MSR 24

120 4 0
                                    

Zam's POV 

"Anong ireregalo mo sakin?" Tanong sakin ni Sharmaine. Ha? Anong pinagsasabi nitong gaga na to.

Nandito kami ngayon sa Private Room namin. Lunch time kasi kaya nandito kami. Nagpapahinga. Hindi parin namin kasama si Ami dahil you know naman. Tss. 

"What did you say? A gift? Bat naman kita bibigyan ng regalo? Pasko na ba?" Tanong ko sa kanya. 

"Hayss. Nakakalimutan mo na ba?" Sabi niya na parang hindi naniniwala dahil hinid ko alam.

"Ang ano?" Taas kilay kong tanong.

"Di mo alam?" Tanong niya sakin. 

"Itatanong ko ba kung alam ko. Bobo naman oh. Saan mo ba nilagay utak mo? Sa pwet?" Sarcastic na sabi ko.

"Tss. Ano ba yan. Nakalimutan mo na malapit na ang birthday ng maganda mong bestfriend." Sabi niya sakin kaya humarap naman ako sa kanya.

"Ano naman kung nakalimutan ko birthday mo?" Tanong ko sa kanya. Maldita na kung maldita. Ganito talaga ako eh.

"Tsss. Ewan ko sa'yo."  Sabi niya sakin at umarte pa siya na nagtatampo. OA talaga. Hindi bagay sa kanya. 

"Ganito kasi yun Sharmaine. Wala naman akong mabibili na regalo para sayo dahil pwede mo naman mabili lahat lahat kaya no need na para bigyan kita ng gift." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tss.

"Kahit na.. Mas gusto ko yung galing sa maganda kong bestfriend." Sabi niya at nagpuppy eyes pa siya para um-oo ako. 

"Erase that. I'm not just a pretty girl. I'm a Goddess." Sabi ko sa kanya.

"So, ang ibig sabihin niyan ay yes?" Tanong niya sakin. Tumango nalang ako  bilang sagot.

"Talaga? YEEEEEEEEEEES! YEEEEEEEEES! Pumayag na si Zam na bigyan ako ng regalo. YAHOOOOO!" Sigaw ni Sharmaine na parang sinagot ko siya. Parang bata eh hindi naman bagay. Tss.

"OA mo talaga bestfriend." Sabi ko sa kanya. 

"Hayaan mo na. Maganda naman." Sabi niya.

"HA HA HA HA. Nice joke bestfriend. Pwede ka na maging comedyante." Sabi ko sa kanya.

"Ano ba yan? Walng support. Tss." Sabi niya.

"Sige na nga lang. Maganda ka kaya hayaan nalang kitang maging OA. Oh ayan ha, tapos na." Sabi ko sa kanya at inirapan.

"Ay? Napilitan?" Sabi niya.

"Hindi naman pero parang ganun na rin." Pang-aasar ko.

"Bad Bestfriend." Sabi niya sakin.

"Goddess." Pagtatama ko.

"Tss. Bahala ka diyan. Choosy ka pa." Sabi niya sakin at inirapan.

Tss. Bestfriend nga naman.

--------

"Ano nanaman?" Inis na sabi ko kay Kade. Kanina pa kasi siya tawag ng tawag sa maganda kong pangalan. Nakakainis na kasi kaya sinagot ko nalang. 

Last subject na namin to ngayon at pagkatapos nito, uwian na namin.

"Pahiram nga ng ballpen. Naiwan ko kasi yung ballpen ko." Sabi ni Kade sakin.

"Panget na nga, wala pang ballpen. Tss Kawawang stupid." Sabi ko sa kanya. "At ayoko ngang ipahiram sayo ang ballpen ko. Alam mo na.. Ayoko lang naman na mahawaan ako ng germs at virus na nandyan sa kamay mo. At tsaka last subject na ha? Ngayon ka pa nawalan ng ballpen. Tss. STUPID!" Taas kilay kong sabi.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon