MSR 36

84 1 0
                                    

Zam's POV

"Br-b-Brian?" Utal utal na sabi ko dahil sobrang gulat sa nakita ko. Oo, si Brian nga yung tumawag sakin. Si Brian yung kasama ni Mommy and Daddy. Si Brian, yung ex ko. Si Brian na nanloko sakin. Si Brian na iniwan ako na walang rason. Pero WHAT THE EFF!! Anong ginagawa niya dito?!!


Naalala ko nanaman yung ginawa niya sakin dati. Hindi ako umiiyak! Naalala ko lang pero hindi ako umiiyak. Hindi ko alam pero parang nadikit yung heels ko sa semento at hindi ako makagalaw. Tengene!!! Bat siya nagpakita?!! At yung mas worst pa, dito pa sa pamamahay namin!


"Anong ginagawa mo sa pamamahay namin?!" Galit na sabi ko. Hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Naging maldita ako dahil sa kanya. Naging ganito ako dahil sa kanya. Pero ngayon lang siya nagpakita! So anong ieexpect niya? Maging mabait ako sa kanya? Toung in a!! Pota siya! Sorry, pero lumalabas yung bad side ko ngayon dahil nakita ko yung tarantadong mukha niya.


"Baby." Tawag sakin ni Mommy. Humarap naman ako kay Mommy. "Huminahon ka lang anak." Sabi niya.


"Mommy! Huminahon ako?! WHAT THE EFF MOM!! Hindi ko kayang huminahon sa harapan ng taong nanloko at nangiwan sakin sa ere! Baka nakalimutan niyo kung anong ginawa ng lalakeng yan sakin dati!" Hindi ko na kaya! Pati si Mommy, natatarayan ko na rin.


"Anak!! Ayusin mo yang pananalita mo!" Sabi ni Daddy. Tumingin ako sa kanya at napanganga. Nakatayo pa rin si Brian pero hindi nagsasalita, nakayuko lang siya.


"Daddy!! Ano ba kayo?!! Bat niyo ba ako pinagtutulungan?!! Dapat nga, ako yung tinutulungan niyo ngayon eh! Sino ba yung anak niyo? Him? Diba ako?!!"


"Yes baby. A-anak namin si Brian. Kapatid mo siya." Sabi ni Mommy.


Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Mommy. Tumawa ako kahit na tumutulo na yung luha ko. "Ano ba Mommy!! Ang galing mong magjoke." Sabi ko pero seryoso lang yung mukha ni Mommy kaya natigil na ako sa kakatawa. Lumapit si Mommy at Daddy sakin at hinawakan ni Mommy yung dalawang kamay ko.


"Hi-hindi kami nagbibiro anak.... Totoo ang sinabi namin sa'yo." Naluluhang sbi ni Mommy. Pati na nga rin ako eh. Tumulo lalo yung luha kasi nakikita kong lumuha si Mommy at lumabas lahat ng sakit na ginawa ni Brian sakin.

Tinanggal ko yung kamay ni Mommy na nakahawak sa dalawang koamay ko at pinunsan ang mga luha ko.


"Tangina!! Ano ba! Seryoso 'tong pinag-uusapan natin tapos magjojoke kayo na kapatid ko siya?! Hindi magandang biro yan Mom!! Yung ex ko magiging kapatid ko?!! What the fuck!!" Sabi ko. Lumapit sakin si Daddy at sinampal ako.


"Dahan dahan ka sa pananalita mo ha!!! Baka nakakalimutan mo na kami yung magulang mo?!" Sabi ni Daddy habang hawak hawak ko yung pisngi ko kung saan ako sinampal ni Daddy.


Tumulo na ang luha ko dahil sa pangyayari. Hindi ko alam na magagawa ni Daddy sakin yun. Hindi ko alam na magawa niyang sampalin ako. Bullshit!! Ang sakit!!! Ngayon lang niya ako nasampal. Marami ng nakasampal sakin pero ngayon ko lang naramdaman na ang sakit pala kapag yung magulang mo na ang gumawa nun.


Tumingin ako kay Daddy habang nakahawak pa rin sa pisngi ko habang tumutulo yung luha ko.


My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon