Epilogue

1.8K 16 20
                                    

April, 1987

Pamilyar ang hugis at kulay ng mga nahuhulog na talulot mula sa nakalinyang trumpet trees. Pagkatapos ang ilang tao'y muli na akong hinalikan ng malamig na ulap ng Malaybalay sa ilalim ng sikat ng lumulubog na araw.

Mula sa sinasakyang karwahe'y bumaba na ako upang tahakin ang naninilaw na kalsada ng pinagmulan kong munisipyo. At sa aking paglalakbay, ako'y natigilan, nang isang eroplanong papel ang tumama sa aking dibdib at ito'y nahulog sa aking paanan.

Napatitig ako rito, at hindi nagtagal ay napangiti nang may masayang ala-alang bumalik sa aking isip.

'How would I even forget her if the papers have long known her name?'

'How will I ever forget you, Joyanilda Zubiri?'

Mahigit isang dekada na rin pala ang lumipas simula noong huli naming pagkikita. Hanggang ngayo'y presko pa rin sa aking isipan ang kaniyang mga mahiyaing ngiti, ang kaniyang mga awkward na ekspresyon, ang kaniyang kabaitan, kahinhinan, at bawat detalye ng maganda't maamo niyang mukha: everything about her that the papers know about.

'Paano nga ba kita makakalimutan, Joy, kung simula noong unang araw pa lamang ng unang taon natin sa hayskul ay pinakilala ka kita sa mga papel at tinta?'

'Kahit na nga ang aking gitara'y matagal na kilala ka.'

Pinulot ko ang eroplanong papel at isang batang lalake ang lumapit sa akin upang kunin ito. Magiliw at nakangiti ko naman itong isinoli sa kaniya bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Malaki na rin pala ang ipinagbago ng munisipyong ito, halatang pinaglipasan na ng mahabang panahon, ngunit hindi pa rin nagbabago ang mga ala-alang pinanghahawakan ko rito.

Sa isang pamilyar na daan papunta sa dati naming paaralan, bumalik sa aking isipan ang ala-ala ng pinakauna ko siyang nasilayan.

'Sa daang ito kung saan may nakalinyang trumpet trees, una kong nasilayan ang kaniyang maamo at inosenteng mukha. Mahinhin siya habang nakikipagtawanan sa isang babae niyang kaibigan na naging kaklase ko rin sa huling taon ng highschool.'

'Sa pagkakataong yaon, noon ko pa lamang unang beses naramdaman ang hiya nang nahuli ko ang sarili kong kunwari'y nagbabasa ngunit ang totoo pala'y itinago lang sa kaniya. At kasabay nito ang lihim na tamis ng aking mga ngiti noong narinig ko ang kaniyang pangalan.'

"Joyanilda Zubiri," kaya'y ito'y kaagad ko nang isinulat bago ko pa ito makakalimutan nang paulit-ulit at paulit-ulit gaya ng sa ibang tao.

'I will never forget how beautiful the moment was when I saw you for the first time.'

Napangiti ako sa murang ala-alang yaon bago ako nagpatuloy.

Narating ko na rin ang gate ng paaralan. Ngayon ko lang napagtantong naging isang pampublikong paaralan na pala ito. Pumasok na ako at unang sumalubong sa akin ang walang katao-taong grounds ng school kung saan dati'y lagi ko siyang nakikitang nahuhuli sa flag ceremony namin. Natatawa tuloy ako dahil sa bawat flag ceremony namin ay lagi ko siyang inaabangan at napapangiti ako sa minsang pagiging clumsy niya.

Sa sumunod na sandali ay sinubukan kong pasukin ang gusali kung saan kami nagkasama sa iisang classroom matapos maging magkaklase sa pinakahuling taon ng highschool. Mabuti nalang at pinagpala akong nakabukas ito kahit bakasyon na ng mga bata ngayon.

Pagpasok ko't paglalakad sa hallway ay binalikan na naman ako ng maraming masasayang ala-ala ng aking kabataan. Hindi naman masyadong nagbago ang gusali, subalit kapansin-pansing may mga repairs na isinagawa para dito.

Mula sa gusali ay nilibot ko na rin ang kabuuan ng paaralan at ako'y lubos na natutuwa habang naglalaro sa aking isipan ang mga ala-ala ng aking hayskul: mula sa mga pasimpleng nakaw-tingin sa kaniya sa kalayuan, sa mga sandaling aksidente kaming nagkakatitigan at kalauna'y nag-iiwasan ng tingin, sa mga sandaling nakatingin lang ako sa kaniyang pagsusulat habang ako nama'y sinusulat ang pangalan niya, sa pinakaunang beses na nabigkas ko ang kaniyang pangalan sa mismong harap niya, sa paglubog ng hapong araw kung kailan ako'y kabado nang nahuli ko ang anino niyang sinusundan ako sa likod at nag-a-attempt na hawakan ang aking buhok, sa sandaling muntik kaming magkahalikan sa librarya noong pinagtataguan namin ang principal, sa araw ng wika kung kailan ako nagmulat ng mga mata ngunit nakita siyang naiidlip sa aking tapat kaya may pagkakataon akong sa malapit ay matitigan siya, at sa lahat-lahat na.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon