MSR 37

115 4 2
                                    

Zam's POV

"Kanina ka pa tahimik diyan ha? May problema ka nanaman ba?" Tanong ko kay Kade. Nandito kami ngayon sa sala ng bahay nila habang naka upo sa sofa. Nanunuod kami ng movie ngayon pero parang ako lang yung nanunuod eh. Kanina pa kasi siya tahimik. Kapag kinakausap ko naman, tumatango lang siya minsan, minsan naman umiiling, kapag tinatanong ko naman siya ng kung ano-ano, ang tipid ng sinasabi niya.

"Wala." Sabi niya lang. Nakakatawa yung mukha niya kasi ang lungkot lungkot yung mukha niya. Anong akala niya? Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan.

"Wag mong sabihin na nagseselos ka?" Sabi ko sa kanya. Humarap siya sakin at lumapit ng kaunti.

"Bakit? May dapat ba akong pagselosan?"

"Wala. Pero yung mukha mo eh parang nagseselos." Sabi ko. Halata naman kasi. Kasi kung hindi siya nagseselos, dapat kanina pa siya nagsasalita. Siya pa nga yung mas madaldal saming dalawa eh.

"Okay okay,  magdodorbell na sana ako ng biglang bumukas yung gate niyo, nakita kita na may kasamang lalake at umalis kayo. Sino ba yung lalakeng kasama mo kagabi? Saan ba kayo nagpunta?"

"Yun ba? Nako! Wag mo ng pansinin yun. Basta ang importante, mahal kita." Sabi ko sa kanya at hinawakan yung mukha niya at pinaharap sakin sabay kurot sa dalawang pisngi niya. Napa-Aww nga siya pero tinawanan ko lang siya.

"Para saan ba yun? Ang sakit ah!" Sabi niya habang hinihimas yung pisngi niya. 

"Cute mo kasi kapag nagseselos ka." Hinalikan ko siya sa lips pero mabilis lang. Nakita ko yung mukha niyang namumula kaya natawa ako ng kunti.

-----

"Hoy maganda kong kapatid! Bilisan mo nga diyan!" Sigaw ni Kuya Cam. Paano ba naman kasi, nag-aaya siya ng lakad. Kung kailan monthsary namin ni Boyfriend, doon pa siya nag-aya ng lakad. Ayaw ko nung una pero sabi niya, ito raw yung paraan para magkabonding kami bilang magkapatid dahil hindi pa kami nakakabonding dati nung bata pa kami at gusto niya rawng makabawi sakin. Kaya pinayagan ko nalang siya. Kawawa naman kasi. 

Limang araw na rin simula nung nalaman kong magkapatid kami. Apat na araw na rin kaming hindi nagkikita ni Kade. Namimiss ko na nga siya eh.

"Tapos na po, gwapo kong kuya." Sabi ko at binuksan yung pinto ng kwarto ko. Nakita ko siya na nakasuot ng isang v-neck na white t-shirt na may nakalagay na 'love me harder' tapos naka black pants. 

"Aba! Aba! Ang gwapo ng kuya ko ha!" Sabi ko at hahawakan ko na sana yung buhok niya kaso hinawakan niya agad yung kamay ko. 

"Wag na wag mong gagalawin 'tong buhok ko, isang oras ko tong inayos. Ang hirap maperfect 'to no!" Sabi niya at inalis yung pagkkahawak niya sa kamay ko. "Bat ba ang tagal mo?" Tanong niya.

"Pake mo kuya?" Sabi ko. Oo nga pala. Sa kanya lang ako mataray at pati na kina Sharmaine, Ami, at Yza. Hindi ko kasi kayang hindi na magtaray sa kanila eh. Kumakati yung dila ko.

"Aray!" Sigaw ko. Ikaw kaya paluin sa ulo, hindi ka ba mapapa-aray.

"Kuya mo ako ha!" Sabi niya pero inirpaan ko lang siya. At inayos yung suot niya. Sweet ko no. Kahit mataray ako sa kanya, sweet naman akong kapatid. 

Lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa sasakyan niya. Pupunta kami ngayon sa isang lugar na palagi naming pinupuntahan. Sa park. Yung lugar na kung saan lagi kaming nagtatambay at yung lugar na kung saan kami naghiwalay. Hays. Nevermind.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon