MSR 29

109 1 3
                                    

Zam's POV

Summer na. Graduate na kami. Four months na kami ni Kade. Ang bilis ng araw no? Nung chapter 26, umamin pa si Kade na may gusto siya sakin tapos nung sa chapter 27 naman ay three months pang nanliligaw si Kade tapos sa chapter 28 naman ay nung sinagot ko siya tapos ngayong chapter 29, summer na. Aba magaling.

Ring Ring

Sinagot ko naman agad ang tawag dahil alam ko naman kung sino yung tumatawag. Sino pa ba kundi si Kade lang naman at wala ng iba.

[Good Morning my love. Kamustang tulog mo? Maganda ba?] sabi niya sa kabilang linya.

"Good morning din. Oo. Maganda yung tulog ko tulad ng girlfriend mo, maganda." Sabi ko habang nakangiti.

[Ikaw talaga. Ang taas talaga ng self confidence mo no na maganda ka pero you're right naman. Hindi naman kita magiging girlfriend if you're not pretty right?] sabi niya at narinig ko pang tumawa siya.

"Tss. Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Wala kang katulad. Bwisit!"

[Wala talaga akong katulad dahil ako lang ang nagiisang mahal ng nagiisang goddess na si Zam Vartelejo.]

"Mabuti alam mo. By the way, Hindi ka ba pupunta ngayon dito sa bahay?"

[Mamayang hapon pa ako pupunta diyan.]

"Ah okay. Pupunta nalang muna ako sa bahay nila Ami. Okay?"

[Okay.. Mag ingat ka ha. Baka may masamang mangyari sa'yo. Wala pa naman ako sa tabi mo. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sayo.]

"Ang oa mo."

[Wala akong pakialam kung oa ako basta ang para sa akin ingatan mo lang ang sarili mo ahil mahal na mahal kita.]

"Ew. Nakakadiri kang panget ka!"

[Ew ka diyan. Eh kahit hindi kita nakikita ngayon eh alam kong kinikilig ka dahil sa sinabi ko. At anong panget? Ako? ASA KA!]

"Paano mo nalaman na kinikilig ako? Nakikita mo ba ako?"

[Hindi. Pero nararamdaman ko na kinikilig ka sa sinabi ko.]

"Bat mo naman naramdaman?"

[Dahil mahal kita.]

"Tss. Ang corny mo."

[Gwapo naman.]

"Heh! Ewan ko sa'yo... Sige na, maliligo pa ako."

[Sige na nga.. Bye.]

"Bye."

[I love you Star.]

"I love you too, Sky." At ibinaba na niya. Bumangon na ako at naligo na. Pagkatapos kong maligo, tumawag na ako kay Ami na pupunta ako sa kanila. At tsaka tinawagan ko rin sina Sharmaine at Yza na pumunta sa bahay nila Ami dahil magmomovie marathon kami. Bring your own boylet pa nga daw sabi ni Yza pero hindi naman makakapunta si Kade dahil nagpapahinga pa ang kumag. So kami ni Sharmaine ang walang kapartner. Hays.

"Oh my gosh. Nakakaiyak ang palabas." Sabi ni Yza habang may papahid pahid effect pa siya sa luha niya.

"Oo nga babe. Ang ganda ng story." Sabi naman ni Rappie. Boyfriend niya.

Six na yung napanuod namin na palabas. Puro love story. May iba nga happy ending, yung iba hindi. Yung iba nakakatawa, yung iba naman nakakaiyak.

Tumingin ako kina Ami at Arvin. At ayun, malandi pa rin. Naka akbay si Arvin kay Ami habang nakaholding hands sila gamit yung kamay na nakaakbay kay Ami. At kami naman ditto ni Sharmaine. Heto, nakatingin sa kanila. At least ako, merong boyfriend kaso wala ngal ang dito ngayon pero di ako katulad ni Sharmaine na wala talaga. Hays.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon