Kaamulan Special: Chapter 0.1

771 13 3
                                    

May, 1971

     The blue haze was matted in the sky again. The clouds were in cirrus linings and the late-summer sun was partially concealed by them. 

     Masigla ang umaga ngayong araw. Ang mga puno ng trumpeta ay nagkukulay ginto at ang mga tao ay abala sa paghahanda para sa isang okasyon sa araw na ito.

     "Oy, mga dodong, mga inday! Bilisan n'yo na riyan dahil malapit na magsimula ang selebrasyon ng mga katutubo nating kapatid!" I heard that sonorous voice from a burly female who was wearing a native beaded dress -that's most likely made from abaca materials- while repetitively smashing an aluminum plate from nearby. 

     Right. Ngayong araw ay ang pagdiriwang na naman ang mga katutubo naming kapatid dito sa Bukidnon ng isang selebrasyong nagbibigay-pugay para sa mga kontribusyon ng mga indigenous group sa nasabing probinsiya. The effort was first made by certain individuals in our barangay Kalasungay, here in Malaybalay during the late '60s, hanggang sa naging regular at taon-taon na itong idinaraos sa aming munisipyo.

     "Oy, Joy!" pagtawag sa akin ni Gloria, kaya ako'y kaagad na lumingon sa aking unahan. There was she, waving at me impatiently.

     "Gloria?" tanong ko naman.

     "Magmadali ka na riyan kun'di mapapagalitan tayo ng itay mo at ng mga magulang ko!"

     Doon na ako natilihan, "Ay, oo, tama."

     "Sorry, nagambala lamang ang aking atensyon sa mga ginagawa ng mga tao rito!" pagsigaw ko pa kay Gloria bago ako nagpasyang humabol.

     Today's the 4th day of May 1971, the 40th day since my mother passed away, at napag-utusan kami ni Gloria na bumili sa sentro ng mga kakailanganing sangkap sa nilulutong handa ng aming mga magulang para sa aming mga bisita.

     Gloria and I have been friends since grade school. Her parents and my parents were friends since their childhood, at kami ni Gloria ang nakamana ng kanilang matalik na pagkakaibigan. And when my mother passed away, nariyan ang mga magulang niya upang kami ni itay ay pakiramayan. kasama ng iilan naming mga kamag-anak na bumyahe pa papunta rito mula sa syudad ng Cagayan de Oro at karatig-probinsiya. Kaya naman, si Gloria at ako'y para na ring magkakapatid.

     "Lagot, Joy, ba't ba kasi ang bagal-bagal mo riyan?" Nakitaan ko na ng pagkainis si Gloria nang muli ay tumigil ako sandali upang huminga nang maluwag. Ngunit pagkalaunan nama'y tinawanan niya lang ako dahil sa pagiging mahinhin ko.

     Pa'no ba naman kasi, si Gloria ay magaling sa mga pisikalang bagay, ako naman, magaling lang, magaling huminga ng hangin.

     "Gloria, sandali," pakiusap ko sa kaniya habang ako'y humihingal. Kanina pa kasi namin tinakbo ang palengke na nandoon pa sa kabilang baryo dahil naubusan na kami ng masasakyang kalesa sapagkat dumadaragsa na rin ang ibang mga tao mula sa kabilang munisipyo upang matunghayan ang selebrasyon ng mga indigenous groups na gaganapin ngayong hapon.

     "Pasensiya ka na, ngunit kailangan kong huminga!" napabulalas na ako ng hangin sa aking paghahabol-hininga.

     Muli ay tinawanan niya ako, "Sige na nga, huminga ka muna riyan habang pagmamasdan ko nalang din muna ang mga pinagkakaabalahan ng mga tao ngayong umaga."

     "Tunay ngang abala sila para sa selebrasyon ngayong hapon no? Daig pa ang isang fiesta!" I heard Gloria remarked at the end.

     I agreed with her, "Kaya nga, kasing abala natin."

     "O, ano na ang iyong inaadhikang gawin para sa araw na ito?" Gloria asked me so suddenly.

     Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya habang unti-unti nang nakakahinga nang maluwag, "Ano'ng nais mong sabihin, Gloria?"

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon