MSR 2

414 14 13
                                    

Zam's POV

Dala dala ko parin yung ngiti habang naglalakad papuntang classroom.

Ngiting dahil sa eksenang nangyari kanina sa cr. Ang panget pa naman niya kapag ngumanganga siya. Like Duuh.

Nung nakarating na ako sa room namin. Taas noo akong pumasok sa classroom. Ganun parin ang expression nila. Nakanganga dahil sa ganda ko.

Wala pa namang teacher.

Umupo ako sa pinakadulo para pwede akong matulog kapag boring yung class.

Nung nakita ko na may nakaupo na babae sa gusto kong upuan, tiningnan ko siya ng masama.

"What?" Tanong ng babae na nakaupo sa favorite seat ko.

"ALIS!" Taas kilay kong sabi.

"What?!"

"I said, umalis ka sa gusto kong upuan." Sabi ko. pero hindi siya nagsalita.

"Gusto mong ako pa ang kakaladkad sa'yo para umalis ka diyan? Ano ka sineswerte? Kaya alis!" Sigaw ko sakanya kaya umalis naman siya. Mabuti nga.

Umupo na ako katabi ni Sharmaine. Like Duuh. Dapat palaging magkatabi ang mga magaganda. Siya yung pinakadulo, katabi niya yung wall at window tapos ako naman ay katabi niya tapos ang katabi ko sa right side ay yung mga gamit namin.

Few minutes later, may babae ng nakatayo sa pintuan. Yung ahas lang pala na pagala gala.

"Hay! Bakit may nakapasaok dito na ahas! Dapat pinapatay sila kasi nakakaperwisyo sila sa buhay ng mga magaganda!" pagpaparinig ko sa bruhang babae.

"Ako ba ang pinaparinggan mo?" Tanong niya habang lumalapit sakin. Tumayo ako para harapin siya.

"Oh! Andyan ka pala! Bakit? Natamaan ka ba? Kung natamaan ka, sorry ha. I didn't saw you kasi." mataray kong sabi sa kanya na nasa harapan ko na. Naririnig ko yung pagpipigil na tawa ni Sharmaine dahil sa ginawa ko.

"You know, hindi ko naman kasalanan na mas maganda ako ehh. It's just that. Mas maganda lang talaga ako sayo." Sabi niya. Nakita ko naman na lahat ng kaklase namin ay nakatingin lang samin.

"Maganda ka na sa lagay na yan? Don't you think na masyado na yatang napapadami ang hangin sa ulo mo?" Sag8ot ko.

"Totoo naman eh. Kaya ka nga iniwan ng boyfriend— I mean ex boyfriend mo dahil I'm more beautiful than you." at nag smirk pa siya.

"Don't you worry. Okay lang naman sakin. Actually I'm happy kasi kinuha mo siya sakin kasi ngayon ko lang napagtanto na hindi pala kami bagay. Hahaha."

"Oo! Kasi kami yung bagay kaysa sayo."

"Oo nga eh. Bagay na bagay nga kayo eh. Basura ko siya, basurahan ka naman. Kaya bagay na bagay kayo!" inirapan ko siya pero binalik ko ulit yung tingin sa kanya. "Alam mo kung bakit ako iniwan ni Brian? Kasi dati boring lang ako at nerd. Pero ikaw, iniwan ka ni Brian dahil panget ka. Panget na nga yung mukha, panget pa yung ugali. Tss."

"Uggh, You bitch!" galit na sabi niya. Hahahaha para siyang monggoloyd.

"I'm not a bitch, 'cause I'm the super bitch. umalis ka na nga. Bago pa ako makapatay ng ahas."

"F*ck you!"

"Oh wag kang pikon. Halata ka masyado. Sayang naman yang make-up mo. Yan pa naman yung nagbibigay liwanag sa walang kwenta mong mukha. Oooops. Sorry ha nadulas lang ako."

"HOW DARE YOU?!" akmang sasamaplin ako pero nahawakan ko agad yung kamay niya.

"Hep. Sino ka para ilapit ang madumi mong kamay sa 'Oh so gorgeous face' ko?! Ay oo nga pala. Ikaw pala yung basurahan na kumupkop sa basura na itinapon ko. At ikaw lang naman yung pilit na sinisiksik ang sarili sa lovelife ng iba. Inggit lang kasi siya kasi walang nanliligaw sa kanya. Ang panget kasi."

"Sobra ka na ha!"

"Sobra?! Ang exaggerated mo mag-isip ha! Wala pa nga ako sa kalahati ehh. Pero don't worry, this will be the last for today. Hindi ko kasi sinasayang ang precious time ko para sa mga walang kwentang tao."

"What did you just say?!"

"Basurahan na nga, Idiot pa. Wag ka na kayang mag-aral. Sayang lang yung perang ginastos para sa tuition mo. Bitch please! Wala na talaga akong time para sa walang kuwentang taong tulad mo. Do you mind na umalis? Napaka-PANGET mo na kasi. Baka malalaman namin na may virus ka pala. Ewww."

"Uggggggggggggggggggh." sigaw niya at umalis na papunta sa upuan niya. Wahahahahahaha. SPEECHLESS! Pumapatol kasi sa maganda. Alam naman natin na palaging panalo ang mga magaganda kaysa sa mga panget tulad niya. Kaya ayun, nakatikim siya ng kahihiyan.

-----

Nandito ako sa kiosk habang hinihintay si Sharmaine habang sini-sway ang paa. Tagal niya kasi eh. Alam naman niyang hindi pinaghihintay ang mga maganda.

Ilang minuto ay may bwisit na babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko. Dala dala niya yung phone niya.

"Sorry Bestfriend kung matagal akong nakapunta dito. Sorry din dahil aalis na ako. Tinawagan kasi ako nina Mommy at Daddy na uuwi na daw ako kasi darating daw sina Grandma at Grandpa sa bahay." Sabi niya.

"Wow lang. As in WOW. Ang tagal kong naghintay sa'yo. Kulang na lang sirain ko tung kiosk na 'to sa sobrang tagal mo tapos ngayon na nandito ka na iiwan mo na agad ako. WOW TALAGA."

"Sorry. Alis na ako. Bye." Nag flying kiss muna siya bago tumakbo papunta sa parking lot. Tss.

Bwisit talaga to oh! Iniwan ako mag isa. Bwisit.

Tumayo nalang ako at naglakad lakad muna, pampaalis ng stress. Habang naglalakad ako, nakita ko yung lalaking tatargetin ko para sa revenge ko. 

Lumapit ako sa kanya at tumabi sa pag-upo.

"Hi Arvin." Sabi ko sa kanya. Dati, hindi ako kumakausap sa mga lalaking strangers pero dahil isa siya sa mga plano ko, gagawin ko kahit di ko gusto. 

"H-hi Za-zam." utal utal niyang sabi. Halatang nagulat siya kasi kilala ko siya. 

"Pwede bang makipagkwentuhan sa'yo? Nabobored kasi ako eh." YUCKS! Nakakadiri naman tung ginagawa ko. Shit!

"Sure." 

Nagkwentuhan lang kami ng nag kwentuhan. Tawa naman siya ng tawa tapos ako plastic na tumatawa. Wala naman kasing nakakatawa. Parang ineenjoy na nga niya tung conversation namin eh. Mabuti, para mas mabilis akong maka revenge kay Ami. Wahaha.

"Uhm. Alis na ako. Gumagabi na kasi eh. Sige Bye." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Pero alam kong ilang segundo ay tatawagin niya ako.

"Wait Zam..." Hahahaha. I knew it.

Humarap ako sa kanya bago nagsalita. "Yes?"

"May I have your number?" tanong niya sakin.

"Oh sure." Lumapit ako sa kanya at kinuha yung phone niya para ilagay yung number ko.

"Thanks." Sabi niya.

"You're Welcome." At  umalis na ako dala dala ang ngiti sa labi ko.

Mag handa ka Ami sa gagawin ko. Hindi mo na ako kilala. Gagawin ko na kung anong gagawin ko. Masasaktan ka talaga ng Sobra.

****
Hi BLACKSTARS! Please like my page. StarDelicious po yung name ng page. May mga quotes po doon na pwede niyong makuha. And some advice.

Follow niyo rin po ako sa Instagram. ~~> STRDLCS

Add niyo din po ako sa Facebook.
~~~> Cydel Justin Granada

Thank you BLACKSTARS!

Vote and Comment.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon