Kaamulan Special: Chapter 0.3

783 15 9
                                    

     "Aw."/"Agay," pareho naming reklamo ng nasapol ko.

     "Sorry," wika ko kaagad umayos ng tayo sa tulong ng taong aking nasapol. Hawak nito ang aking siko nang muntik akong matumba.

     "Okay ka lang?" the person asked and the moment I raised my head, I was flabbergasted on the inside.

     Thick jet-black hair, obsidian eyes, soft tadpole eyebrows, rosy cheeks, well-defined medium nose, rosy-pink lips, and light fair skin in close details, and thin built and shorter height in further details.

     It's him.

     Si Vanjoss, at magkalapit ang aming mga mukhang pinamamagitan ng kahel na araw sa hapong yaon.

     'To look away? Or to take this moment ecstatically?' 

     At this rate, how do I elucidate my mind in choosing a reaction when I'm getting vacillated by my choices of action?

     "Okay ka lang?" tanong niya ulit na tuluyang nagbalik sa aking diwa.

     Kaagad akong umayos ng tayo at sinabing, "Oo, ayos lang. Pasensiya ka na. Hindi ako nagdahan-dahan."

     Kunyari ay kalmado ngunit sa totoo niya'y gusto ko nang tumakbo!

      He smiled at me, at hindi ko alam kung paaano ko nakayanang magpanggap na kalmado sa mga sandaling yaon. 

     "Mabuti naman kung ganoon."

     "Pasensiya ka na ulit." I looked at him, our eyes met, but later on, he slightly jerked and awkwardly looked away first, and I don't know why. But later on, when he moved his eyes to look at me, ako na naman ang nag-iwas ng tingin nang dahil sa hiya.

      Hindi na nga ako nakapagsalita pang muli, and it was one of the most awkward moments I get to share with him.

     "Joy, tara, may bakante roon sa unahan!" Bigla ay may humila na naman sa aking kamay, and it was Gloria. Dinala na naman niya ako sa kabilang bahagi ng bilog, at si Valjoss ay kalmado lamang akong sinundan ng tingin hanggang sa nawala na nga siya sa paningin ko.

     "Joy, dito tayo!" That was Gloria, and finally we stopped. Nakipagsiksikan talaga siya sa mga tao makapanood lang nang maayos sa magsisimula nang pagtatanghal.

     I can even hear her cheers when she walled her lips with her hands. Ako naman, hindi pa rin ako nakakaraos sa nagyari kani-kanina lang.

     That sensation I felt the moment he held my petite elbow...

     Were pinkly tickles that until now makes my heart flutter. Napangiti na tuloy ako ng dis oras at namalayang napahawak na pala ako sa hinawakan niyang siko sa aking pagbabalik-tanaw.

     Bumalik lamang ako sa huwisyo nang narinig ko ang hiyawan ng mga tao nang nagsimula na rin sa wakas ang pagsayaw ng mga katutubong kapatid mula sa ilang tribu na naninirahan dito sa Bukidnon.

     Napakasarap sa tenga na pakinggan ang mga tugtog na nagmumula pa sa mga katutubong instrumento kagaya na lamang ng gong, plawta na gawa sa kawayan, gitarang hugis bangka, at byoling may isang kwerdas.

     Bumagay pa sa kani-kaniyang sayaw ang kasuotan nilang gawa sa mga katutubong materyal at may kapansin-pansing patterns of either square or diamond, at pinapalamutian ng mga abaloryong gawa sa bato, kahoy, at salamin.

     Hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanilang sayaw ngunit hindi maikakailang maraming nalilibang sa kasalukuyang ganap.

     I stopped when I noticed Vanjoss emerging from the crowd. He was on the other side of the circle, fronting where Gloria and I were.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon