MSR 32

114 2 0
                                    

Zam's POV

Nahanda ko na lahat ng gamit ko. Ako nalang kasi ang hinihintay ng barkada. Lumabas na ako ng kwarto ko dala dala yung isang maleta ko at isang shoulder bag. Nandun yung junkfoods no. Hindi yun mawawala. 4 AM palang in the morning. Oh diba.

Pumunta na ako sa baba at dumaretso sa dining. Nandun na kasi sila Yza, Sharmaine, Ami, Arvin and Rappie. Si Kade? Tss. Bahala siya sa buhay niya. Nagpapakasaya pa yun kasama yung friend niya daw. Bullshit!

"Kain ka na Zam. Para makaalis na tayo." Sabi ni Rappie sakin.

"Oh sure." Sabi ko at umupo na katabi sila. Tahimik lang kami habang kumakain. Pagkatapos naming kumain, dumaretso na kami sa van namin. Van talaga yung gagamitin namin. Actually, dalawang van. Ako, si Sharmaine, si Yza at si Rappie yung sa isang van na color black at sila Ami at Arvin naman yung nasa white na van. Sila lang dalawa doon para mabigyan naman sila ng time sa isa't isa. Hay! Time daw, eh palagi nga silang magkasama eh.

"Nilagay na namin sa likod ng van yung mga gamit namin at umupo na kami sa backseat. Katabi ko si Sharmaine at si Rappienaman yung magdadrive at nasa passenger seat naman si Yza. Bago pa kami umalis. Nagpaalam muna kami kina Mommy at Daddy at nagpaal din ako kay Yaya Jaisy. Ilang days din kasi kami doon sa Zaraque Resort. Nakita ko na yung pic doon at ang ganda talaga. Maraming trees at white sand din. Malamig daw at malinis ang resoert kaya mas lalo kaming naexcite.

Nagsimula ng magmaneho si Rappie kaya gaya ng dati kumuha ako ng earphones ko at isinaksak sa ears ko. Pero wala akong pipakinggan na kanta. Trip ko lang kasi isaksak yung earphones sa tenga eh. Bawal ba?

Natulog na ako dahil matagal tagal pa yung byahe.

7 Hours na yung nakakalipas at nagising na rin ako. Ginising kasi nila ako. Pagmulat ko. Nakita ko yung mga matataas na puno sa labas. Ano bang ginagawa namin dito.

"Anong gagawin natin dito? Bat niyo hininto?" Tanong ko sa kanila.

"11:00 AM na. Kain muna tayo." Sabi ni Yza.

Kinuha ko yung dinala namin food para pang lunch namin sa byahe. Luto to ni Yaya Jaisy kaya masarap to. Pagkatapos naming kumain. Nagsimula na ulit kaming bumyahe. Hindi na ako natulog at nakatingin nalang ako sa labas. Nakikita ko yung mga matataas na puno. Para bang nasa island ka kasi ang tataas. Tapos kunti lang yung mga bahay at parang ang tahimik tahimik.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Sharmaine na nasa tabi ko. Tumingin naman ako sa kanya.

"Bat mo naman natanong?" Tanong ko sa kanya.

"Eh wala si Kade eh. Hindi ka ba nalulungkot dahil wala siya?"

"Bat naman ako malulungkot eh masaya nga siyang kasama niya yung akibigan niya eh. So maging masaya din ako kasama yung kaibigan ko. Problema ba yun. Bahala siya buhay niya!" Sabi ko at tumingin ulit sa labas.

3 hours after, nakarating na rin kami sa Zaraque Resort. Expected talaga na maraming tao ngayon. May Neon Party kayang magaganap mamayang gabi.

Pinark na ni Rappie yung van sa parking lot at lumabas na kami. Kinuha namin yung mga gamit namin sa likod ng van at nagsimula ng maglakad. Pagkapasok namin sa hotel. Nagbook na rin kami sa hotel. Dalawang room lang yung kinuha namin. sa isang rooms ay for girls atsa isang room naman ay for boys. Bromance muna sila Rappie at Alvin ngayon. Kahit na gradutae na kami sa high school. Bawal muna magktabi ang lovers. Baka may mabagito at mabagita eh.

Nasa third floor kasi yung room namin. Magkatabi lang kami ng room ng boys.

"So dito na kami." Sabi ni Arvin.

"Yup. Mag bromance muna kayo diyan ha. Wag niyong kamlimutan yung important thing." Pagbibiro ni Ami. Napatawa tuloy kaming lahat.

Pumasok na kami sa loob ng room. Inayos na namin yung mga gamit namin at pagkatpos naming mag ayos humiga na kami sa bed. Two beds kasi yung kinuha namin. Hindi kami magkakasya no kung isa lang yung kukunin namin. Ayaw din namin na isa isa ng room. Kaya ito na yung kinuha namin. Tabi kami ni Sharmaine at tabi naman sila Yza at Ami. Natulog muna kami dahil pagod kami sa byahe. 10 hours din yun no. At magchacharge muna kami ng batery sa katawan para mamaya sa Neon Party.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon