MSR 8

188 6 1
                                    

Zam's POV

"Baby, wake up." Sabi ni Mommy habang ginigising ako. Baby parin yung tinatawag niya sakin. Sinabihan ko na siya dati na wag na akong tawaging baby dahil malaki na ako pero ayaw niya parin, tinatawag niya parin akong baby kaya hinayaan ko nalang si mommy. Love na love kasi ako ni Mommy. Simula nung namatay yung kakambal ko. Si Ate Sam. Mas matanda siya kaysa sa akin dahil siya yung unang lumabas kaysa sa akin. Pero nung nalaman namin na may sakit siya sa puso, nalungkot ako nun. 8 years old na kami nung nalaman namin na may sakit siya sa puso. Ilang months din kaming nasa hospital nun, may nakilala nga kaming masungit na lalake dun sa hospital na yun eh, same lang din kami nun ng age. Nakalimutan ko lang yung name niya. Lagi siyang sumasabay samin kung saan kami pumupunta. Crush ni Ate Sam yung boy na nakilala namin pero parang hindi naman gusto nung nakilala namin na lalake si Ate Sam. Di ko nga alam kung bakit nagkacrush si Ate Sam dun sa nakilala namin na lalake. Ang sungit kasi. Naiinis nga ako sa kanya minsan eh kasi lagi niya akong inaasar nun. Pero si ate lagi lang nakangiti kapag nakikita niya yung lalake. Pero di rin nagtagal ay namatay si Ate, simula din nun hindi ko na nakita yung nakilala namin na boy. At dahil dun, minahal ako ng sobra nina mommy and daddy.

"Malelate ka diyan kung matutulog ka lang. You shouldn't miss this class because its your last day today sa school niyo." Sabi ni mommy kaya bumangon nalang ako.

Oo nga pala. Last day ko pala ngayon sa school dahil bukas aalis kami nina mommy and daddy sa Davao. parang one week lang ata kami dun or two. Ewan ko sa kanila kung bakit kailangan talaga ako isama. Pero sabi naman ni mommy na kung iiwan daw ako dito sa bahay, baka may mangyari daw'ng masama sa akin. 

Umalis na si Mommy sa kwarto ko kaya kumuha na ako ng towel at pumasok na sa loob ng cr. Pagkatapos kong maligo, sinout ko na yung uniform ko at tsaka lumabas na ng kwarto ko. Pumunta na ako sa napakalaking dining.

"Good Morning Baby." Bati ni Daddy sakin. kaya nag good morning din ako sa kanya.

"Pagkauwi mo dito sa bahay, maghanda ka na ng mga damit mo ha. ilagay mo na sa bagahe mo. Para tomorrow, wala na tayong intindihin. Okay?" - Daddy.

"Yes Dad." Sagot ko kay Daddy. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na agad ako kina Mommy and Daddy dahil papasok na ako sa last day ko. Hindi yung last day na last day talaga ha. Yung akin ay last day ngayon pero tomorrow ay magbabakasyon ako. Pagkatapos ng bakasyon namin sa Davao. Balik agad sa school.

Sumakay na ako sa car ko at nagdrive na papunta sa school namin.

*SCHOOL*

Naglalakad ako papunta sa classroom. Malamang taas noo parin akong naglalakad. Duuh.

Nagmamadali na akong naglakad dahil nandun na siguro si Sharmaine o wala pa. Isheshare ko pa sa kanya na aalis ako tomorrow. Mamimiss ko 'tong bestfriend ko. Matagal tagal din itong one week para sa amin. Nung dati nga. Isang araw lang kaming hindi nagkita, namiss agad namin ang isa't isa. Paano na kaya itong one week. Mamimiss talaga namin ng sobra ang isa't isa. As in SOBRA. OA na kung OA.

Nung nasa pinto na ako ng classroom ko. Nakaramdam ako ng inis. Ewan ko ba kung bakit. Pumasok na nga lang ako.

Pagpasok ko sa classroom, wala pa yung teacher pero nagulat ako sa naka sulat sa blackboard, "F*ck YOU ZAM." ang nakalagay sa blackboard.

"Oh ano ka ngayon Zam, sa tingin mo ba magpapatalo ako sa'yo, Ha?!" Sabi nung babae na nasa harap ko. "Hinding hindi na ako magpapatalo sa isang nerd dati na katulad mo?!" Sabi pa niya.

Anong nakain ni Ami bakit siya nagkakaganyan. Baliw na ba siya. Kung baliw siya, edi pumunta siya sa mental. Magsama sila sa mga katulad niyang Baliw. Duuh. Pero nanghahamon ba siya. Edi manghamon siya. Sa palagay niya? Matatalo niya ako. NO WAY!

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon