MSR 3

339 15 6
                                    

Zam's POV

Ilang araw na ang nagdaan at ganun parin ang ginagaw ko sa buhay ni Ami. Laging sinisira. Nakakabored na nga minsan eh kasi speechless siya minsan sa ginagawa ko. Walang kakwenta kwenta. Tulad ng mukha niya.

Saturday ngayon at nandito lang ako sa boring kong room. Ako lang ang nandito sa bahay kasama yung mga maids. Sina Mom and Dad? Ayun, Busy sa business nila. Para na nga silang walang anak eh sa sobrang busy nila. Parang minsan, nafefeel ko na wala akong mom and dad. Pero iniisip ko rin na para sa akin ang lahat ng pinagsisikapan nila.

Tumayo ako sa malambot kong higaan. Naligo muna ako tapos nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at tumungo sa dining. Umupo na ako at tinawag yung maid. Ilang segundo ay nasa harap ko na siya.

"Yes po maam." sabi nung pangit namin na katulong. Hays. Lahat naman ng mga katulong dito ay puro mga panget. Except sa isa, yung pinakaclose na pinakabwisit sa lahat ng yaya dito. Si yaya Jaisy.

"Kakain ako. BILIS!" Sabi ko. Nagdali dali naman siyang pumunta sa kusina para ipaghanda ako ng makakain.

Ilang minuto ang nagdaan, wala parin yung inutusan ko ng kakainin ko.

"Ito na po yung pagkain niyo." Sabi nung babae na nasa harapan ko pero hindi ko siya tintignan dahil galit ako sa kanya. Ang tagal kasi. Kung pwede lang na i'fired tung bwisit na katulong, ginawa ko na. Pero hindi ko magawa kasi si Dad at Mom lang ang pwedeng gumawa nun.

"BA'T ANG TAGAL MO. ALAM MO BANG ILANG MINU-" Naputol yung sinasabi ko nung napaharap ako sa babae na dala dala yung pagkain ko. Totoo ba 'tong nakikita ko. Hindi ba ako nananaginip.

"Oh 'bat napatulala ka diyan?" Tanong nung babae na nasa harapan ko. Natulala ba ako? Oo nga, natulala nga ako. Pero kahit tulala ako, maganda parin ako. Di tulad ng iba diyan na panget na nga maging tulala panget parin kahit hindi na siya natulala.

"I-ikaw ba yan. Ya-yaya J-jaisy?" Tanong ko.

"Hindi hindi. Ikaw tung nasa harapan mo. Gusto mo? Syempre ako to. Alangan namang multo ako." sabi niya at nilagay na yung pagkain sa table.

"Ikaw nga!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun rin yung ginawa niya sakin.

"Namiss mo talaga akong panget ka." Sabi niya. Inalis ko yung pagkayakap at tiningnan siya ng masama.

"Sinong panget ang sinasabihan mo? Me? Sa ganda kong 'to, maging panget pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Oshasha, kainin mo na tung pagkain mo. Alam kong magma-mall ka ngayon." Hays kilala niya talaga ako.

Siya lang naman si Yaya Jaisy. 1 year ko na siyang naging yaya. 5years lang yung gap namin. Nakapagtapos na rin siya ng pag-aaral. Siya yung pinakaclose kong katulong dito. Kaya sinabihan ko si Dad na maging yaya ko nalang siya. Ayoko kasi sa ibang katulong dahil nakikifeeling close sakin para maging reyna reynahan sa mga katulong dito sa bahay. Pero iba si Yaya Jaisy, Nakita ko sa kanya yung sikap niya. Hindi yung reyna reyna lang. Kaya naging close kami, parang magkapatid na rin yung turing namin sa isa't isa. Only child lang kasi ako eh. Pero dumating yung panahon na umalis siya sa bahay ni hindi man lang nagpaalam. Pero ngayon, nandito na siya sa harapan ko.

Pagkatapos kung kumain. Pumunta agad ako sa cr at nag toothbrush. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng bahay at pumunta sa car ko. Nung nasa car na ako, pinaandar ko na agad yung engine at nagsimula ng magdrive. May license

*PARK*

Naglalakad ako dito sa park. Nakakabored naman dito. Pagkatapos ko kasing pumunta sa mall ay pumunta agad ako dito. Ewan ko din kong bakit ako pumunta dito. Like Duuh.

Habang naglalakad ako may nakita akong babaeng katulad ko dati na nerd na nakaupo habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako lumapit sa kanya at tinabihan siya sa pag-upo. Naaawa siguro ako? Kailan pa ako naawa. Tss.

"Hoy ikaw babae, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot. Iyak parin siya ng iyak.

"Ang sarap mong kausap girl. Napakasarap. Salamat sa sagot ha?" sabi ko. Lalakad na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Ate, naranasan mo na bang masaktan dahil sa pag-ibig?" Aba! Pag-ibig topic natin ngayon ah.

Tumabi muna ako sa kanya bago nagsalita. "Oo. Bakit?"

"Masakit no? Sobrang sakit. Tulad ng... naranasan ko ngayon. Parang sa-sabog... na yung puso... ko sa sobrang sakit." Sabi niya habang umiiyak.

"Bakit? Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ko. Kailan pa ako nagtanong sa mga problema ng mga taong hindi ko naman kilala? Ngayon lang ata. Aba! HIMALA!

"Nakipag break kasi yung boyfriend ko ngayong araw eh. Dito mismo sa park. Sabi niya hindi na niya daw ako mahal dahil may mahal na daw siyang iba. Alam mo kung sino yung pinagpalit niya sakin? Yung bestfriend namin dalawa. Ang sakit diba? Sobrang sakit." Sabi niya. Parang naiiyak ako sa sinabi niya.

Same lang kasi kami ng naranasan. Yung panahong iniwan ako ni Brian, yun din yung panahon nung nalaman kong may girlfriend na siya. At yung Bestfriend ko pa - I mean Ex bestfriend. Iyak din ako ng iyak tulad ng babaeng nasa tabi ko. Kapag titingin ako sa kanya parang naalala ko yung sakit na naranasan ko dati.

"Pero ang mas pinaka masakit ay nakikita mo sila ngayon na masayang masaya." sabi niya.

What?! Ngayon?! Nakikita niya yung Ex niya kasama yung bestfriend nila. at masaya pa sila. Ano 'to? Ginagagawang mga tanga yung mga babaeng hindi malandi.

"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Anong gagawin ko?" Sabi niya.

"HAY! Tanga ka ba o nagtatangatangahan?! Titingnan mo nalang ba silang masaya habang ikaw na nandito na nakaupo habang umiiyak? 'Wag kang tanga kung sino ka man. Dapat gumalaw ka. Dapat ipakita mo sa kanila na hindi ka nasaktan nung nakipagbreak yung ex mo sayo. Ipakita mo sa kanila na matatag ka. Na okay lang sayo. Wag kang magpapatalo. Ipakita mo sa bestfriend niyo ng ex mo na mas maganda ka kaysa sa kanya. At ipa-appreciate mo sa ex mo yung salitang sayang dahil iniwan ka."

Nakita ko yung gulat na mukha niya sa sinabi ko. Ayoko kasing inaapi lang yung mga tulad ko dati. Lalo na kapag niloko lang sila ng isang lalaki. Ako pa mismo ang papatay kung sino man yung lalaking sumakit sa mga nerd na tulad ng babaeng katabi ko ngayon.

"Wait.. Bago mo sila harapin. Kumalma ka muna." Sabi ko.

Dinala ko siya sa cr dito sa park. Yes. May cr yung park.

Ilang minuto rin ang nagdaan bago nawala yung mga luha sa mga mata niya. Ayun, kunting make-up lang at kunting preparation may makakatikim din ng isang revenge tulad ng sakin. Pero mas grabe lang yung sakin. At walang sinuman ang gagaya sa ginawa ko.

Ibinigay ko sa kanya yung damit na binili ko sa Forever 21. Okay lang. Kunting barya lang naman yun ehh. Pagkalabas niya sa cr, parang nahihiya siya sa sinout niya kasi pang sexy yung ipanasuot ko sa kanya ehh. Pero infairness, maganda talaga siya.

"Lagyan lang kita ng lipstick." Pagkatapos kung nilagay ang lipstick sa maganda niyang labi, tinanggal ko yung salamin niya at inayos yung hair niya.

"PERFECT!" Sabi ko sa kanya. " Oh ano? Ready ka na ba sa scene mo?"

"Ready."

-----
Hi readers! Thank you sa pagbabasa. Sana ipagpatuloy niyo qng pagbabasa ng My Sexy Revenge.

Please like my page. StarDelicious po yung name ng page. May mga quotes po doon na pwede niyong makuha. And some advice.

Follow niyo rin po ako sa Instagram. ~~> STRDLCS

Add niyo din po ako sa Facebook.
~~~> Cydel Justin Granada

Thank you BLACKSTARS! (Name ng mga readers) Hehehe.

Vote and Comment.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon