Prologue

1.8K 18 10
                                    

March, 1970

"Hala, late na 'ko!" pagsisigaw ko habang tumatakbo sa kalsada kung saan nakalinya sa gilid ang mga namumulaklak na trumpet trees.

"Lagot ako! May quiz pa naman kami!" Naghihistirikal na ako at hindi na inintindi pa ang mga nahuhulog na talulot ng bulaklak ng trumpet trees sa akin. Summer na kasi, kaya namumulaklak na sila.

'Sige lang, Joy, huling linggo nalang man din!'

"D'yos na mahabagin!"
"Naku, hija, kung ika'y makatakbo'y tila hindi isang dalagang Filipina!"
"Maghunos-dili ka!" narinig ko pa ang mga iyon sa mga matatandang nadadaanan ko sa aking pagtakbo.

"P-pasensiya na po sa inyong lahat!" agad kong pagpapaumanhin sa kanila't tinakpan ang aking mukha. 'Nakakahiya!'

"Inday, ika'y umayos ng ikinikilos nang makasunod ka sa yapak ng isang Gloria Diaz!" narinig ko pang pahabol ng isang ginang na tinawag pa akong inday na ang ibig sabihin ay batang babae.

"Hindi ko po pinapangarap maging isang miss universe! Nais ko lamang magkaroon ng magandang buhay!" nakangiti ko namang ganti bago nagpatuloy.

Malapit na ako sa paaralan, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo habang nagsasaulo ng mga leksyong aming tinalakay. Nang bigla ay...

"ARAY!"/"Ay patay."

I bumped into someone nang nakarating na ako sa isang 'Y' intersection kung saan may namumulaklak na napakalaking trumpet tree. Aksidenteng nailaglag ko ang aking notebook. Hindi na pala ako tumitingin sa aking dinadaanan. Ngunit bago pa ako bumagsak ay may umabot na ng kamay ko at ako'y hinila pabalik.

"V-Vanjoss," wala naman sa sarili kong pagbanggit sa kaniyang pangalan.

"Okay ka lang? Pasensiya ka na ah." Nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Napalunok naman ako dahil sa hiya. Ang lapit din naman kasi ng mga katawan namin kaya ay lumayo na rin ako kaagad at utal na sumagot ng, "O-oo."

"Late ka na rin pala," aniya. Hindi ako makapagsalita. Umiwas lang ako sa kaniya ng tingin.

"Baliw ka." Natauhan ako nang kaniyang pinitik ang aking noo at sinabi pang, "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo."

"Nagsasaulo kasi ako," depensa ko naman.

"Pinapaalala mo tuloy sa aking kailangan ko ring magsipag," sabi niya. He was looking straight ahead.

"Sa'yo yata 'to." May inaabot siya: my notebook, at inipit na niya muli ang iilang mga notes ko.

"Hala, akin nga! Salamat." Niyakap ko ito at napansin ko ang pag-arko ng kaniyang mga kilay na animo'y may katanong-tanong sa naging reaksyon ko.

"Grabe ka naman kung makayakap sa kuwadernong iyan." Hindi nga ako nagkakamali.

"Of course. Pinaghirapan ng itay at inay na mabilhan ako nito at ng ibang gamit ko kaya sinisigurado kong lahat ng mga bigay nila ay nabibigyan ko ng halaga at pag-iingat."

"Nakakatuwa ka naman." He flashed a smile, and at that moment, something from within felt so pink.

"O, may pasok pa ako," baling niya sa akin at may inabot sa aking palad, "It's blooming beautiful, isn't it?"

Napatingin naman ako rito, at sa sandaling yao'y lalo pang sumibol ang kung anong kiliti mula sa loob ng aking puso kagaya ng namumukadkad na puno sa aming paligid. Isa itong hugis pusong talulot, na hindi ko yata napansing kaniyang kinuha mula sa aking buhok kanina nang pinitik niya ang aking noo.

Kaagad na naglipat ako sa kaniya ng tingin, nakangiti na pala siya sa akin sa kaniyang pagtakbo, hanggang sa aking napagtantong ako'y nahawa na rin sa tamis ng kaniyang ngiti.

Matagal ko na siyang napapansin mula sa kabilang klase dahil lagi ko siyang nakikitang abala sa pagbabasa at pagsusulat kahit saan —maglakad man, nakaupo sa ilalim ng mga puno o 'di kaya'y sa hallway. Ngunit sa sandaling iyon, sa huling buwan ng unang taon ng hayskul, I couldn't stop my heart anymore from giving myself a reason to write about him on the corners of each paper pages that always hear my secrets.

The Papers Know Your Name [LIGHTNOVEL|UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon