Chapter 09

1.7K 14 9
                                    

"Joy," wika niya sa aking pangalan.

"Mahal kita."

Sa sandaling ito, ako'y natigilan.

'Y-yung puso ko...'

"Mahal kita," ulit pa niya.

Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ko man lang alam kung paano tumugon. Ang alam ko lang ay nagdiriwang ang mga dugo sa loob ng aking puso sa sandaling narinig ko ang mga katagang iyon.

'Ano'ng nais niyang sabihin?' I was confused at the moment.

I turned to him, and what I saw made my heart almost drop dead.

'That look...' He was looking at me dead straight ahead.

"Hindi ba't iyon ang kahulugan ng idyomatikang pamagat ng kanta?" he asked.

'Well, I guess I assumed wrong.'

"O-Oo! Tama ka!" sagot ko naman and awkwardly laugh.

I don't know, but at this moment, somehow, I feel hurt... dismayed.

"Nakakamangha ka naman. Ang bilis mo yatang natuto sa mga turo ko sa'yo." Tumawa pa ako, trying to hide what I really feel.

'What right do I have to feel this way to begin with?'

"Ah oo, buong linggo ko ring pinag-aralan yung aklat na pinahiram mo, at yung mga aklat na hiniram ko sa librarya ng paaralan."

'That look...'

I smiled at him before finding my way to have an exit from the situation.

'I guess, it meant nothing special about me at all, but a projection of how objective he is as a guy who aimed for excellence and great future.'

Sa huli, nagpaalam muna ako sa kaniya na magbihis ng damit at hintayin lang muna niya ako sa sala. Sinabihan ko pa nga siyang maaari na siyang makakauwi subalit nagpumilit siyang manatili na muna, and it's making my heart race again.

Kung kanina ay nakaramdam ako ng lungkot, ngayon nama'y muli niya akong pinapakilig.

'Well, I guess, I'm one of those inconsistent persons in the world?'

'I guess, I'm a total scum.'

"Pasensiya ka na kung medyo madilim dito sa loob, kaya kinakailangan kong buksan ang mga kurtina. Wala kasi kaming kuryente rito kahit pa dalawang taon nang may operasyon dito sa munisipyo. Masyadong mahal kasi," I told him when I got out of my room.

"Naku, walang problema, Joy."

"Paano mo nga pala natunton ang aming bahay?" tanong ko sa kaniya nang ako'y papunta na sa kusina.

"Binigyan ako ng sketch map ni sir, kaya ayon. 'Yong kaibigan mo kasi dapat iyon. Kaya lang ay lumiban din siya ngayong araw."

"Ay si Gloria, abala yata 'yon sa pagdiriwang sa fiesta ng kanilang barangay," ani ko tsaka kinuha ang isang piraso ng bayabas at pinapahinog na saging mula sa isang bangang gawa sa luwad, pati na rin ang mga binaki na binili ni itay sa palengke bago siya muling bumaba papunta sa syudad: ang binaki ay isa ring uri ng crop-sourced native food dito sa Bukidnon.

Inilapag ko ang mga ito sa lamesa at sinabing, "Pasensiya ka na kung ito lang muna ang maiaalok kong pangmeryenda bilang pasasalamat na rin sa nagawa mong pag-asikaso sa akin. Nakakahiya tuloy."

"Tsaka, isang prutas nalang din kasi ang natira. Paborito ko kasi eh, kaya ayun, muntikan nang maubos," sabi ko pa.

"Naku, 'wag ka ng mag-abala pa. Dapat iyang sarili mo ang inuuna mo, lalo na't may sakit ka ngayon."

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon