MSR 20

116 3 1
                                    

Zam's POV

Today is the day na magiging kawawang baboy ang isang Kathlaine Hanly. 

Sinabunutan niya ako, Pinahiya sa lahat ng tao sa school, at sinampal sa harap ng maraming tao.. Pwes hindi ako magpapatalo. Ang isang Zam ay hindi nagpapatalo. Gagawin ko lang naman ang ginawa niya din sakin. Maghintay ka talaga Kathlaine. Sinira mo ang kagandahan ko. Pwes sisirain ko din ang buhay mo.

——-

"Class, May ipapakilala akong new student dito sa Hanly University na ngayon ay magiging kaklase niyo in one year." Sabi ng malanding adviser namin at humarap sa new student na nasa labas  na hindi namin nakikita at senenyasan siyang pumasok na. Nung pumasok na ang new student ay pumunta siya sa harapan at ngumiti sa lahat ng kaklase namin. "Tss. May pangiti ngiti pa ang mokong. Eh hindi naman gwapo." Mahinang sabi ko sa sarili ko.

"Ang ingay mo bestfriend. Nakikita mong naglalaway ako dito sa kagwapuhan niya." Sabi ni Sharmaine. "Yan? Gwapo? Gumanda ka muna bago siya maging gwapo." Sabi ko at inirapan siya.

"Shh. Wag nga kayung maingay." Mataray na sabi ni Ami samin kaya tumahimik na rin kaming dalawa.

"Hi everyone. I'm Kade Clifford. I'm transferee and I hope na maging kaibigan tayong lahat. Thank you." Sabi ni Mr. Mayabang sa lahat at ngumiti pa talaga. Halatang nagpapagwapo sa lahat ng babae dito sa classroom. Mayabang talaga.

Lahat naman ng babae sa classroom ay nagsisigawan, nagkukulitan, at binubugbug ang katabi dahil sa ngiti ni Kade. HUH! The F! Dahil lang sa ngiting yun, magkakaganyan na sila. How poor.

"Pwede ka ng humanap ng upuan mo Kade." Sabi ng malandi naming Adviser at ngumiti pa. Malandi talaga. "Okay Maam." Sabi nito at nagsimula ng maghanap. Nakita ko siyang dahan dahang naglalakad papunta sa likod at kumuha ng arm chair at pinwesto sa likod ko. Really? Sa likod ko talaga. Alam ko nanaman kung bakit sa likod ko siya nakaupo. Syempre para mang-asar sa isang diyosa ng lahat ng diyosa. Kaso may kunting sugat pa at pasa dahil sa ginawa ni Kathlaine nung nakaraang araw.

"Hi Ms. Mataray. Pumasok ka na pala. Nice seeing you here. Mukhang magiging maganda 'tong school year ko dito sa school ha." Sabi niya sakin habang nakaharap sa akin pero hindi ako nakatingin sakanya. Alam ko lang talaga na nakatingin siya sakin. Alam niyo na. Maganda kasi. 

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay "Obvious naman diba na pumasok na ako? Alangan naman na lumabas ako. Common sense naman o." At inirapan siya at binalik ang atensyon ko sa adviser naming malandi.

Ilang minuto na ang nagdaan ng biglang may demonyang babae na nakatayo sa pinto. "Im late." Sabi nito. "Saan ka galing?" Sabi naman ng malanding adviser namin sa malanding babae na nasa pinto.

"It's none of your business." Sabi nito at inirapan ang malandi naming adviser. Nagsimula na siyang lumakad at umupo sa upuan niya.

"You don't know how to respect a teacher, Ms. Kathlaine?" Galit na sabi ng adviser namin.

"No" Walang ganang sagot ni Kathlaine sa adviser namin. "Ikaw? Marunong ka bang gumalang sa anak ng may-ari ng paaralan na ito?" Sabi niya. Kaya yung galit na mukha ng adviser namin ay napalitan ng gulat. Ipinatuloy nalang niya yung pagtuturo kasi baka mapaalis siya ng wala sa oras.

Tumingin sakin si Kathlaine at tinaasan ako ng kilay kaya binigyan ko din siya ng nakakatakot na ngiti. 

Gawin mo na ang gusto mong gawin. Baka mamaya hindi mo na magagawa yun.

Nagbell na sign na tapos na ang pagtuturo at recess na namin at syempre ngayon ko din ipapakita sa kanya ang Sexy Revenge ko. Kami nalang ni Sharmaine, Ami at Kathlaine ang naiwan sa classroom kaya ngayon ko na uumpisahan ang gusto kong gawin.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon