MSR 34

64 0 0
                                    

Zam's POV

"Nahanda niyo na lahat ng gamit niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Yes Maam!" Sabay na sabi nilang tatlo. Mga gaga talaga.

Maaga kaming aalis dito sa Zaraque Resort. Nung una, sabi nila sa hapon na lang daw kami aalis pero dahil excited na akong pumunta doon sa hacienda nila Rappie, pinilit ko sila kaya sa huli, ako ang nanalo. Kaya nga nagtanong na ako sa mga girls na handa na ba yung mga gamit nila dahil baka matagal pa kaming maka alis. Excited pa naman ako.

Lumabas na kaming apat na girls at nakita naman namin yung boys sa labas ng room na naghihintay samin. Lumabas na kami sa hotel at syempre hindi mawawala ang groufie. Nung nasa na kami kakapicture, pumunta na kami sa parking lot at papasok na sa loob ng van. Pero bako pa ako makapasok, biglang nagsalita si Kade.

"Girlfriend, I brought my car. Doon nalang tayo?" Sabi niya sakin. Humarap naman ako sa kanya. Naka black and white stripes sando siya and floral short at naka floral cap din. Ang hot kaso gaya gaya. Naka black and white sando and maikling floral short din kasi ako eh. So ano ang gusto niyang ipalabas? Na nakasuot kami ng couple shirt? Eww. Nakakakilig.

Eww daw tapos nakakakilig? Problema mo Zam. Ikaw talaga. Ang lakas talagang tama mo kay Kade ha. May pa ew ew ka pang nalalaman diyan pero may halong nakakakilig. Ano ka? Gago?

Shut up bitch! Hindi ikaw ang kinakausap ko, okay? Kaya please lang. Wag kang epal.

Okay. Bye.

Tss.

"Dito lang tayo kina Rappie." Sabi ko sa kanya. Napataas naman yung dalawa niyang kilay.

"Eh sino ang magddrive nito? Alangan naman na iwan natin 'to dito." Sabi niya. Oo nga no. Ang bobo ko talaga. Wait! Hindi ako bobo no! Tss. Pero tama siya. Sino yung magdadrive kung kina Rappie kami sasakay. Alangan nga naman na iwan namin yung sasakyan niya.

"Edi iwan mo dito." Sabi ko. Wala akong masabi eh. Haha.

Kumunot naman yung forehead niya. "Ayoko no! Mahal ko 'tong sasakyan ko." Sabi niya at kinindatan pa ako. "Pero mas mahal kita." Sabi niya.

"Yun oh!" Sigaw ng barkada. Tengene lang. Kinikilig ako. Pero nabwibwisit din ako. Bakit mabwibwiwsit ako? Dahil ang corny ng boyfriend ko. Pero hindi ko nalang yun pinansin kahit kinikilig na ako.

"Tsss. Dito nalang kasi tayo kina Rappie. Mayaman ka naman. Pwede ka pa naman makabili ng bagong sasakyan na katulad ng sasakyan mo ngayon." Sabi ko kay Kade.

"No way! Oo alam kong mayaman ako pero mahalaga rin 'tong sasakyan na 'to para sakin." Sabi ni Kade. Magaaway nanaman ba kami? Kakabati lang namin nung isang araw tapos ngayon mag-aaway lang kami ng dahil sa sasakyan.

Oo nga pala. Ako yung dahilan kung bakit hindi pa kami nakaalis dito sa Zaraque Resort dahil ayaw ko pang pumayag na sa sasakyan niya nalang ako sasakay. Ang oa ko kasi. Pero kahit na, wala ako sa mood sumakay doon eh. Maarte na kung maarte pero wala talaga akong mood na sumakay doon. Pero bakit wala naman akong sumakay doon? May apat na rason lang naman kasi kung bakit ayaw ko doon sa sasakyan eh. Oo, apat talaga.

Una: Ayaw kong sumakay sa sasakyan niya dahil doon din sumakay si Yzelle nung pumunta sila dito sa Zaraque Resort. Bitter na kung bitter pero hindi ko talaga gusto. Baka may naiwan pa lang na germs doon sa sasakyan ni Kade na galing sa kanya, mahawa pa ako.

Pangalawa: Ayaw kong sumakay doon sa sasakyan niya dahil Dyosa ako. Kakasabi ko lang sa unang rason diba na baka may germs doon ni Yzelle sa sasakyan ng boyfriend ko. Baka mabawasan yung kadyosahan ko.

Pangatlo: Dahil Dyosa nga ako. Tss. At...

Pang-apat: Dahil Ayoko! Paki niyo ba!

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon