MSR 21 FOREVERALONE

112 3 1
                                    

Zam's POV

Move on. It's just a chapter in the past. But don't close the book. Just turn the page.

Tama nga naman siya. Bakit ko naman iisipin ang past. Hindi naman makakatulong ang past sa future diba? Dapat ko na talagang kalimutan ang nakaraan at mabuhay ng normal. I can't have a better tomorrow if I don't stop thingking about the past. Kaya kailangan ko na talagang kalimutan ang nakaraan. Kalimutan si Brian. Kalimutan ang pangloloko niya sakin dahil hindi ko naman magagamit yun sa buhay ko kung lagi ko lang yun iisipin.

Tama nga si Kade. Dapat mag move on na ako. Dapat buksan ko na ang puso ko. Dapat hindi na puro galit at sakit ang laman ng puso at isip ko. Dapat marunong na akong umintindi. Dapat marunong na akong makinig. At dapat marunong na akong makalimot sa nakaraan. 

"Hoy, okay ka lang?" Tanong sakin ni Sharmaine. Kaya tumango lang ako bilang sagot. "Pero parang hindi eh. Namamaga yung mata mo eh. Umiyak ka ba?" tanong niya ulit. Pero umiling lang ako.

"Hayaan mo muna siya Sharmaine. May iniisip yan. Wag mo munang pakialaman." Mahinang sabi ni Ami kay Sharmaine pero rinig na rinig ko parin. Pero hinayaan ko nalang silang mag usap.

Ilang araw na rin ang nagdaan pero hindi parin pumapasok si Kathlaine at si Kade. Alam kong hindi pa papasok si Kathlaine dahil sa sobrang pagpapahiya ko sa kanya. Yung pagtapon ko sa kanya ng putik, pagsampal sa maraming tao at yung sinabi ko sa lahat ng mag-aaral na hindi na siya virgin. Sino pa ang may ganang mag-aral sa ginawa ko? Pero sabi naman ni Sharmaine na okay lang siya at nagpapagamot ang bruha at narinig pa ni Sharmaine na babawi daw si Kathlaine sa ginawa ko. Pero hindi ko na yun pinansin. Subukan niya lang bugbugin ako ulit. Ililibing ko talaga siya ng buhay.

Pero si Kade? Bakit ganun? Bakit hindi siya pumapasok? Simula nung nagsagutan kami ay hindi na siya pumasok. Anong nangyari sa kanya? Oo. Alam ko na marami akong binitawan na masasakit na salita pero ang nakakataka lang ay bakit hindi na siya pumasok sa H.U. simula nun. Ganun na ba talaga ako bumitaw ng masasakit na salita? 

Napatigil ako sa pagdedaydream nung may tao na nakatayo sa pintuan. 

"I'm sorry Maam. I'm late." Sabi nung lalake na nasa pinto. Nung naka pasok na siya. Nakita ko yung mukha niya. Mukha ni Kade Clifford.

Naglalakad siya papunta sa upuan niya ng hindi man lang ako pinapansin. Tama nga siguro yung hinala ko na nasaktan siya sa sinabi ko pero bakit hindi siya pumapasok. Ganun na ba talaga ka big deal sa kanya yun? 

"Bakit absent ka ng ilang araw Kade?" Tanong ni Sharmaine kay Kade na nakaupo sa likod ko.

"Uhmm Wala. Nagkasakit kasi ako kaya hindi ako nakapasok." Sabi niya.

Ha? Ano daw? Nagkasakit siya? Nagkasakit siya kaya hindi siya pumasok? 

"Nagkasakit daw sabi niya. Oh ano curious ka pa ba?" Mahinang tanong sakin ni Sharmaine. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit niya nalaman na si Kade ang iniisip ko. May power ba siya kaya alam niya kung ano ang iniisip ko. 

"Halata ka kasi na siya yung iniisip mo. Kung makatitig ka kanina parang wala ng bukas. Tss." At nagsimula na siyang magsulat.

Wow. Ganun na ba talaga kahalata na siya yung iniisip ko. Hindi ko naman siya iisipin kung hindi niya ako winalk-outan. What the.

------

Nandito ako ngayon sa garden at nakaupo sa bench mag-isa. Busy kasi sila Ami at Sharmaine eh. May importante daw silang aasikasuhin. Kaya naisipan ko na pumunta dito sa garden para makapag isip isip.

Lumipas ang ilang minuto ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad ng may nakita akong lalake na naglalakad paalis ng garden. Familiar siya kaya sinundan ko at nung malapit na ako sa kanya, doon ko na nalaman na siya nga yung lalake na kanina ko pa iniisip.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon