"Sumi's POV"
Kasalukuyan ako ngayon nasa isang resto. Naghihintay kay Julian tulad nang aming napag usapan.
*Flashback*
Linggo nang gabi na ngayon at ito na ang huling gabi namin sa Tagaytay dahil bukas nang hapon na ang balik namin mula sa Sports Game Entry.
Matapos ang rebelasyong ginawa ni Kristoff kagabi ay mas lalo na akong naging ilap sa kanya. Aaminin ko na namimiss ko din siya pero kapag naaalala ko ang confession na ginawa niya, napipigilan nun ang pakikipagbati ko sa kanya. Idagdag mo pa ang katotohanang bukod sa may kasalanan daw siyang ginawa ay hindi naman niya sinabi kung ano ito.
Kahit saan hindi ko siya pinapansin, nagawa pa rin niyang magpaliwanag. Baka sakaling ayos na kami ngayon. Dahil sa punong puno ako nang emosyon ay muli akong pumunta sa dalampasigan saka naglakad lakad.
Natigilan lang ako nang marinig ang pagvibrate nang cellphone ko. Walang pagdadalawang isip ko itong kinuha sa bulsa ko at nakita ang unknown caller. Hindi man nakalagay ang pangalan niya ay alam kong siya ito.
"Hello?"
Saad ko nang masagot ito.
Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya pero sigurado akong si Julian ang tumatawag sa akin ngayon. Paano kong makakalimutan, e hindi naman ito ang unang beses na tatawag siya sakin at guguluhin ako.
"Julian? Anong kailangan mo?."
Narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.
["Easy, abo! Kailangan nating mag usap. Importanteng importante ito. Kailan ang free time mo?."]
Napabuga ako nang malalim na hininga.
Alam kong hindi ako titigilan nito. Knowing him, manggugulo at manggugulo pa ito lalo. Kaya mas mabuti na rin sigurong pagbigyan ko siya. Besides, hindi naman ako natatakot kahit pa sinabi niyang ganster siya. Kaya ko siyang tapatan. Kaya ko siyang labanan. I know how to defend myself. I've learned it way back then.
"Okay. Text me the address and the exact time. Magkita tayo sa lunes."
["Okay."]
Then I ended the call.
*End of Flashback*
"Sorry for the long wait."
Nabalik lang ako sa ulirat nang may isang boses ang nangibabaw mula sa likod ko. Pinanood ko ang paglapit at pag upo ni Julian sa kaharap na upuan ko.
"It's okay. You're not late. I am just 10 minutes early." I said then take a sip on my drink. Nauna na kasi akong umorder.
"Same abo ha!" Aniya pero hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya. Itinaas niya ang kamay niya saka naman may lumapit na waiter.
Sinabi lang niya ang order niya at mabilis naman itong inihanda nang waiter. Nang makabalik ay dala na nito ang inorder niya.
"Enjoy your meal, Ma'am/Sir!" Waiter saka mabilis na umalis.
"After this, may gagawin ka pa ba? Perhaps, a place na pupuntahan?." Tanong niya.
YOU ARE READING
LLU: School of Bitches (On-Going)
РазноеA school where every bitches studies and exists. Kasumi to Every Bitches --> "That's not being smart. That's being a bitches, bitch."