MSR 16

150 5 0
                                    

Zam's POV

"Sino kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko. Hala. Bakit iniisip ko parin yun eh wala naman akong kinalaman dun at hindi naman ako yung hinihintay nung lalake na kwenento ni Yza dati. Pero bakit ang lakas ng kutob ko na ako yung hinihintay nung lalake. At kung ako man ang hinihintay nun, sino naman siya? Bakit naman niya ako hinihintay? HAYS. Bahala na nga yun. And wait.. 'Bat ako naging Assumera ngayon?

Wag na nga natin yun pag usapan. CHANGE TOPIC NA TAYO.

Masaya pa rin ako hanggang ngayon dahil nakabawi na rin ako sa ex bestfrind ko. Nararamdaman na niya kung gaano ako nasaktan nung inagaw niya sakin si Brian. At nafefeel na din niya kung gaano kasakit na maiwan ng taong nagmamahal sa kanya.

Alam niyo ba. Kahit ang maldita ko, may puso rin naman ako. Marunong akong magpatawad sa nakakasala sakin at marunong din akong humingi ng tawad kung alam ko na ako yung mali.

Oo. Nasasaktan pa rin ako dahil sa ginawa sakin ni Ami, pero ilang months na rin akong naging maldita sa kanya. Parang gusto ko na siyang yakapin pero hindi dahil galit ako sa kanya at hindi dahil inagaw niya ang mahal ko.

Pero nung nakita ko siyang umiyak dahil naagaw ko na sa kanya yung mahal niya, parang gusto ko siyang patahanin sa pagiyak, pero hindi pa rin pwede dahil nagrerevenge ako sa kanya. 

Oo. Nasakin parin yung mahal niya. Ilang weeks na rin nasakin yung mahal niya na si Arvin at ilang weeks ko na ring hindi nakikita si Ami. Alam kong nagkukulong na siya ngayon sa kwarto niya at umiiyak. Ganon din kasi ako nung panahon na ako pa yung nasa position niya ngayon. 

Bakit siya pa kasi. Bakit siya pa yung nang-agaw. Okay lang sana kung ibang babae yung nang-agaw pero hindi eh. Bestfriend ko yung nang-agaw. Maskit yun ehh.  Bestfriend ko siya ehh. Hindi niya dapat ginawa yun, pero nagawa niya.

Pero ngayon, makikipagbati na ako sa kanya. Tama na tung away na 'to. Malaki na kami. Dapat alam na namin kung anong tama at mali. Kaya hihintayin ko nalang siyang humingi ng tawad at kung nagawa na niya yun, papatawarin ko na siya. Naka move-on na rin naman ako kay Brian kaya wala na ring saysay ang pagrevenge ko sa kanya. Ibabalik ko na sa kanya yung mahal niya na mahal rin siya. Alam ko rin na hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Brian dahil kung para talaga kami sa isa't isa. Gagawa si  Destiny ng paraan para hindi siya makipaghiwalay sakin, pero hindi ehh.. Ginawa niya ehh. Kaya alam ko nang hindi talaga kami para sa isa't isa.

May sasabihin ako sa inyo. Hindi naman lahat ng maldita o mataray ay malakas at walang kahinaan.. dahil meron din kaming kahinaan at marunong din kaming umiyak. Pero hindi ko pinapakita sa iba na umiiyak ako dahil baka kaawaan nila ako.

Kaya hihintayin ko nalang yung panahon na magbabati rin kami ni Ami.

--------

Taas noo parin akong naglalakd papunta sa classroom. At gaya ng dati. Sumusulpot parin si Arvin sakin dahil inutos ko sa kanya na kapag nandito ako sa school, dapat lagi siyang nasa tabi ko. Dahil alam niyo na... para ipaalam sa lahat ng tao na naagaw ko yung boyfriend ng ex bestfriend ko. 

Nung nakalapit na siya sakin. Hinarap ko siya agad.

"Arvin." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sakin at hinarap ako na walang emosyun. Wala talaga yang kaemosyun emosyun ang mukha niya simula nung pinaghiwalay ko silang dalawa ni Ami. Ganyan talaga niya kamahal si Ami. Parang mamatay kapag wala siya sa piling ng mahal niya.

Sabi nga nila. 'Para kang namamatay kapag wala ka sa piling ng minamahal mo.' .... Proud ako kay Arvin dahil pinapakita niya na mahal na mahal niya talaga si Ami. Alam ko na sila talaga ang magkakatuluyan hanggang sa huli. Alam kong nasaktan ni Arvin si Ami pero para din naman yun sa sa kanila. Gaya nga ng sabi nila. 'Gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo. Kahit masakit, gagawin mo pa rin dahil para din yun sa kinabubuti niyo.' 

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon