MSR 22

129 3 0
                                    

Zam's POV

"Bat ka ba sunod ng sunod samin?! Ha?!" Irita kong tanong kay Kade. 

Ewan ko kasi sa kanya. Walang magawa sa buhay. Sunod sunod sa maganda. Alam ko naman na maganda ako kaso wag lang siya masyadong maadik sa akin, Nakakaawa siya. Kaloka.

"Bat ka ba salita ng salita sakin?! Ha?!" Sabi niya at ginaya pa talaga ang boses ko. Natawa naman si Sharamaine na nasa tabi ko na kasama kong naglalakad. Wala si Ami kasi kasama niya boyfriend niya. Matagal na kasi silang hindi nagkakasama na sila lang dalawa.

"Tss. Sunod ka kasi ng sunod... Ano bang problema mo sa amin?" Tanong ko sa kanya at huamrap sa kanya kaya napaharap naman si Sharamaine.

"Ano ka ba. Bat mo pa ako dinadamay. Ikaw lang kaya ang sinusundan ng boyfriend mo." Pabulong na sabi ni Sharamaine kaya hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.

"Anong sabi mo?!" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Sabi ko, WALA! Bingi." at inirapan pa ako ng gaga. Sarap talaga nitong pektusan.Hindi ko nalang siya pinansin dahil makakadagdag lang siya sa problema ng Pilipinas.

"Wala akong problema. Gusto ko lang talagang sumama sa inyo." Sabi nito at ngumiti ng nakakaloka..... Ha?! Ano? No! Erase erase erase. 

Tiningnan ko si Sharmaine at nakita ko siyang nagtutulo laway. Kaso joke lang yun.

"At bakit gusto mong sumabay sa amin? Wag mong sabihin na bakla ka kaya gusto mong sumama sa amin. Ew. GAY! IDIOT GAY!!" Sigaw ko sa kanya kaso dinilaan lang ako ng mokong.

"Hindi ako bakla no, Sa gwapo kong 'to maging bakla ako. Sayang naman yung lahi namin kung bakla ako. Ang gagwapo kaya ng lahi namin... Hay... Utak naman oh. Gamtin paminsan minsan." Sabi niya sa akin kaso inirapan ko lang.

"SHUT UP!!" Sigaw ko sa kanya. "Eh bakit gusto mong sumama sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo na. Transferee ako kaya wala pa akong kilala dito sa school except sa'yo kaya gusto kong sumama sa inyo dahil ikaw lang ang kilala ko dito sa school." Sabi niya at inirapan ko ulit siya.

"Hi pala Kade. Im Sharmaine Hanly, anak ng may-ari nitong school. Friends?" agpapakilala ni Sharmaine sa kanyang sarili.

"Ohh. Hi. Im Kade Clifford. Transferee. Friends." Sabi nito at nginitian pa si Sharmiane, ayan tuloy malapit ng mamatay si Sharmaine. kaso hindi natuluyan. Sayang.

"Dahil may kaibigan na ako. Alis na ako. Bye." Sabi ni Kade at hinila si Sharmaine.

Nung nakalayo layo na sila ng kunti, humarap ako sa kanila na naglalakad paalis. "At bakit mo hinihila ang best friend ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong pake mo? Kaibigan ko siya eh.... Diba?" At tumingin pa siya kay Sharmaine na naglalaway na nakatingin sakanya habang hinhintay ang sagot nito. Napatango nlaang din si Sharmaine. "See?" Sabi niya at nagsimula ng umalis kasama ang naglalaway kong bestfriend.

"UUUUUUUUUUUUUUURGH!!!!! HAYOP KA TALAGANG MULTO KA!!!!" Sigaw ko sa kanya. Pero itinaas lang ni Kade ang kamay niya at kinakaway saakin. Bwisit talaga.

So ano? Ako nalang mag-isa dito? Iniwan na ako ng bestfriend ko? Bwisit talaga tong lalakeng to. Nakakahigh. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Bwisit.

Ano ka ngayon? Wala kang kasama. Ohhhhhh. Nakakaawang Zam.

Hee! Tumahimik ka. 

Wala ka ng kasama.... Iniwan ka na ng bestfriend mo.

Tumahimik ka nga. Papatayin talaga kita.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon