MSR 31

84 1 0
                                    

Zam's POV

"Oh ano? Kaya mo pa ba? Kaya mo pa bang hindi nakakausap si Kade?" Tanong sakin ni Sharmaine.

"Kakayanin ko." Sabi ko.

"Bes, tatlong araw na. Tatlong araw ka ng nakakulong sa kwarto mo. Ngayon ka nga lang naka alis bahay niyo dahil pinilit ka namin ni Sharmaine." Sabi ni Yza.

Tatlong araw na kasi akong iyak ng iyak. Hindi ako lumalabas ng bahay. Nagkukulong ako sa kwarto ko. Sa dalawang araw na pagkukulong ko sa kwarto, nagpupumilit si Kade na kausapin ako pero sinabihan ko yung mga maids na hindi siya papasukin dahil ayaw ko siyang makausap. Pero sa pangatlong araw, akala ko darating siya. Pero akala lang pala. Akala ko mageeffort siyang pumunta dito sa bahay para kausapin niya ako pero sumuko agad siya. Tangina masakit yun no! Umasa kang darating siya pero wala. Walang Kade na pumunta. Tangina!

"Ayaw mo ba talagang makausap si Kade?" Tanong ni Sharmaine sakin. Humarap ako sa kanya.

"Gusto ko... Gusto kong maka-usap siya. Pero anong magagawa ko. Masakit pa rin eh. Masakit pa rin yung ginawa niya." Sabi ko. Naluluha na nga yung mata ko pero nilabanan ko.

"Diba nga, dalawang araw siyang pumunta sa bahay niyo para makausap ka. Pero anong ginawa mo? Sinabihan mo yung mga maids niyo na bawal papasukin si Kade. Hinayaan mo yung sarili mo na masaktan ka kahit gusto mo na siyang maka-usap."

"Dalawang araw nga siyang pumunta sa bahay. Pero pumunta ba siya sa pangatlo? Wala diba? Dahil ano? Dahil pagod na siya? Dahil ayaw na niya?" Tumingin ako sa malayo at dun na pumatak ang mga pisting luha mula sa mga mata ko.

"Hindi siguro bes. Wag ka namang mag-isip ng ganun. Siguro, napagod lang siya kaya hindi siya nakapunta." Sabi ni Yza.

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Tangina naman Yza! Napagod?! Napagod siya kaya hindi siya nakapunta?! Kung mahal niya ako, mageeffort siya na puntahan ako, mageeffort siya para makausap ako. Pero ano? Wala! Hindi siya nageffort na puntahan ako para makausap ako, Hindi siya nagtiis! Dahil ano? Dahi sa potang inang pagod na yan?! Tangina lang talaga!" Sabi ko at pinahiran ko yung luha ko gamit yung kamay ko.

"Hay! Wag na nga lang natin siyang pag-usapan. Lalo ka lang nasasaktan. Mabuti pa't magplano nalang tayo kung saan tayo magbabakasyon." Sabi ni Sharmaine.

"Oo nga! So ano? Saan tayo pupunta? Dali! Excited na ako!" Sigaw ni Yza na para bang hindi na siya makapaghintay.

"Hindi ko pa nga alam eh." Sabi ni SHamraine habang nagkakamot sa ulo. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw naka-isip pero hindi mo alam kung saan tayo magbabakasyon. Wag mo nga kaming gaguhin Sharmaine." Sabi ko.

"Saan ba gusto niyo? Sa Palawan? Boracay? Bohol? or ano?" Sabi ni Sharmaine.

"Uhmm. Ayoko diyan. Gusto ko sa iba naman." Sabi ko.

"Oo nga." Sabi din ni Yza.

"So saan nga?" Tanong ulit ni Sharmaine.

"Hindi ko alam." Sabi ko.

"Ako rin. Hindi ko rin alam." -Yza.

"Ewan ko sa inyo! Wag na nga lang muna natin yun pag-usapan." Sabi ni Sharmaine at uminom na ng coffee.

Ahh oo nga pala. Nandito kasi kami ngayon sa isang cute at unique na coffee shop. Kulay pink yung shop nila at mala nature yung loob dahil maraming plants. Tahimik lang dito dahil kunti lang yung tao.

"Bilisan mo nga diyan Sharmaine! Para makaalis na tayo dito. Gusto ko pang maglakad lakad." Sabi ni Yza na parang hot na hot na siyang maglakad.

"Wait lang! Bwisit!" At inubos na niya yung coffee niya. Pagkatapos niyang maubos yung coffee niya ay lumabas na kami. Naglakad lakad lang kami. Trip lang nito ni Yza. Hindi ko alam kung anong naisip nitong Yza at nagpaisip isipan niyang maglakd lakad. Well, okay lang naman sakin dahil hindi naman mainit yung panahon. Hapon na rin kasi tapos kunti lang din yung mga taong naglalakad kaya okay lang. At tsaka, ayoko munang isipin yung problema namin ni Kade. Gusto ko munang pasayahin ang sarili ko.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon