MSR 30

114 1 5
                                    

Zam's POV

"Kailan pa ba yun darating yung FRIEND mo?" Malakas ang pagkakasabi ko sa word na friend. Eh ang tagal naman kasi eh. Saan ba kasing lupalok yun umabot at natagalan.

"Hintayin nalang natin. Malapit na raw siya sabi niya." Sabi niya.

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay nila habang naghihintay sa babaeng yun. Hindi ako nagseselos ha. Kakasabi lang ni Kade kagabi na friend lang daw kaya hindi ako magseselos.

Ding Dong Ding Dong

Pumunta yung maid nila sa labas at ilang segundo ang dumaan bumukas yung pinto nila kaya napatingin naman kami. Pumasok yung babae at lumapit si Kade sa kanya at nagyakapan sila na para bang ilang years na silang hindi nagkita. How sweet.

Bumitaw na yung girl at ngumiti kay Kade. Ganun din si Kade.

"How are you? You look matured na masyado." Sabi nung girl kay Kade.

"I'm fine. Ikaw nga din eh. Sumexy ka lalo." Sabi ni Kade. Tumayo ako at pumunta sa kanila. Nag fake cough ako para mapansin naman nila ang beauty ko. Dinadala dala ako dito tapos audience lang pala ako sa pagyayakapan nila. The fuck.

"Ah.. Oo nga pala.. Girlfriend, this is Yzelle. And Yzelle this is my girlfriend, zam." Sabi ni Kade. Inangat ni Yzelle yung kamay niya para makipag shake hands. Tinanggap ko nalang yung alok niyang makipag shake hands habang nakangiti. Baka mapahiya siya kung hindi ko tatanggapin yung alok niya. Kawawa naman siya.

"Uhmm. By the way, upo muna kayo. Tatawagin ko muna yung mga maids para may makakain tayo." Sabi ni Kade at umalis na. Pumunta na ako sa sofa at umupo. Ganun din ang ginawa ni Yzelle.

Ilang segundo ang nagdaan, nakita kong lumingon siya sakin kaya napalingon naman ako sa kanya.

"So ikaw pala yung girlfriend ni Kade." Sabi niya. Bingi ba 'to. Kakasabi lang ni Kade kanina. Tss.

Tumango ako bilang sagot.

"Girlfriend pala tawag niya sa'yo?" Tanong niya habang nakangiti. Plastik na ngiti. At dahil hindi ako katulad niyang plastik, pinakita ko na sa kanya kung ano talaga ako.

"Narinig mo naman pala eh. 'Bat mo pa tinatanong? Are you deaf?" Tanong ko sa kanya.

"I like your attitude ha. Kaya naman pala naging girlfriend ka ni Kade eh." Sabi niya habang suot pa rin yung plastik na ngiti. Tss. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Kade.

"Nandito na yung foods." Sabi niya at nilagay na sa mesa yung mga pagkain. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan habang kaharap naman namin si Yzelle.

"Nag-usap ba kayo habang wala ako?"

"Yeah. She's nice. I like here. Hindi ka nagkakamaling piliin siya Kade." Sabi ni Yzelle sa kanya. Tss. Plastic everywhere.

"I know right. Ang hirap nga maghanap ng timing para makaamin lang ako sa kanya na gusto ko siya." Sabi ni Kade kay Yzelle. At dahil dun, napangiti ako.

"Ikaw? Wala ka pa bang boyfriend?" Tanong ko kay Yzelle. Napatawa siya sa tanong ko.

"Ako?" Tanong niya. Hindi hindi, ako. Ako yung tinatanong ko. Idiot. "Wala pa eh. Pero I know na darating siya soon." Sabi niya sabay wink sakin. Inirapan ko siya pero hindi niya nakita.

Usap lang sila ng usap. Tawa lang sila ng tawa. Tas ako. Heto, OP masyado sa kanila. Eh hindi rin naman nila ako kinakausap kaya hindi ko na lang rin sila pinapansin basta ako dito kain lang ng kain. Sumaya sila. 

Dumaan ang ilang minuto, napagisip isipan ko ng umuwi.

"Uhm Kade. Alis na ako." Sabi ko at tumayo. Tumayo rin si Kade at hinawakan niya yung kamay ko.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon