MSR 6

277 8 4
                                    

Zam's POV

Today is the day na ipapagawa ko na sa Dalawang panget na girl yung plano ko. Hays! Lahat naman sila panget. Except sa mga kalahi ko. Duuh.

Naglalakad na ako papunta sa cr. Doon kasi kami magkikita nung dalawang Shit Girls. Tss. 

Break Time na kasi namin kaya kami pumunta sa cr. Nung nasa cr na ako, Nakita ko yung dalawang Shit Girls na diring diri sa mga dala nila. 

Gusto niyong malaman kung ano yung dala dala nila? Ayoko nga. Hahahaha D'joke lang. Dahil suportado kayo sakin, sasabihin ko nalang sa inyo. Palaka lang naman yung inutos ko sa kanila. As in FROG, PA-LA-KA. Baka may mga hindi kasi nakakaalam ng frog dito kaya tinagalog ko na rin. Pake niyo?

"Mabuti at tinupad niyo yung utos ko sa inyo kung hindi, hindi ko na makikita yang mga nakakabwisit niyong mukha." Sabi ko sa kanila habang tinuturo sila. Oh diba! Ang maldita ko talaga. Wala silang pake dun. Kasalan ko bang maging maldita ako. Kaya nagpapasalamat ako kay Ami dahil niloko nila ako ng Ex boyfriend ko. Dahil kung hindi nila ako niloko, nananatili parin ako sa boring na buhay. 

"Heto na po yung pinapautos niyo Ms. Zam." Sabi ni Girl 1 habang inaabot niya yung dala dala niyang palaka. 

"Bat mo binibigay sakin yan? Taga bitbit ba ako? Kayong dalawa mismo ang magdadala niyan at maglalagay niyan sa locker ni Ami. Naintindihan?" Sabi ko sa kanila gamit yung sexy voice ko. Tumango lang sila bilang pagsagot ng OO sakin. Tamad magsalita ng OO parang maganda. Tss.

"Oh ano, bat nakatayo lang kayo diyan? Alis na kayo dito sa cr. Ilagay niyo na yan sa locker ni Ami. Bilis!" Sabi ko sa kanila kaya naglakad sila ng mabilis at pumunta agad sa locker ni Ami.

Sinundan ko yung dalawang Shit Girls.

Nakita ko silang binubuksan nila yung locker ni Ami. Ilang segundo lang ay nabukas na nila. Wow Ha! Expert sila ha! 

Nagtago ako pero malapit lang sa locker ni Ami. Makikita mo talaga kung ano ang magiging reaksyon ni Ami kung makita niya ang mga palaka sa locker niya. 

Pagkatapos nilagay ng mga Shit Girls yung mga palaka sa locker ni Ami, nilock na nila ito at tumakbo na sila palayo. Pero nandito parin ako, tumatago at hinihintay na dumating si Ami. Titingnan ko yung reaksyon ni Ami kung makita niya itong mga palaka. Sa tingin ko maging katawa tawa yung mukha niya. 

And Speaking of Ami.... Naglalakad na siya dala dala yung bag niya at isang libro. Nung nasa harapan na siya ng locker niya, tiningnan muna niya ito bago inopen.

Inopen na niya yung locker niya. Pag-open niya sa locker niya, yung mga palaka ay nagsitalunan.

Alam niyo ba kung anong nangyari kay Ami ngayon? Ayun, nakaupo sa sahig habang umiiyak. Inaalis niya yung palaka sa katawan niya dahil may iilang palaka na tumalon sa kanya kaya siya napaupo. Kawawa naman. Pero kung mabait pa lang ako ngayon, kanina ko pa yan siya tinulungan pero sorry siya dahil naging maldita at mataray ako.

Lumabas na ako sa tinataguan ko at hinarap siya. Pagkaharap ko sa kanya, humarap naman siya sakin habang nakatakip yung bibig niya gamit yung kamay niya habang umiiiyak. Kawawang bata!

"Oh, ano ka ngayon?" Sabi ko sa kanya. "Di ko alam na takot ka pala sa palaka-- ayy alam ko pala na takot ka. Ang sinasabi ko lang ay, di ko alam na ganyan pala ang reaksyon mo kung makakakita ka ng palaka. Kawawang nilalang ka naman. Umiiyak dahil sa palaka." Sabay irap.

"Kung mabait lang ako, kanina pa kita tinulungan pero dahil naging mas pinaka magandang maldita ako, wala na akong time para tulungan ang isang pulubi na katulad mo." Tiningnan ko siya ng naka sad face. "Alis na ako. Ingat ka diyan. Sulitin mo 'tong araw na kasama ang mga kapamilya mo. Bye." Sabay hairflip at irap. Pretty ko kaya.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon