MSR 28

109 1 0
                                    

Zam's POV

Monday na monday. Ang landi landi ng kasama ko. Tengene naman oh! Tulungan niyo ako. Parang nirerape ako ng kasama ko.. Ay! Ambisyosang Dyosa.

Nandito kami ngayon sa classroom. Walang teacher, walang epal, walang bitches, walang inggetera. Kaya alam niyo na, Katabi ko si Kade ngayon.

"Zam, Kailan mo ba ako sasagutin?" Ayan nanaman yang tanong na yan. Baka gusto niya hindi ko na siya sasagutin.

"Maghintay ka nga. Tss." Sabi ko.

"Zam. Alam mo ba kung bakit hindi lumilipad ang isda sa hangin?" Tanong saken ni Kade habang naka akbay saken. At heto naman si ako, kilig kilig din para hindi maging malungkot si boyfriend ko. 

"Bakit?"  Pakilig kilig kong sabi.

"Nagtatanong nga ako kung bakit diba tapos itatanong mo sakin kung bakit. Ano ba yan." Sabi niya at inalis yung pagkakaakbay sakin. Aba't.

"Gago ka ha!" Sabay batok sa ulo niya.

"Bat mo ko binatukan?! Sakit nun ha! At sinong gago? Ako? Napakagwapong gago ko naman kung ganun." Sabi niya.

"Bat kita binatukan? Simple lang, nag assume ako na may sasabihin kang corning joke galing sa bibig mo. Bwisit! May pakilig kilig pa akong nalalaman! Bwisit ka talaga!" Sabi ko.

"Wag ka kasing mag assume, ayan tuloy nasaktan ka." Sabi niya sabay akbay sa akin at kiss sa pisngi. Ayan tuloy. Namula ako. Bat ba kasi ang lakas ng tama nitong lalake sakin. Urggh. Nakakainis. Bat hindi ko pa to sasagutin? Eh mahal ko naman siya. Hays wag na nga lang muna. Pahirapan ko muna siya. Hahaha. Bahala siya diyan. Nanligaw siya, panindigan niya yan.

"Ang cute mo talaga kapag nagbublush babe." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Hindi ako nagbublush no! Kapal ng mukha mo... At anong Babe babe ka diyan?! Ew, nakakadiri. Parang ikaw." Sabi ko sabay alis sa kamay niya na naka akbay sa akin. As always. Hahaha.

"Tss. Ewan ko sa'yo." Sabi niya sabay cross arm at tingin sa ibang side. Haha. Pikon. 

"Hoy." Sabi ko sa kanya pero snob. "Joke lang yun no. Ikaw naman para kang ano. Sige na nga. Thank you." Sabi ko sabay kiss sa cheek niya. Kahit corny, ginawa ko para lang talaga sa lalakeng mahal ko.

"Kilig naman ako dun." Sabi niya sakin sabay akbay ulit. Parang ewan din 'tong isang to eh. Idala ko na kaya ito sa mental. Sa mental ni Author.

"Edi kinilig ka. Kailangan pa bang sabihin yun?" Sabi ko sa kanya.

"Bakit bawal ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo." Sabi ko sa kanya sabay irap. 

"Tss. Edi wow." Sabi niya.

Tumayo ako at aalis na sana ng biglang hinawakan ni Kade yung kamay ko kaya humarap ako sa kanya. 

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Alangan naman sa puso mo, edi sa cr. Tss." Sabi ko at aalis na sana ulit pero hinigpitan niya lang ang pagkakahawak sa kamay ko. "Ano ba?" sabi ko pero wala siyang sinagot. "Wag mong sabihin na gusto mo akong samahan sa cr?" Sabi ko sa kanya.

"Pwede ba?" Tanong niya sa akin habang naka taas baba taas baba yung kilay niya. 

"Ew. Mandiri ka nga sa ginagawa mo Kade." Sabi ko sabay alis. Gago siya. Gusto ba namang sumama sa cr at dito pa talaga sa school. Nakakadiri talaga siya. Pwede namang sa bahay eh 'bat dito pa talaga sa school. Ew.

Pumasok na ako sa cr at pumunta ako sa may malaking mirror. Tiningnan ko yung mukha ko kung okay pa ba. Nung nagsawa na ako katitingin sa mukha ko, napagisip isipan ko na ring umalis. Yun lang naman talaga ang sadya ko sa cr eh. Baka kasi ang haggard ko na. Baka pagtawanan lang ako ng soon to be boyfriend ko. At baka tumigil na siya sa pagliligaw sa akin. At baka matuluyan na akong maging baliw kasi kinakausap ko yung sarili. Maka alis na nga.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon