💞 HB FORTY ONE💞

43 11 2
                                    

"Jellah's POV"

"Good morning, Tagayt------awwwww!" Napadilat ako nang makatanggap nang isang sapok galing sa kung sino man yun. Sumama ang tingin ko sa kanya.

"Arghhh! Bakit ba, Sumi? Masakit yun ah!" Reklamo ko habang napapahawak sa ulo ko.

"Wala na tayo sa Tagaytay kaya bumangon ka na diyan kung ayaw mong malate sa klase."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ay! Oo nga pala! Hehe." Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Napabangon ako at napansin na bihis na bihis siya ngayon.

"Teka! Hindi ka nakauniporme. Hindi ka ba papasok?." Puna ko nang mapansin na nakabihis pang alis siya.

"Hindi. Pupunta akong airport."

Nanlaki uli ang mata ko saka napatakbo sa kanya saka siya niyugyog sa balikat. Nagulat naman siya sa inasta ko.

"Iiwan mo na ba ako? Aalis ka? Bakit hindi ka nagsasabi? Ayaw mo na ba akong makasama? Ayaw mo na ba akong maging kaibigan? Ano? Sabihin mo! Galit ka ba sakin? May nagawa ba akong hindi mo gust-------AWWWWWW! Mas masakit na yun ah!"

"Tumigil ka nga, Jellah Marie! Naririndi na ako sa'yo ah! At pwede ba? Tigilan mo na yang pagiging OA mo. Yan ba ang epekto nang manliligaw mo?."

Sumama ang timpla nang mukha ko.

"Kung galit ka kay Kristoff at hindi mo siya pinapansin, abah! Wag mo ngang idamay ang lovelife nang iba. Hindi ko nga alam kung anong kinagagalit mo diyan e. Hindi mo ako sinasabihan. Ewan ko lang sa iba kung may alam sila." Napaseryoso siya saka tinungo ang pinto at hinawakan ang doorknob para lumabas.

"Kung nagtataka ka pa rin kung saan ako pupunta, susunduin ko sina kuya. Ngayon pala ang punta nila. May surprise visit ang mga walangya!" Aniya saka tuluyang lumabas nang kwarto.

Napakamot na lang ako sa batok ko.

Ano ba kasing problema nun? Nag away ba sila? Si Kristoff na nga lang matanong mamaya.

Naligo ako saka nagbihis at pinakain ko lang nang konti ang mga alaga ko sa tiyan saka sumakay kay Thunder at pinaharurot ito papuntang eskwelahan.

Saktong pagdating ko ay ang pagtunog nang bell hudyat na simula na nang klase. Kaya sa halip na pumasyal pa sana kina Lera, sa classroom na lang ako dumeritsu at magkasunod lang kami na pumasok ni Miss Diah dahilan para hindi ko na magawa pang kausapin sina Kristoff.

Habang nagdidiscuss si Miss ay naaagaw nang katabi ko ang aking atensyon. Panay buntong lang kasi niya ang naririnig ko. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya saka bumulong.

"Anong problema?."

"AHHHHHH!"

"Ms. Augustus and Mr. Santiago. May sasabihin ba kayo?." Patay!

"A-ahhh! W-wala po, Miss!"

"May naintindihan ba kayo?."

"W-wala po, Miss!"

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now