MSR 9

176 4 0
                                    

Zam's POV

*DAVAO*

Kakagising ko lang. Pero yung katawan ko mahinang mahina parin. Kakarating lang kasi namin dito sa Davao. Nandito kami ngayon sa Pinakasikat na Hotel sa Davao. Nandito kasi kami sa Davao dahil dito gaganapin yung mga meeting nina Daddy.

Alam niyo ba nung paparating pa lang kami dito sa Hotel, nakikita agad namin yung mga magagandang tanawin. Nakakaexcite lumabas. Pero mamaya na. Relax lang. 

5:30 AM pa lang pero nagising na ako. ABA! Excited na talaga akong lumabas.

Pumunta na ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos kong maghilamos nagbihis agad ako ng white sando, maikling short and rubber shoes. Dala ko din yung phone tapos earphone ko. Magjojogging ako today. Ayaw ko kasing tumaba kaya naisipan kong magjogging.

"Baby, where are you going?" Tanong ni Mommy sakin.

"Nandyan ka pala Mommy. Magjojogging lang po ako. Pampapasexy." Sabi ko sa kanya.

"Sa katawan mong yan, may mapapasexy ka pa?" Sabi ni Mommy. Napatawa naman ako sa sinabi ni Mommy. Ang sexy ko na kasi kaya nasabi ni Mom yun. Pati si Mom suppotado sa pagiging sexy kasi totoo naman. Hindi naman nagsisinungaling si Mommy.

"Kayo talaga Mommy oh. Sige po Mom, Alis na po ako." Sabi ko kay Mommy. Tumango lang siya. 

Mabait ako kapag sina Mommy at Daddy na yung kausap ko. Pero kapag sa iba na, DEMONYO na ang makakausap nila. Love ko kasi sina Mommy at Daddy. Ang sweet nga nila sa isa't isa eh. Ang gusto ko nga sa lalake yung katulad kay daddy na hindi nakakalimutan ang pagiging sweet kay mommy. 

Kailan kaya ako makakakita ng ganun na lalake. Hays! Next time na yan. Jogging muna ako.

Lumabas na ako sa Room ko at tsaka pumunta agad sa elevator. Nasa 10th floor pa naman ako. Nakakainis!

Ilang minuto rin ay bumukas na yung elevator. Lumabas na ako at tumungo na ako sa labas ng hotel. 

-----

Ilang minuto na rin akong nagjojogging dito sa park. Ang laki ng park. Pinapawisan na rin ako. Nakakailang laps na ako tap ----  "ARAAAAAAAAAAAAY!" Sigaw ko.

May nakabangga kasi sakin. Sino yun, papatayin ko yung gumawa sakin nito. Bwisit! 

"Aray! Ang sakit! Mababawasan talaga ang pagiging pretty ko." Sabi ko habang nakahawak sa kaliwang braso ko, dito niya kasi ako natamaan. Di niya ba alam ang dinadaanan niya? Nakabangga pa naman siya ng isang maganda.

"Buta ka?! Dili ba nimo makit-an ang imong gina agihan?!" Sabi niya. Ano daw. Nosebleed ako dun ha. Vernacular ba yun?

"Anong sabi mo?! Di kita maintindihan!" Sabi ko sabay tayo. Hawak ko parin yung binunggo niya. Ang sakit pa rin nung binunggo niya. Huhu.

"Ang sabi ko, Bulag ka ba?! Hindi mo ba nakikita yung dinadaanan mo?!" Sabi niya. 

"Marunong ka palang magtagalog. Eh vine-vernacular mo pa ako." Pagtataray ko sa kanya.

"Malay ko ba! Hindi ko naman alam na hindi ka marunong magvernacular!" Sabi niya. Aba ang sungit nito ha. Kumukulo dugo ko sa kanya. BWISIT!!!

"Kaya sa susunod Ms, wag kang tanga tanga. Tingnan mo yang dinadaanan mo para hindi ka mabunggo sa isang gwapong katulad ko. Naintindihan mo?" Sabi niya.

"So kasalanan ko pang binunggo mo ang isang magandang nilalang na nasa harapan mo ngayon? ABA MATINDI! Sorry ha kasi nabunggo mo ako. Bakit ako nagsosorry? Sakit kasi ng binunggo mo sakin ehh. Nakakabwisit parang mukha mo. And.. Salamat sa advice MR. MAYABANG!!" Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Tinatawag mo ba akong mayabang? Ha?" Sabi niya. Ang angas niya ha.

"Oo! Ang hangin mo kasi eh. Gwapo daw, eh mukha ka ngang alien! Tss." Pagtataray ko sa kanya.

"Sa gwapo kong 'to maging alien ako. Mamatay ka muna bago mangyari yun, MS. MATARAY." Wow. May tawag din siya sakin ha. Aba! Nakakainis na siya.

"Hindi na ba mawawalan ng hangin yang katawan mo?! Giniginaw na kasi ako sa kahanginan mo eh. Bwisit!" Sabi ko

"Tss." Sabi lang niya at tumakbo na paalis. Bait. Di man lang nagsorry sa ginawa niya. Bwiseeeeeeeeet!

"Hindi ka man lang magsosorry sa ginawa mo sak- HOOOOOOOY!" Nakalayo na kasi siya. Bastusing Nilalang. Demonyo siguro yung gumawa sa kanya. Nakakainis.

Bumalik nalang ako sa hotel na kung saan kami nagste-stay. Nasira araw ko sa lalakeng yun. Kung maka asta parang sino. Bakla ba yun. Pumapatol kasi sa babae tapos puno pa ng kahanginan ang buong katawan niya. Urrrrgh! Nakakabwisit talaga yung lalakeng yun!! Kung makita ko yun ulit, panigurado... mapapatay ko na yun. Sino ba yun! Pasalamat siya dahil di ko alam ang pangalan niya. Dahil kung alam ko lang. Isusumbong ko siya sa pulis. Nakabunggo lang naman siya ng isang maganda at yung nakakainis pa ay hindi pa nagsorry sakin. Ikakaso ko sa kanya yung #HurtingThePrettiestLAW. 

Uuurgh. Nasestress ako dahil sa lalakeng yun. Bwisit. 

"What's with the face?" Tanong ni Mommy sa akin habang nilalagay yung pagkain sa mesa.

"Nothing Mom." Tipid na sabi ko.

Lumapit naman si Mom sakin. At hinawakan ang magkabilang braso ko. 

"Ouch, Mom. Wag mong hawakan dito." Sabi ko kay Mom. Masakit pa rin kasi ehh.

"Bakit? Anong nangyari diyan? May masama bang nangyari sayo, Ha? Anak?" Pag-alala ni Mommy.

"Mom, wag po kayong mag-alala. Hindi naman masyadong masakit. Kunti lang." Sabi ko pero sa totoo lang. Masakit talaga.

"Ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" Tanong ni Mom sakin.

"May bumunggo kasi sakin. Okay lang sana kung magsosorry siya pero hindi eh, bastusing tao. Siya na nga yung nakabunggo, hindi pa siya magsosorry. Nakakainis." Kwento ko kay mom. 

"Okay lang yan Baby. Sige kumain ka na." Sabi ni Mom at pinaupo ako sa upuan. Umalis si Mom para tawagin si Dad.

Kapag makita pa kita. Maghanda ka nalang. Maghanda ka sa gagawin ko sa'yo, Mr. Mayabang. 

****

Sino kaya si Mr. Mayabang? Hahahahaha.

Picture po ni Mr. Mayabang ------> 

Hashtag niyo na yung #HurtingThePrettiestLaw #MySexyRevenge #StarDelicious sa facebook, instagram, twitter and etc..

Hi BLACKSTARS! Please like my page. StarDelicious po yung name ng page. May mga quotes po doon na pwede niyong makuha. And some advice.

Follow niyo rin po ako sa Instagram. ~~> STRDLCS

Add niyo din po ako sa Facebook.
~~~> Cydel Justin Granada

Thank you BLACKSTARS!

Vote and Comment.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon