MSR 19

129 3 1
                                    

Zam's POV

"Are you sure na okay ka lang dito? Baka mapano ka?" Tanong sakin ni Mommy.

"Okay lang ako dito Mom. Wag kang mag-alala." sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng yelo yung mukha ko. Lumapit naman si Mommy sakin at hinawakan ang noo ko. 

"Ang taas ng lagnat mo baby. Kailangan mo ng kasama." Sab ni Mommy na halatang nag-aalala. 

Tinanggal ko yung kamay niya. "Mommy.. Okay lang po ako dito. Nandito naman po si Yaya Jaisy. Hindi naman po niya ako pababayaan." Sabi ko kay Mommy.

"Sige baby. Alis na kami ng Mommy mo..... and Jaisy, algaan mo yang baby namin ha. Wag mong pababayaan yan. Mahal namin yan." Sabi naman ni Daddy.

"Daddy talaga oh." 

"Sige na baby alis na kami. Magpahinga ka ha." sabi ni Mommy.

"Opo Mommy."

"Wala bang goodbye kiss galing sa maganda naming baby." sabi ni Daddy.

"Daddy naman ehh. Hindi na po ako baby." sita ko sa kanya.

"Baby ka pa rin namin." sabi ni Mommy kaya wala nalang akong nagawa kundi bumuntong hininga. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi. Pagkatapos kong halikan sila sa pisngi ay lumabas na sila sa loob ng bahay at umalis na.

"Halika na nga. Magpahinga ka na. Lakas ng lagnat mo." Sabi ni Yaya Jaisy. Ngumiti nalang ako at inalayan papunta sa kwarto ko.

Kade's POV

Pagkatapos ko siyang tulungan mula sa mga taong gusto siyang patayin.. sasabihan lang ako ng manyak. Ang sarap naman ng matamis niyang thank you. Na appreciate ko talaga. GRABI! Sabihan ba naman ako na nirape ko daw siya. Kapal naman ng mukha niya. KAPAL. Parang libro. Tss.

Pinark ko na yung sasakyan ko sa parking lot ng school na papasukan ko. at lumabas na at naglakadlakad. Actually, first day ko pa ngayon makapasok sa classroom. Hindi kasi ako nakapasok nung tinulungan ko si Zam doon sa mga haters niya.... Naalala ko tuloy yung sinabi niya na ako pa ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakapasok sa first day of class dahil tinulungan ko siya. Pasalamat nga siya kasdi tinulungan ko siya. Bobo talaga ng babaeng yun. Kung hindi lang talaga siya... Nevermind. 

Naglalakad ako papunta sa classroom ng biglang may narinig akong nagchichismisan na dahilan na para huminto ako sa paglalakad.

"Alam mo ba. Nagkasakit daw si Zam dahil sa nangyari kahapon..... Grabi kasi yung ginawa ni Kathlaine sa kanya. Akala ko naman na magaling siya pero si Kathlaine lang pala ang makakatapat." Sabi nung babae na nagchichismisan sa kaibigan niya.

"Talaga? 'Bat mo naman nalaman na may sakit siya?" Tanong ng kaibigan niya.

"Narinig ko kasi si Sharmaine na kausap si Zam sa phone sa cr.... Sabi ni Zam kay Sharmaine na hindi daw siya makakapasok dahil mataas daw yung lagnat niya." Sabi nung babae. Napalaki naman yung mata ko sa narinig ko. Mataas ang lagnat? Dyos ko maryusep.

Tumakbo ako papunta sa sasakyan ko at nagsimula ng magdrive. Pwede pa namang makaalis dahil wala pa namang time. Pupuntahan ko lang naman siya sa bahay nila. 

Wait.. wait..

Bakit ko naman siya pupuntahan  eh kaaway ko naman siya? Hays. Ewan. Pupuntahan na nga lang. Naawa lang naman ako sa kanya. Panget na nga siya, pumanget pa siya lalo. Tss. Kawawang nilalang. 

Pinark ko yung sasakyan ko malapit sa bahay nila at lumabas na sa sasakyan at naglakad papunta sa gate nila. Nagdoorbell ako ng ikatlong beses. Ilang segundo ang nagdaan ay may nagbukas ng gate.

My Sexy RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon