Chapter 25: FINAL

1.8K 15 15
                                    

April, 1973

Ang pagtatapos ng closing remarks ng aming school principal na sinundan ng malakas na palakpakan ay hudyat na nagtapos na ang seremonya ng aming pagtatapos ng high school. Dahil na rin sa Batas Militar ay pili lang ang mga paaralang binigyan ng pagkakataong makapagselebra ng graduation sa taong 'to, at isa na ang aming paaralan sa mga pinalad.

Sa dami ng tao, dahil na rin sa pagsabay ng recognition ceremony ng mga nakakababang mga taon ay nahirapan akong hanapin ang aking mga kaibigan.

Sa aking paligid ay ang mga magkakapamilyang nag-iiyakan sa tuwa. Paano ba naman kasi, bihira lang para sa mga taga-munisipyo ang may mapagtapos ng hayskul, at ngayong taon ay marami-rami kaming nakapagtapos.

Kahit nga ang aking itay kanina ay naluha sa tuwa sapagkat nagawa niya akong maitawid sa college nang mag-isa. Hindi rin nakaligtas sa pag-iyak ang aking mga tiyahing bumyahe pa mula sa kabilang probinsya upang makita ang aking pag-paso sa ibabaw ng entablado, sa pagtanggap ng mga iilang parangal na aking nasungkit sa aking pagtatapos. Sa linya ng aming pamilya, ako ang pinakaunang nakapagtapos ng hayskul. I guess, I'm the line-breaker of the clan.

On the other hand, I was happy I was able to spend time with Gloria and Filimon before their family came to fetch them and celebrate with them.

'Ngunit si Vanjoss...'

Siya ang hinahanap ko ngayon. Nais ko siyang makausap at makita upang maipaabot ang aking pagbati. Ngunit hindi ko na nakuha ang pagkakataong mamataan siya sapagkat dinumog na rin siya ng mga tao kanina. Valedictorian nga naman.

"Anak?" I stopped from slipping into the crowd when I felt my father's hand on my wrist.

"Po, itay?" I asked him upon turning.

"Umuwi na tayo, andaming tao o, nang sa ganoon ay makapagdiwang na rin tayo kasama ang mga kamag-anak nating nagpaiwan sa bahay." Nakangiti pa sa akin si itay. Sa ngiti niyang iyon, alam kong ang kaniyang sinabi ay isang matamis na pakiusap ng isang ama.

'Mukhang nais na nga ni itay ang magpahinga na nang maaga sa bahay.'

Nahiya naman ako dahil nababatid kong nais na ring umuwi ng aking mga tiyahin sa bahay upang makapagsimula na kami sa pagdiwang. Kaya sa huli, I end up giving them a smile and agreed to go home.

Malapit na kami sa bahay. Naglalakad lang kami sapagkat naubusan na kami ng masasakyang karwahe. Mabuti na lamang at hindi maarte itong mga tiyahin ko kaya ay hindi naman masyadong nakakahiyang isama pa sila sa aming paglalakad pauwi.

Ngunit...

Sa aking isip ay hindi mawala-wala si Vanjoss. Hindi ako malungkot, hindi lang talaga ako mapakaling hindi siya makausap.

'Dahil alam kong maaring ito na ang aking pinakahuling pagkakataong makita siya.'

"Tay." I stopped, catching their attention.

"Ano iyon, anak?"

"Tay, may nakalimutan lang po ako."

"Gano'n ba, aba'y sige balikan mo." At instance, I moved, I run, and shouted, "Mauna na po kayo, hahabol nalang po ako sa bahay!"

"Mag-iingat ka, anak."

"Opo, itay! Mga t'yang! Saglit lang po 'to!"

May nakalimutan nga ako, and it's not a lie.

'I need to tell him this... it's not a goodbye but a greeting of new beginnings.'

In my white toga, I was running along the lines of my tangling emotions of excitement and fancy. Dagdag pa ang naglalarong kundiman sa ere na mula pa sa mga malapit na cassette player.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon