MSR 4

281 10 8
                                    

Zam's POV

Naglalakad kami ni Sharmaine papunta sa classroom. Syempre ganun parin. Kapag nandito na kami, lahat ng mga tao dito ay nakatingin lang sa amin. Oh Diba! Parang mga artista! Mukha naman talaga kaming artista ah.

Nung nasa classroom na kami, pumunta agad kami sa upuan namin. Syempre katabi parin kami no. Dapat yung mga maganda lang yung magkatabi at kami yun. Kasi kung tatabi kami sa mga panget na tulad ni Ami, Baka may virus na lalapit sa amin. EW.

"Bat ang tagal naman ng bwisit na teacher natin? Bwisit talaga! Sa susunod, ipapafired ko na sila kay Daddy." Sabi ni Sharmaine na halatang naiinis na talaga. Hindi ko nalang siya pinansin.

Biglang dumating si Ami at dire-diretso siya sa upuan niya na nasa likuran rin pero nas right side siya, nasa left kasi kami kaya hindi namin siya katabi. Sino din naman ang tatabi sa kanya. Ew.

"Ooops Bestfriend. Nandito na pala yung malandi mong Ex Bestfreind. Hindi man lang bumati ng good morning sa magandang tulad natin. Napaka rude." Sabi ni Sharmaine habang nakatingin kay Ami.

Tumingin naman si Ami sa amin at tsaka iniripan. Wow! Ang bait ha.

"May gana pa pala siyang umirap satin. Tss." At inirapan din siya ni Sharmaine. Hindi kaya nagpapatalo si Sharmaine.

"Hi class! I'm sorry I'm late. Tinawag pa kasi ako ng Principal eh." Sabi nung Bwisit na teacher. Si Ms. Via Siarez. Yung Bwisit na teacher na hindi marunong magturo. Duuh.

"Bat ang tagal mo?! Alam mo bang ilang segundo akong naghintay sa'yo!" Sabi ni Sharmaine.

Tinitingnan ko lang siya habang sinisigawan yung teacher namin.

"Bakit mo ako sinisigawan? Wala ka bang galang sa teacher mo Ms. Sharmaine?" Tanong ni Ms. Siarez the Shit.

"Sa tingin mo Ms. Siarez. Kailangan ba kitang igalang? Ang tagal mo. Alam mo bang hindi pinaghihintay ang mga maganda?" Mataray na sabi ni Sharmaine.

Magsasalita na sana si Ms. Siarez pero inunahan na siya ni Sharmaine.

"Magsasalita ka pa?! Mabuti pang magturo ka nalang sa boring mong lesson. Baka gusto mong Ipapafired kita kina Daddy. Gusto mo?" -Sharmaine.

"Wa-wag po Ms. Sharmaine. Sige po magtuturo na ako." Takot na sabi ni Ms. Sirarez. Hahahaha. Nakakatawa naman yung mukha ni Ms. Siarez parang gusto ng umiyak dahil inagaw ng ibang bata yung lollipop niya.

Bakit ako tahimik? Kasi POV 'to ni Sharmaine. Siya na kasi yung daldal ng daldal ngayon ehh. Ako naman, tahimik lang. Kaya sabihan ko nalang si Author na kay Sharmaine nalang itong POV. Hahaha. Joke.

"Good Morning Class." Bati ni Ms. Siarez sa mga kaklase namin. Tumayo naman yung mga kaklase namin at binati rin siya. Kami? Ito, nakaupo lang. Nakakatamad bumati sa kanya. Duuh.

Turo lang siya ng turo. Tango lang naman ng tango yung mga kaklase ko na halata namang hindi nila naiintindihan yung lesson na tinuturo ni Ms. Siarez. Duuh.

(Diba guys. May kaklase tayong tango lang ng tango eh wala naman palang naintindihan.)

Nakaupo lang ako sa arm chair ko habang nilalaro yung ballpen ko. Ng biglang tinawag ni Ms. Siarez si Ami. Napatingin naman ako kay Ami. Natulog kasi kaya ayun tinawag siya. Mabuti nga sa kanya.

Tumayo si Ami dahil alam naman niya kung bakit siya tinawag. May ibinigay na tanong si Ms. Siarez pero ilang segundo na ang nagdaan, hindi parin siya nakasagot. Ang bobo naman.

"Ms., Tulungan ko nalang siya." Napatingin naman si Ms. Siarez at Ami sa akin na naka raise ang right hand.

"Okay, ikaw na ang sumagot Ms. Vartelejo." Sabi ni Ms. Siarez. Sinagot ko yung tanong ni Ms. Siarez na walang mali mali. Oh diba! Ang talino ko. Di tulad ng iba diyan.

"Very good Ms. Vartelejo. You can take your seat. And you too Ms. Funtila, sa susunod kasi Ms. Funtila, makinig ka. Gumaya ka kay Ms. Vartelejo." Sabi ni Ms. Siarez. Tiningnan ko si Ami at tsaka inirapan. Idiot kasi. Pero hindi naman talaga ako nakikinig sa kanya ehh. Sadyang paulit ulit lang talaga yung topic. Duuh.

Ilang minuto na rin ang nagdaan at natapos na ang klase. Hay! Makakakain na rin ako. Nagugutom na kasi ako ehh.

Tumayo na si Sharmaine at nagsimula ng maglakad kaya tumayo na rin ako at sinundan siya. Pero huminto ako nung nasa harap ko na si Ami.

"Ayan kasi. Yan yang napala mo. Kapag sa klase, ang bobo bobo. Sayang yang kamalditahan mo. Sayang rin yang utak mo, walang laman baka mabulok lang yan diyan sa loob ng ulo mo, sayang naman. Pero alam mo, kung mang-agaw thingy lang yung topic natin. Sigurado akong perfect ka. Baka ikaw pa nga yung maging 1st honor eh." Sabi ko kay Ami sabay hairflip at irap. Naglakad na kami palabas ng classroom ni Sharmaine. Ayaw kong marinig yung panget na boses ni Ami. Pupunta na kami sa canteen.

Nung nasa canteen na kami, nakita ko yung mga tao na nakapalibot sa canteen kaya pumunta kami doon. Ewan namin kung bakit kami pumunta doon. Baka kasi may away na nangyayari.

Pagkapunta namin doon sa canteen, lahat ng sila ay nagsialisan dahil nakita nila kami, yung dalawang magandang nilalang. Kaya pala maraming tao dito kasi may away ngang nagaganap.

Pumunta kami kung sino yung nag-aaway. Pagkapunta namin, nakita namin yung girl na may palabok yung mukha habang umiiyak at may dalawa ding babae na nakatayo sa harapan nung girl na may dala dalang palabok.

"Anong ginawa niyo sa canteen ng school ng mommy at daddy ko?!" Galit na sabi ni Sharmaine. Natakot naman yung dalawang babae na nakatayo.

"Ako na ang magtataray sa kanila bestfriend." Kanina pa kasi ako tahimik eh. Bestfriend ko nalang palaging nagsasalita. Ibigay ko nalang kaya sa kanya 'tong POV na'to. HAYS!

Pinuntahan nalang ni Bestfriend yung si Palabok Girl tapos tinulungan. Umalis muna sila. Siguro magpapalit yun si Palabok Girl. Bait namin no?

"Kayong dalawa? Kayo ba ang nagtapon sa babae ng palabok sa mukha?" Mataray na sabi ko sa dalawang babae.

Nakita ko naman yung takot sa mukha nung dalawa.

"KAYO BA ANG NAGTAPON NG PALABOK SA BABAENG YUN?!!" Sigaw ko. Parang bingi kasi. May bibig pero hindi naman ginagamit. Useless lang. Duuh.

"O-opo, M-ms. Zam." Takot na sabi nung Girl 1 na nakatayo.

"Bakit niyo 'to ginawa sa kanya?!" Taray ko paring sabi.

"Nakakainis po kasi eh. Binangga kasi ako kaya ayun. Tinapunan ko siya ng Palabok." Explain ni Girl 2.

"At may panahon ka pang mainis ha?" Inirapan ko muna siya bago nagsalita ulit. "Nainis ka sa kanya dahil binangga ka pero sa mukha mong katulad ng unggoy, di ka nainis?" Gulat na gulat siya sa sinabi ko sa kanya. Eh totoo naman eh. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"At sino kayo para magkalat sa canteen?! Di niyo ba alam na wala kayong karapatan para magkalat dito?! Ha?!" Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa. "Kami lang ang pwedeng gumawa nun. Kaya sa susunod, kung may gulo pang mangyayari. Baka bukas, wala na kayo dito sa school na tinatayuan niyo? Naintindihan?!" Sabi ko sa kanila.

Aktong aalis na sana yung dalawang babae pero nahawakan ko silang dalawa.

"Saan kayo pupunta? Dahil may kasalanan kayong ginawa, may ipapagawa ako sa inyo."

****
Hi BLACKSTARS! Please like my page. StarDelicious po yung name ng page. May mga quotes po doon na pwede niyong makuha. And some advice.

Follow niyo rin po ako sa Instagram. ~~> STRDLCS

Add niyo din po ako sa Facebook.
~~~> Cydel Justin Granada

Thank you BLACKSTARS!

Vote and Comment.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon