MSR 14

140 5 2
                                    

Zam's POV

"Sorry Zam kung natagalan ako." Sabi ni Arvin. 

Kilala niyo pa ba si Arvin? Yung boyfriend ngayon ni Ami na ayaw niyang mawala sa piling niya. Ew. Nakakadiring Ex Bestfriend. 

"So anong sasabihin mo sakin?" Tanong niya.

Nandito kami ngayon sa isang private room na ako at si Sharmaine lang ang pwedeng magpapasok. Pinapunta ko siya dito dahil sisimulan ko na yung plano ko. Remember my plan? Yung aagawin ko din yung boyfriend niya. Tss. Gagawin ko 'to kahit nandidiri na ako. Pero dahil may mukha naman itong boyfriend ni Ami. Okay na din.

"Uhmm. Actually may ipapagawa ako sa'yo." Sabi ko sa kanya. 

"What?" 

"Hihiwalayan mo si Ami at magiging slave kita." Sabi ko. Lumaki yung mata niya at napanganga siya sa sobrang gulat. Magulat ka lang.

"WHAAAAAAAAAAAT???!!! Hihiwalayan ko si Ami?! No way. Mahal ko siya at mahal niya ako. Ayaw kong siyang saktan. Hindi rin ako papayag na magiging slave mo ako. Wala kang karapatan para sabihin yan sakin at sino ka din para sabihin yan." Sigaw niya sa akin pero nginitian ko lang siya.

"OOOOH. How sweet. Pero mamaya na yang drama at wala ka nang magagawa." Sabi ko sa kanya at nginitian nanaman siya ng nakakatakot na ngiti. 

"What?" 

"Wala ka ng ibang magagawa dahil hawak ko na ang buhay mo." Sabi ko sa kanya. Hindi mo maipinta yung mukha niya sa sobrang gulo.

"Dahil kung hindi mo gagawin yun. Ang kompanya ng parents mo ay mawawala na parang bula. At kung mawawala na yung kompanya niyo, magiging pulubi na kayo. Wala na kayong makakain at hindi ka na rin mamahalin ni Ami." Pananakot ko sa kanya. 

"WHAT? Bakit mo naman yun gagawin?" Tanong niya.

"Simple lang, gusto ko lang parusahan yang malandi mong girlfriend. Gusto kong iparamdam sa kanya yung sakit na pinaranas niya sakin dati. Gusto kong iparanas sa kanya kung paano masktan ng sobra. Gusto ko iparanas sa kanya kung paano maagawan. Gusto kong iparanas sa kanya kung bakit ako nag bago. " nadala na rin ako sa emosyon ko. Hindi ko pa rin kasi natatangap kung bakit niya ginawa sakin yun. Yung pagloko sakin. Yung pagtraydor niya. Pinagkatiwalaan ko siya pero siya? Ano... Niloko lang ako. Pinagtaksilan. Trinaydor. Trinaydor ng nagiisa mong bestfriend.

Pinunasan ko yung mga luha na pumatak mula sa mga mata ko. Ayaw ko nang ipakita sa ibang tao na nasasaktan ako. Ayaw ko nang ipakita sa kanila na nagiging mahina ako. Ayaw na ayaw ko ng masaktan ulit. Ayoko na.

Bago ako umalis may sinabi pa ako sa kanya. 

"At gusto kong malaman niya na dahil sa kanya naging ganito ang isang Zam Vartelejo."

Ami's POV

Tatlong araw na rin ang nagdaan nung sinampal ako ng Ex Bestfriend ko at tatlong araw na rin ang nag daan nung huli kong nakasama si Arvin. Ano kayang nangyari dun? Nakakainis. Namimiss ko na siya tuloy. Hindi tuloy kami nakapunta doon sa park. Doon kasi yung paborito kong lugar. 

Hindi na rin kami nakapagbili ng ice cream. Hays. 

Naglalakad na lang ako papunta sa Room ng biglang may nadaanan akong mga babae na nagbubulungan. Halata namang ako yung pinaguusapan nila. Inirapan ko nalang sila at naglakad na ulit.

Nung nasa classroom na ako. Wala pa rin yung teacher namin. Ganun namana talaga yung teacher namin. Araw araw late. Nakakabwisit pero okay lang. Hindi naman ako nakikinig sa kanya. Wala rin naman siyang kwenta. Nakakaloka.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon