakakita!'

I was hiding my face from everyone despite knowing that their moods were still so bright. Hindi ko alam, ngunit kahit papaano nama'y natutuwa akong nakikita silang nakangiti, 'yon nga lang, nakakahiya talaga.

"Uy, Joy, 'wag ka nang mahiya riyan! Ano ka ba? Laro lang iyon!"
"Kaya nga!"
"Ang mahalaga ay nag-enjoy tayo!"
"Pero yun nga sampung segundo lang nalibang si Joy!"

Ayon, hindi ko alam kung matatawa ba ako o matutuwa sa mga kantyaw nila, sapagkat ako'y hiyang-hiya na. Lumapit pa ang ibang mga kaklase namin sa amin at binati kami.

'Yong totoo, kahit hindi kami nanalo, at kahit sampung segundo pa lang ay napilayan na ang team sa laro, dikit pa rin naman ang naging laban.

"Ngunit seryoso, ang mahalaga ay nakipaglaban tayo nang patas at tayo'y nag-enjoy. Hindi ba, mga kaklase?" Gloria asked us.

She turned to me and said, "Alam kong nag-enjoy ka rin naman diyan, Joy. Kaya 'wag ka nang mahiya. Tsaka, hindi ka mahilig nito at first time mong mag-volunteer sa sports events! Nakaka-pride ka!"

"Proud kasi 'yon, Gloria!" Sa huli, natawa nalang din ako, hanggang sa nagtawanan na kaming lahat.

"Oi, nga pala." I butted, and they all looked at me.

I suggested, "Tara, kumustahin naman natin yung kalagayan ng mga lalake nating kaklase."

"Ay oo, tama. Rinig kong sa oras ding ito ginaganap ang laro para sa mga lalake," sabi naman ni Gloria.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon