💞 HB 37: Sports Game Entry 💞

43 10 0
                                    

"Lera's POV"

Tuesday afternoon.

Muling tinawag ni Miss Mia ang atensyon naming lahat kaya nagsipagtigil kami sa kanya kanyang ginagawa saka lumapit kay Miss Mia para makinig sa mga sasabihin niya.

"This afternoon will be our last game and tomorrow until thursday morning will be your free time. Thursday afternoon until friday afternoon will be the championship game. Saturday night, we'll be meeting and we will have a bonfire. Then sunday night, we'll be having a social night. You can come with your partner. Sunday night is the night for you and your love one. Para talaga sa mga couple ang gabing yun at malay ninyo, sa mga single diyan baka dun ninyo na rin makilala ang mga lalaking makakatuluyan ninyo." Napatili ang karamihan na parang kilig na kilig. Napatawa naman si Miss Mia sa naging reaksyon nila. "Hindi lang yun para sa mga couple, kundi para na rin sa mga taong may lihim na pagtingin. So, if you are secretly admiring someone, sunday or social night is the chance for you to bloom. Sige kayo! Baka maunahan pa kayo." Mas lalo pa silang nag ingay sa dinagdag ni Miss Mia.

"For this afternoon's activity which will also serve as the last activity, it was titled as "Balloon Jugger", but with a twist."

Ano ba yan! Kanina may twist din e, tapos ngayon meron ulit? Anong twist na naman kaya ito? Kasali pa naman ako kasi hindi naman ako ang captain e.

Napatingin ako sa Captain namin na ngayon ay malaki ang ngisi ngisi sa labi. Pft! Napairap na lang ako sa kawalan.

Speaking of.... Natawa ako nang may biglang maalala.

Hinding hindi ko makakalimutan kung paano akong hinampas ni Bethany nang makabalik siya sa kwarto kahapon.

Dala dala niya ang napkin na isinuggest ko mismo, saka walang ano ano'y ibinato ito sa akin na nagpatawa lang sa akin. Nagtataka pa yung iba kung bakit naging ganun siya pero nung pinaliwanag ko ang dahilan ay hindi na sila magkandaugaga pa sa pagtawa.

Tatawa tawa kong ibinalik ang paningin ko kay Miss Mia pero bago yun ay nahagip nang paningin ko ang nakatingin at nakangising si Bethany sa akin.

Mukhang may balak pang gumanti ang bruha!

"Hahayaan kong ang Captain ninyo na ang magpaliwanag nang tungkol sa laro. Again, goodluck Llera's." Miss Mia.

"Tara dito." Agad naman kaming pumunta sa bahaging itinuro ni Sumi.

"Hahatiin ko kayo sa tatlong team at bawat grupo ay may tatlo na lang na miyembro." Taka kaming napatingin sa kanya. "Since we are 11, kukunin ko si Kristoff para maging katulong ko."

Biglang nagtaas nang kamay si Julian.

"Ako na lang." Aniya na agad sinang ayunan ni Bharra.

"Oo nga. Si Blue na lang ang isama mo." Dagdag pa niya. Napatingin ako kay Sumi para tignan ang reaksyon niya. Hindi naman lingid sa kaalaman namin na asul ang dating tawag niya sa ex niya dahil kwinento niya iyon sa amin. Bukod sa blangkong ekspresyon ay wala na akong kahit anomang ekspresyon na nakita sa kanya senyales na talagang nakamove on na nga siya.

Dahil doon ay napangiti ako, ngunit naglaho iyon nang sandaling magtama ang paningin namin ni Bharra. Pft! Pathetic Bitch!

"Sorry to disapprove, pero si Kristoff ang magiging katulong ko." Ngumisi si Sumi kay Bharra. "Nice try! And goodluck, girl!" Aniya na ikinangisi ko. Sus! Bakit hindi mo pa pinagsigawan na bitch ang babaeng yan, e bitch naman talaga siya. Nakita ko nang mapangiwi si Bharra saka nanlumo. Buti nga sa'yo, bitch!

LLU: School of Bitches (On-Going)Where stories live. Discover now