Chapter 15

1.7K 14 7
                                    

I almost slapped my face from how my father overreacted to the situation.

'Akala mo naman talagang may manliligaw eh!'

'This is too awkward. Grabe nakakahiya!'

"T-Tay hindi sa gano'n-"

"Aba'y 'wag ka munang magsalita riyan, Joyanilda!"

'Sabi ko na. Pero hindi naman kasi sa gano'n!'

"Hayaan n'yo po akong magpakilala, sir. Ang pangalan ko po'y Vanjoss Salcedo. Ikinagagalak ko pong makilala kayo."

"Ikaw ba ang nobyo ng aking anak?"

"Heh?! Tay, hindi! Nagpatulong lang po ako sa kaniya mamalengke." Doon na ako gustong magpalamon sa lupa o magpadagit sa heganteng pungak.

"Magkaklase lang po kami!" Inside my mind was a viewpoint of me as an awkwardly wriggling jelly.

Hindi ko na talaga mapigilan ang pag-abot ng init sa aking mukha.

"Magkaklase po kami ni Joy, sir. Kung hindi n'yo po mamasamain, gusto ko lang po siyang tulungan sa pamamalengke, at may makasama siya nang hindi siya mabastos ng mga lalakeng kanina pa nakamasid sa kaniyang ganda."

Aaminin ko, ako'y naantig sa pagkakarinig no'n, at dito ko na nga namamalayang may mga lalake ngang kanina pa nakatingin sa akin.

'Vanjoss... how could you be this precious? Nahihirapan na tuloy akong tanggapin na aalis ka na.'

Mabuti namang mukhang nakumbinse namin ang aking itay, lalo na't namataan niya ang aming bayong na kasalukuyang karga ni Vanjoss, at sinamaan ng tingin ang mga lalakeng nakatingin sa akin na may kasamang pagtaas ng kaniyang itak bilang pagbabanta. Natakot tuloy ang mga ito at kaagad na inalis ang tingin sa akin.

"Hmm. Nakikita kong nagsasabi naman kayo ng totoo, at alam ko namang hindi kayang magsinungaling ang aking anak kaya ipagpaliban ko nalang muna ang pag-itak sa'yo. Tsaka isa pa, ako'y nagbibiro lang!" Humalakhak pa ang aking itay na animo'y pinagmamalaki ang ginawang biro. That was a real creep. Kinabahan ako ro'n ah. Minsan ko lang kasi siya nakitang magalit, buti nalang nagbibiro lamang siya. Lakas ng amats!

Naningkit ang aking mga matang nakatingin sa sarili kong ama. 'I can't believe my father could possibly be a psychopath.'

Sabi pa nga ng iba, mabuting hindi ako nagmana sa kaniya pagdating sa ugali at natatawa nalang ako sa tuwing naiisip ko iyon. 'Mabuti na nga rin talaga siguro.'

Sa huli, kaming tatlo ay natawa nalang. Mabuti nalang talaga at nagbibiro lang siya.

"Ako nga pala si Renildo, ang ama ni Joyanilda."

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, sir." Puno pa rin ng paggalang si Vanjoss. Hindi niya tinitignan ang uri ng pamumuhay ng isang tao, ni hindi ko rin siya nakitaan ng pandidiri sa itsura namin ng aking itay.

'This is bad, if he keeps doing things like this, I might just want him to stay with me forever.'

Bago pa man muling makapagsalita si itay ay narinig naming may lalakeng tumawag sa kaniya, marahil isang malapit na kaibigan.

Si itay ay nagpaalam na muna na kausapin ang kaniyang kaibigan, at ako'y binilinang manatili sa aming kinaroroonan.

Vanjoss talked to me the next moment, "O, mukhang maayos ka na naman rito, at nandito na ang iyong ama. Maari na ba kitang iwan?"

That question, hindi ko kaagad nasagot.

Binaba na niya ang aking bayong, at muling humarap sa akin. Ako nama'y nakayuko lang.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon