Chapter 23

1.7K 14 1
                                    

Sa nalalapit naming pagtatapos sa susunod na dalawang buwan ay nagsumikap kaming mag-aral bilang paghahanda sa pinakahuling markahan ng aming taon. Everything went fluid, all of us did great 'til the end of our term.

Not too long, we finally reached our goal, and that is to hear all of our names getting the approval to join the graduation.

The future was uncertain, but it was also full of promise. And as I looked ahead, I knew that anything was possible. 

At si Vanjoss? He successfully passed his examination and will be the one to deliver the valediction on the upcoming graduation.

March, 1973

"Uy, congrats Vanjoss ah!"
"Pre, congrats!"
"Vanjoss, congrats!"
"Mr. President, congrats!"

There he is, at the entrance, getting lots of sweet greetings and applause from everyone.

Ako naman ay nakangiti lamang na nakatanaw sa kaniya habang nakapalumbaba't tinatapos ang pagsusulat sa aking talaarawan.

'Nakakatuwa siyang tignan.'

"Hindi mo pa rin ba sasabihin sa kaniya?" Sa aking pagkabigla ay kaagad kong naisara ang aking sinusulatang diary.

Ginulat lang naman kasi ako ng mukha ni Gloria sa malapitan.

She stood straight after bending. Kasama pa niya si Filimon. Mukhang kagagaling lang nila sa kantina dahil may hawak-hawak pa silang nakatuhog na nilatikang kamote at buko juice.

I asked them, "A-ano'ng nais n'yong sabihin?"

Umupo si Gloria sa kaniyang upuan, at ganoon din si Filimon. Silang dalawa ay makahulugang nakangiti sa akin.

'Kinikilabutan ako sa tingin ninyong mga baliw.'

"Ang nararamdaman mo," tugon iyon ni Filimon na pamatay-tago.

"H-Huh? Pinagsasabi n'yo?" Napamaang ako at hindi sila magawang tignan nang diretso.

Gloria held my hand kaya ay tumingin ako sa kaniya.

"Joy, kaibigan kita; matagal nang kilala. Hindi mo man sinasabi sa labi, sinasabi naman ng iyong mga mata na may nararamdaman ka para sa kaniya."

Nagsalita rin si Filimon, "Ika nga ng mga kanluranin, it's the eyes that expresses the words of the heart that your lips couldn't tell."

"Heh?! Paano n'yo naman nasabi iyan?"

Gloria crossed her legs, "Aysus, kunyare ka pa riyan, Joy. Alam mo kasi, hindi lang sa babae rin ako, ngunit dahil matagal na rin kitang nakakasama. Alam na alam ko na iyang titigan mo sa kaniya. Noon pa man, alam ko nang si Vanjoss lang ang lalakeng nakakapag-agaw sa iyong pagtitig. Sa kaniya ka lang makatingin nang ganiyan."

"Hey, no name dropping, baka marinig pa tayo," I demanded.

"Kung gayo'n, totoo nga, may gusto ka nga sa kaniya." There, Gloria indeed caught me, si Filimon ay nanatiling tahimik at nakikinig lang.

I looked down; I'm feeling so pinked.

"M-masyado ba akong pahalata?" I asked them.

"Hindi naman, siguro dahil kilala ka lang namin at seatmates pa, kaya ganoon," pahayag naman ni Filimon.

I never felt so embarrassed in front of my friends like this. Nakakahiya nang sobra. They know me too much; kaibigan ko nga talaga sila.

"'Wag n'yong ipagsabi sa iba ha, baka bukas ay marinig ko nalang na pinag-uusapan na ako ng pinakamalapit naming kapitbahay," pakiusap ko sa kanila.

They both gave me smiles of assurance and said, "Opo, opo."

"'Yong totoo, hindi ko lang siya gusto, kun'di ilang taon ko na rin siyang minamahal nang palihim." I started to open up.

"Hindi ko lang masabi-sabi sapagkat ang hirap sabihin. You know, saying 'I love you' is too hard to do," dagdag ko pa.

"Bakit mo naman iyan nasabi, inday Joy?"

I looked down by that question.

"Perhaps, it's because it's not just a three worded phrase, but the words of the heart that only a deserving person needs to hear considering the path where it could lead the both of us." I looked at Vanjoss in my last word. He was still there, unknown of being talked.

"Yung nararamdaman ko para sa kaniya, lahat ng iyon sinasabi ko sa mga papel."

"I've been telling the papers about him, that's why I'm certain they know him pretty much." Hindi ako malungkot, in fact, I was smiling at them.

"Sabi ko na nga ba eh, may kalaliman nga talaga iyang pagsulat-sulat mo. Naalala ko pa hindi mo pinapabasa sa akin kapag nahuhuli kita. Doon pa lang nararamdaman ko na." Humalakhak si Gloria.

"Tama ka riyan, Gloria. Pasensiya. I guess, falling in love isn't easy."

Filimon spoke up, "Sa pagkakarinig ko, desidido na siyang umalis ng bansa pagkatapos ng ating graduation. Well, naipasa naman niya ang English exam niya kaya sigurado akong tuloy-tuloy na iyan,"

"Alam ko," I told him, them. "That's why I once decided to stop loving him. Sinubukan ko siyang kalimutan. Sinubukan kong hindi laliman ang attachment ko sa kaniya o ang pagkakabigan namin... yet I just can't. It's not what my heart and the papers fully agree with. It's hard to unlove someone you've been loving with for a very long time, kahit pa hanggang sa distansiya ka lang makakaibig sa kaniya."

"So ano'ng balak mo, Joy?" Gloria asked. That made me look down again, "Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin. I guess, I'll just have to prepare myself to get hurt when he goes away."

"Sa tingin mo may alam na ba siya tungkol sa nararamdaman mo?" Si Filimon naman ang nagtatanong.

"Hindi ko rin alam."

"Then there's one way to fine out. Sandali, sakto ba grammar ko?" Natawa naman ako kay Gloria.

"Find out kasi. Pero uy, gumagaling ka na, Gloria ah," pamumuri ko sa kaniya.

"Pero ano?" I asked eventually.

Both of them looked at each other shortly yet meaningfully before looking at me and answered, "Mag-usap kayo."

I wasn't expecting such a direct response from the both of them kaya natigilan ako saglit.

"Hindi ba't iyon ang pinakamagandang gawin kapag mahal mo ang isang tao? You communicate?" I can't believe, Gloria gets too fired up in things like this.

"Wala namang mawawala sa pakikipag-usap sa taong gusto mo," sabi naman ni Filimon.

"Malaki ang mababago ng komunikasyon, Joy. Malay mo, may gusto rin pala siya sa'yo. Isipin mo ngang mabuti, bakit sa lahat ng mga kaklase natin dito, ikaw lang yung naaalala niya?" sabi ni Gloria. Ngumiti lang ako sa kaniya, "Mahirap na umasa, Gloria. Siguro dahil madalas kaming nagkakasama kaya madali niya akong naaalala, kaya madali niyang maaalala ang pangalan ko."

Kalmado akong huminga nang malalim bago muling nagsalita, "Hindi ko na ngayon tinatanaw ang tsansang magustuhan niya rin ako. Kung may dapat man akong gawin, 'yon ay ang kung ano ang mas makabubuti."

"At ano naman iyon sa tingin mo, Joy?"

"Well, it all lies sa maging takbo ng pag-uusap namin." I smiled, being hopeful of the endless possibilities that lies ahead of this ending high school days.

"Kita mo ang mga iyon?" Filimon pointed at the trumpet trees outside the building after asking that to me.

"Nagsisimula na silang mamulaklak. Kaya 'wag mo namang hintaying mamulaklak pa sila nang buo."

"Alam mo naman siguro 'di ba kung ano'ng ibig sabihin para sa ating mga Malaybalaynon kung mangyari iyon?" tanong pa ni Filimon. I end up smiling and giving a nod.

'Yes, I know. Seeing them bloom bears a season of goodbye, that is, graduation; possibilities of permanently parting ways.'

'I guess, this could be the time to let you know what the papers heard about you, Vanjoss Salcedo.'

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon