MSR 25

103 3 1
                                    

Zam's POV

Ang bilis bilis naman ng panahon. Thursday na ngayon at ngayong saturday na ang birthday ng hampaslupa kong bestfriend. Ano bang ireregalo ko sa kanya, Siguro coffin nalang para maging masaya na siya sa empyerno o di kaya --- Hays. Ewan ko. Inaantok na ako. Bukas nalang ako bibili ng regalo para masaya. Ano daw? 

Nandito kami ngayon ni Sharamine at Ami sa private room. Dismissal kasi kaya nandito kami. Himala diba kasi nandito ngayon si Ami? Tss.

"Zam, punta tayo sa bar mo. Inuman tayo ni Ami. Nabobored na kasi ako dito eh." Sabi sakin ni Sharmaine. 

"Iinom ka na nga lang isasama mo pa ako. Ano ka bata para samahan? Hoy! Gumising ka. Malaki ka na. Kaya mo ng uminom mag-isa o di kaya kayo nalang dalawa ni Ami ang mag-inoman." Sabi ko sa kanya at inirapan.

"Tss. Ayoko nga. Baka pagalitan ako ni Arvin dahil naglalasing ako. Ikaw nalang uminom mag-isa Sharmaine. Tama nga naman si Zam, malaki ka na. Kaya mo ng uminom mag-isa. Wag ka ng mandamay ng maganda." at inirapan din si Sharmaine. Aba't gaya gaya 'tong gaga na to ha. Bwisit. Pasalamat siya, inaantok ako ngayon. Kundi papatayin ko talaga to.

"By the way. Alis na ako guys. Inaantok na ako. Gusto ko ng matulog. Gusto ko munang magpahinga. Bahala na kayo dito. Aalis na kako." Sabi ko sa kanila.

"ANOOOO?! Inaantok ka na? Gusto mo ng matulog? Gusto mo ng magpahinga? Mamatay ka na ba Zam? Bakit ka nagsasalita ng ganyan. Iiwan mo na ba kami? HA? Kung mawawala ka, ako na ang pinakamaganda sa buong mundo. Pero bakit ka mamatay, may taning ka ba? Sabihin mo. SABIHI-" Sabi ni Sharmaine pero hindi niya napatuloy dahil binatukan ko siya. Bobo kasi.

"Ano bang pinagsasabi mo. Ginagago mo ba ako? Anong mamatay. Me? Huh! No way. Hindi mamatay ang pinakamaganda, pinakasexy, at pinakahot na babae sa buong mundo no. At kahit na mamatay man ako, hindi mo mapapalitan ang trono ko. Ano ka? Siniswerte? Tss." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw kasi eh. Kung makasabi ka ng, Inaantok na ako. Gusto ko ng matulog. Gusto ko munang magpahinga, parang namamaalam ka na. Parang mamatay ka na." Sabi ni Sharmaine sakin.

"Sabihin mo talaga na bobo ka at hindi mo naintindihan ang sinabi ko." At inirpan na siya at umalis na sa private room namin. Tinawagan ko si Manong Allen na magpapasundo ako ngayon dahil wala ako sa mood mag maneho dahil inaantok ako.

Ilang minuto ang nagdaan at nandito na si Manong Allen at sumakan na agad ako sa Backseat. "Hatid mo na ako sa bahay Manong." Sabi ko sa kanya at ipinikit ko na ang aking mga mata.

"Himala Maam Zam, nagpahatid po kayo." Sabi ni Manong Allen sakin.

Idinilat ko ang kanan kong mata. "Inaantok kasi ako. At manong, simulan mo na ang pagmamaneho at wag ka ng magtanong pa dahil inaantok ako. Gisingin mo nalang ako kung nasa bahay na tayo." Sabi ko sa kanya at ipinikit na ulit ang kanang mata ko at natulog na.

Ilang minuto rin ang nagdaan at namalayan ko na huminto na yung sasakyan. 

"Maam Zam, Nandito na po tayo sa mansyon niyo." Sabi ni Manong Allen.

Bumaba na ako sa sasakyan at taas noo akong naglalakad papunta sa mansyon namin. Pagpasok ko sa manyon namin, binati agad ako ng bruhang yaya ko. Si Yaya Jaisy.

"Hi Zammy Dear. Maaga ka ata? May problema ka ba?" Tanong niya sakin. 

"Oo. Yung pagmumukha mo." Sabi ko sa kanya..

"Ang hard!" Sabi niya at iniwan ko na siya doon sa sala na naglilinis. 

Pumunta na agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Gusto kong matulog. Di ko alam basta inantok nalang ako bigla. Magbbeauty rest muna ako. 

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon